PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miracles linked to Holy Face of Jesus in Nampicuan, Nueva Ecija

Ang telang may imprenta ng mukha ni Hesus ay galing sa Manopello, Italy.
by Jerry Olea
Published Mar 29, 2024
Holy Face of Jesus of Manopello in Nampicuan Nueva Ecija
Magsasampung taon nang nakalagak sa Immaculate Conception Parish Church sa Nampicuan, Nueva Ecija ang holy relic na Holy Face of Jesus of Manopello, Italy.
PHOTO/S: Jerry Olea

"Siya na nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama.” — Juan 14:9

Ang Diocesan Shrine ng Banal na Mukha ni Hesus ay nasa Immaculate Conception Parish Church sa Nampicuan, Nueva Ecija.

“Ito pong telang ito ay galing po ito ng Manopello, Italy,” salaysay ni Fr. Renz Valente, assistant parish priest ng nasabing parokya habang iminumuwestra ang tinaguriang "Banal na Mukha ng Manopello."

Holy Face of Jesus

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Fr. Renz noong Pebrero 9, 2024, sa sanctuary ng Holy Face of Jesus sa Nampicuan.

“Nine years ago, nag-ikot po sa Pilipinas ang Holy Face. Ito po ay Holy Face ni Jesus after Resurrection.

“Kung makikita niyo po Siya, ito po Siya doon sa Shroud of Turin. Yung Shroud of Turin ay nakapikit si Jesus. Dahil iyon po ang Suffering Jesus."

Ang Shroud of Turin ay ang mahabang piraso ng tela kunsaan nakaimprenta ang imahe ng isang lalaking nakapikit. Para sa karamihang Katoliko, pinaniniwalaang ito ang telang ipinambalot sa labi ni Hesus nang ilibing ito matapos ipako at mamatay sa krus. Nakalagak ang Shroud of Turin sa Turin Church sa Italy.

May mga pagtatalo sa pagiging authentic ng Shroud of Turin, kung totoo ba ang claim dito na si Jesus nga ang imaheng nakaimprenta rito o kung totoong galing pa sa panahon ni Jesus ang tela.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isinailalim ito sa mga tests ng mga miyembro ng scientific community na humahamon sa authenticity ng imahe at sa panahong pinanggalingan nito.

Pero ang posisyon ng Catholic Church ay hindi nito nire-reject o kinukumpirma ang pagiging totoo ng Shroud of Turin.

Katulad ng Shroud of Turin, pinagtatalunan din ang authenticity ng Imahe ng Mukha ni Jesus na galing sa Manopello, Italy, o mas kilala bilang Manopello Image.

Manopello Image

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Fr. Renz tungkol sa Holy Face, “This is after Resurrection kaya tinawag siyang 'Face of Hope.'

“Kaya po yung Mukhang ito, after ng Resurrection, iyon po ang tawag po sa atin na Christian Catholic, we are hopeful people.

“Dahil muling nabuhay si Kristo, tayo po ay naniniwala na sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay, tayo rin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.”

MANOPELLO IMAGE MATCHES WITH SHROUD OF TURIN IMAGE

Paano naimprenta ang Mukha ni Hesus sa tela? Nakapagtataka iyon, di ba?

Pagmamatwid ni Fr. Renz, “Isa po iyan sa pinagtatalunan. Kaya makikita ninyo po doon sa may outside doon, may makikitang mga tela po doon, iyon po ay pinag-aralan. Paano nangyari?"

Ang mga telang naka-exhibit din sa labas ng convent sa loob ng church compound ang tinutukoy ni Fr. Renz.

“E, that time, makikita po ninyo itong tela na nasa Manopello ay very unique po siyang telang ginamit, only in Mediterranean Sea siya nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, iyon po yung pinag-aralan. Inilapat sa Shroud of Turin itong tela, pareho.

“Yung si Jesus na nag-resurrect, yung naimprenta after Resurrection, iyon po ang naimprenta sa tela.

“At iyon po yung meron po sa Manopello. Ito pong tela pong ito — dahil ang original po ay nasa Manopello — hindi po puwedeng tanggalin sa salamin dahil brittle na po siya.

“So ang tanging mailalabas lang na Mukha from Manopello ay third-class relic. So, ito ang original, salamin, pag tinouch sa salamin, third class na po iyon.

“Kasi sa salamin mismo nai-touch. So lahat po ng nailabas, ito po ang kauna-unahan sa Asia.”

Miracles attributed to the Holy Face

Ang Nampicuan ang isa sa pinakamaliit na bayan ng Nueva Ecija.

Pahayag ni Fr. Renz, “Pinakamaliit at pinakamahirap na bayan, pero because of Holy Face, nine years ago nung nailuklok po siya dito, dito po pinatunayan ng mga deboto lalo’t higit ng mga taga-Nampicuan kung paano pinagpala ang bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya unti-unti, nagkaroon ng kabuhayan ang mga tao. Nagkaroon po ng irigasyon.”

May mga naitalang himala ang Banal na Mukha ni Hesus.

“Ang naitala po sa record ng Manopello ay yung batang may malubhang sakit na pinagaling Niya,” salaysay ni Fr. Renz.

