Kung susuyurin ang Instagram, tila may fascination ang Gen Z sa mga lumang gamit.
Ilan sa kanila ay bet na bet ang early 2000s technology, partikular ang flip phones at digital cameras.
Ang iba sa kanila ay ginagawang hair clips ang iPod Minis, at may mga nangongolekta ng vintage iPods na inilabas ng Apple Inc. noong 2007.
Ang sunod na target ng Gen Z na ibalik sa uso ay ang corded landline phone.

Bagaman at hindi nila kailangan ang landline, ang aesthetics ng 2000s nostalgia ay mabenta sa Gen Z.
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits the most imaginative reactions
LANDLINE no longer useful to americans
Sa U.S., sa pagtatapos ng 2022, nasa 72.6 percent ng adults at 81.9 percent ng mga bata ay nakatira sa bahay na walang landline, ayon sa National Health Interview Survey.
Noong 2006, ang mga Americans na walang landline sa bahay ay nasa 15.8 percent lang.
Ngayong February 2024, hiniling ng American communications company na AT&T sa California Public Utilities Commission na permanente nang tanggalin ang landline sa kanilang estado.
Para sa AT&T, ang nagiging purpose na lang nito ay para sa historical curiosity.
Sa Pilipinas, ang mga Internet companies ay may bundle na landline sa kanilang plans—pero hindi rin naman ito nagagamit ng subscribers.
Read: Instant o ground: What kind of coffee will keep you awake?
LANDLINE, CHILDHOOD FANTAZY OF GEN Z?
Kung karamihan sa mga Gen Z ay lumaki sa bahay na walang landline, ano ang meron sa teleponong may kawad para maging appealing ito sa kanila?
Ayon kay Nicole Randone, 24, ng Westchester, New York, sa panayam ng The Guardian kamakailan, “One of my first memories is the tan landline that my parents had mounted to the kitchen wall.

“I always fantasized about the day I’d have one in my own room.”
Dagdag pa ni Nicole, ang pagkakaroon ng landline ang magpupuno sa puwang sa pagitan ng reyalidad at ng kanyang childhood fantasy.
“I feel like the main character in my favorite TV shows—One Tree Hill, The OC, Gilmore Girls—when I use it.”
Read: Scientists in South Korea invent pink rice that tastes like beef
LANDLINE PALASAK NOON SA TV AT MOVIES
Sa pagbabalik-tanaw sa late 1990s at early 2000s TV shows at romantic comedies, kalimitang ang mga pangunahing karakter ay nakahiga sa kama at may kausap sa kabilang linya gamit ang makulay na retro landndline phone.

Sa panahon ngayon, kabilang na ang landline—isama na rin ang CD-ROM at cassette tapes—sa malapit nang maging obsolete
Sa TikTok, karaniwang post na kinukunan ng parents ng video ang kanilang anak habang hawak ang wall phones na hindi na alam ng mga ito kung paano gagamitin.
Wala na rin ang mga payphones na hinuhulugan ng barya para makatawag.
Pero ilan sa mga Gen Z ay hindi pa handa na tuluyang mawala ang landlines.
Ani Nicole, “When people see my landline, they treat it like a toy.”
Gustung-gusto rin niya na pumupulupot ang kawad ng landline sa kanyang katawan kapag nagpapagulung-gulong siya sa kama habang may kausap.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
“IT’S VERY SEX IN THE CITY"
Ang isa pang Gen Z na si Sam Casper, 27, ay may light pink Crosley landline.
Aniya, dating pag-aari iyon ng kanyang lola.
Kuwento ni Sam sa The Guardian, “But it’s hilarious, because saying that makes you think it would be old, but she bought it from Urban Outfitters a few years ago.”

Ang Urban Outfitters sa U.S. ay may reputasyon sa pagbebenta ng retro products gaya ng iPods, instant cameras, CD players, film cameras, amplifier speakers, deadstock TVs, turntables, at iba pa.
Ginagamit ni Sam ang kanyang pink landline sa pagtawag sa kanyang mga kaibigan—na ang ilan ay mayroon ding landlines.
Aniya, cute at romantic ang sinaunang telepono.
“It’s very ‘Sex and the City,’ which is why we started doing it.”
Hate naman niya ang cellphones dahil kayang-kayang mag-cancel ng kahit sino at the last minute sa pamamagitan lang ng text message.
“Which I find so absurd.”
Para naman hindi niya makalimutan ang landline numbers ng kanyang mga kaibigan, inililista niya ang mga iyon.
Fascinated din si Sam sa kanyang landline dahil sa features nitong voicemail, na aniya ay inire-record sa “tape” ang call ng nasa kabilang linya kapag hindi niya nasagot ang tawag nito.
Ang isa pang nagustuhan niya ay walang caller ID, kaya hindi niya nai-screen kung sino ang tumatawag.
Ngayon, pag may nakikilala siyang bagong kaibigan at gusto niya itong imbitahan sa kanyang bahay, ibinibigay niya rito ang kanyang landline.
“Whenever I hear my phone ringing, I get so giddy.
“I love to just sit there and talk and twirl the little cord.”
Read: How often do you have to clean your tumbler? Expert says it should be "daily"
