PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Here are solutions for smelly shoes

How to prevent the odor?
by KC Cordero
Published Mar 5, 2024
Photo of rubber shoes
Kung araw-araw mong isinusuot ang paboritong sapatos, in time ay magkakaroon ito ng amoy. May mga paraan para ito ay maiwasan.

Hindi maiiwasan na ang paboritong sapatos ay magkaroon ng amoy lalo na kung ito ang madalas gamitin.

Kapag pinawisan, nabasa, o na-expose sa iba’t ibang elements at bacteria, asahang mag-iiba ang amoy nito kumpara sa dati.

How to avoid smelly shoes?

Paano maiiwasang magkaroon ng amoy ang iyong sapatos?

Naririto ang ilang paraan:

MAGSUOT NG MEDYAS

Kung hindi ka nagsusuot ng medyas, ito ang pinakamabilis na paraan kung bakit nagkakaamoy ang sapatos.

Hangga’t maaari, magsuot ng breathable socks na nakakabawas ng pagpapawis ng paa, at napapanatiling tuyo ang loob ng sapatos.

Masuot ng malinis na medyas araw-araw.

Huwag ilalagay o iiwan ang ginamit na medyas sa pagwo-workout o kaya ay sa paglalakad nang matagal.

Photos of socks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Shopee, maraming mapagpipilian na murang medyas na quality na, unisex pa, tulad nitong 10 pairs ng unisex socks.

Combination na ito ng iba’t ibang kulay gaya ng plain, black, white, and grey.

Uso rin ito ngayon dahil sa Korean-inspired design nito.

Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers

PALITAN ANG LUMANG INSOLES

Kung hindi mo pa kayang palitan ang paboritong sapatos kahit luma na ito o ayaw mo pang bumili ng bago dahil namamahalan ka, ang inexpensive solution para rito ay magpalit ka ng insoles.

Kadalasan, ang amoy ng sapatos ay nakaimbak sa insoles.

Kung magpapalit ka ng insoles ng lumang sapatos, magiging mabango ulit ang sapatos.

Hindi na kailangang magpunta sa mga shoe-repair shop para magpapalit ng insoles dahil maaari namang mag-order nito online.

Photos of insoles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatanggal lang naman ito, at ilalagay ang bago.

Available sa Shopee ang mga insoles na ito na unisex din.

May arch support at heel cushion para lalong komportable ang pagsusuot ng sapatos, at hindi madaling mapapagod ang iyong mga paa lalo na kung lagi kang nakatayo o naglalakad.

Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund

MAGSUOT NG IBA PANG SAPATOS

Importante ring hindi iisa lang ang iyong sapatos. Hangga’t maaari, iwasang magsuot ng iisang sapatos.

Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pagkakataon ang iba mo pang sapatos na makahinga o malinis mo pag may time ka.

Kung sumugod ka sa ulan o nabasa sa baha, labhan agad ang sapatos. Hintaying matuyong mabuti bago isuot.

Ang nabasang sapatos kahit nilabhan ay prone sa pagkakaroon ng amoy pero kapag sinuot sila nang hindi natutuyo.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GUMAMIT NG FOOT POWDER

Kung pawisin ang paa mo, lagyan muna ng moisture-absorbing powder bago isuot ang iyong sapatos.

Sa ganitong paraan, naglalagay ka ng panibagong layer ng proteksiyon para hindi magkaroon ng amoy ang iyong sapatos at makaiwas ang iyong paa sa bacteria.

Isang pagsunod din ito sa good hygiene habits.

Photos of foot powder

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung medyo praktikal ka, bumili lang ng foot powder in sachet.

May nabibili sa Shopee na foot powder na bukod na nakatatanggal ng amoy ng sapatos, pinuproteksyunan din ang iyong paa laban sa pagpapawis, pangangati at pagbabalat.

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

PANATILIHING CLEAN AND DRY ANG IYONG MGA PAA

Sa pangkalahatan, lahat tayo ay magbebenepisyo kung pananatilihing malinis ang mga paa, at napakaimportante rin na lagi itong tuyo.

Kapag naliligo, tiyaking nalilinis na mabuti ang mga daliri sa paa at ang mga pagitan nito.

Siguraduhin ding tuyo ang iyong mga paa bago magsuot ng medyas o sapatos para hindi mukulob ang paa.

Kung mayroon ka namang chronic foot issues, agad magkonsulta sa doktor.

Read: Rubber shoes mula sa mga kandidato: Alin ang bet mong isuot?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung araw-araw mong isinusuot ang paboritong sapatos, in time ay magkakaroon ito ng amoy. May mga paraan para ito ay maiwasan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results