“At marami ho kaming stories dito. Just this morning, meron po kaming pilgrim from Binalonan [Pangasinan], isa po siyang cancer survivor.

“Na-meet niya yung dalawang cancer patient na galing ng Jaen [Nueva Ecija].

“So sabi ko sa kanila, ‘Magkuwento ka, ate na taga-Binalonan, kung paano ka nakilala sa Holy Face, kung paano ka Niya pinagaling.’

“Doon nila napagtanto nga na ang Banal na Mukhang ito ay nag-iiwan ng pag-asa.

“Marami pong kuwento ang Holy Face sa amin at gusto po namin iyon na i-share…

“Noong kami po ay pumunta ng Balayan, Batangas, isa po sa significant event na na-experience namin ay yung nagkaroon ng miracle doon sa isang connection namin, na naging way kung papaano namin nadala sa Balayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung kanya pong hipag ay nagle-labor dahil yun pong sanggol sa sinapupunan ay nakakain na po ng dumi.

“That night, nung dinala po namin, supposed to be ay hindi na itutuloy, pero sabi niya because of his devotion, kailangang ituloy.

“That night, nung naisilang, normal po yung bata. After a month, ipinakita niya sa amin, na yung bata ay miraculously na nabuhay. He associated it sa Holy Face.

“Tapos, nung kami po ay pumunta ng San Mateo, Rizal, last year, isa pong deboto ng Our Lady of Aranzazu, she doesn’t know na ang image ay nasa San Mateo."

Ang Our Lady of Aranzazu ay ang venerated na imahe ni Birheng Maria na sinasabing miraculous din. Nakalagak ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aránzazu sa San Mateo, Rizal.

“Sabi niya, habang siya ay nagdarasal sa Aranzazu, yung Kanya pong image ay ito. That’s why tumingin siya sa [Facebook] page ng San Mateo, Rizal, habang nagla-live… nakita niya po ang image na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, how come na ang Holy Face ay nagpakita sa kanya sa Our Lady of Aranzazu?”

Dumudulog sa Holy Face of Jesus ang mga umaasam ng paghilom, nagda-dialysis, nagki-chemo, nag-e-exam, may problema sa family relationship, at iba pa.

“Lahat po iyon, open,” sambit ni Fr. Renz. “You know what, during the pandemic, ito pong parokya namin ay protected by the Holy Face of Jesus.

“Though marami pong cases sa iba, sa amin po ay minimal lang. Hindi po kami nagsara…

“Yung mga hindi nakakapunta sa Manaoag, dito po pumupunta.”

Sa Setyembre 16, 2024 ang ikasampung taon ng pagkaluklok ng Holy Face of Jesus sa Nampicuan.

Immaculate Conception Parish Church in Nampicuan Nueva Ecija

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala ang mga tagaroon na ang Banal na Mukha ni Hesus ang nagdala ng biyaya hindi lang sa Nampicuan kundi maging sa mga karatig na bayan.

“Even po sa Mindanao, meron din po kaming devotees,” saad ni Fr. Renz.

Jerry Olea at the Immaculate Conception Parish Church in Nampicuan Nueva Ecija

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRAYER FOR THE HOLY FACE OF MANOPELLO

Panalangin Para Sa BANAL NA MUKHA NG MANOPELLO:

"Panginoong Hesukristo, sa lyong pagpapakasakit para sa amin ay nakintal sa lyong Mukha ang matinding kalungkutan na tanda ng lyong walang-hanggang pagmamalasakit sa sangkatauhan lalo na sa mga mahihirap at pinabayaan.

"Pinararangalan namin ang lyong Banal na Mukha na siya ring nagpamalas ng kagandahan, pagmamahal at kaamuan ng Diyos Ama.

"Sa kabila ng lyong sirang kaanyuan, namamalas namin ang lyong walang-hanggang pag-ibig na siya namang nag-uudyok sa sa amin na Ika’y amin ding mahalin at himukin ang iba na Ikaw rin ay mahalin sa mga sirang kaanyuan ng aming kapwa na ipinagkakatiwala Mo sa amin.

"Ang luha na masaganang bumukal sa lyong mga mata at pisngi ay parang mga perlas na nais naming tipunin upang tubusin ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga makasalanan sa pamamagitan ng lyong hindi matatawarang halaga.

"Hesus, ang lyong kabanal-banalang Mukha ay nagbibigay-galak sa aming kalooban, hinihiling namin na manatili ang pagkakintal ng lyong Banal na Mukha sa aming puso at upang makita ang kahalagahan ng aming pagiging mabuting katiwala ng mga kaloob Mo sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maisabuhay nawa namin sa bawat araw ang tunay na diwa ng pagdadamayan bilang mga Kristiyano.

"Pag-alabin Mo kami ng lyong pag-ibig upang sa pamamagitan nito, kami nawa’y maging karapat-dapat na makibahagi sa pagsamba at pagdakila ng lyong Banal na Mukha sa kalangitan.

"Amen."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsasampung taon nang nakalagak sa Immaculate Conception Parish Church sa Nampicuan, Nueva Ecija ang holy relic na Holy Face of Jesus of Manopello, Italy.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results