Isang social media influencer si Ma Jinghui, 21, residente ng southwestern province ng Yunnan sa China.
Sa ulat ng South China Morning Post last March 30, 2024, lumaki ang fanbase ni Ma sa online platform na Douyin—kahalintulad ng TikTok sa China—dahil sa panggagaya niya sa pumanaw na National Basketball Association player na si Kobe Bryant.
Read: Content creator Abby Domer Salle uses caged sisiw for headgear; attracts negative feedback

Read: Meet Bao the Chihuahua, travel and fashion vlogger
Mula sa ilang libong followers, ngayon ay nasa mahigit 600,000 na ang sumusubaybay sa kanya.
Sa isa sa kanyang mga videos ay suot ni Ma ang iconic Number 24 Lakers’ jersey ni Kobe.
May hawak din siyang bola ng basketball, at nakaupo sa harap ng pader na may pinturang puti.
Binati rin niya ang kanya mga fans—in English—ng: “Man, I’m back.”
“Chinese version of Kobe Bryant” ang tawag ni Ma sa sarili sa kanyang mga videos.
Ang bawat live session niya ay nakakahatak ng hanggang 100,000 viewers.
Sa loob lang ng 10 araw, kumita si Ma ng US$12,000 o PHP PHP674,778 sa pamamagitan ng pag-i-impersonate kay Kobe sa kanyang live streams.
Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers

Read: Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s
Si Kobe ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na basketball player sa buong mundo.
Isa rin siya sa pinakapaboritong player sa China, at may mahigit 10 million followers sa Weibo.
Nagsimulang maglaro ni Kobe sa NBA bilang miyembro ng Los Angeles Lakers noong 1996 sa edad na 18.
Limang beses niyang napag-champion ang Lakers.
Pumanaw siya sa edad na 41, kasama ang kanyang anak na si Gianna, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter malapit sa California noong January 2020.
Read: TikTok star Queenay Mercado seryoso na sa pagiging "aktres"
Para naman sa isang Chinese fan ni Kobe—na fan na rin ngayon ni Ma—may mga dahilan sa pagsikat ng copycat.
Magkahawig umano ang mga ngiti nina Kobe at Ma.
Kapag ngumingiti raw si Ma ay parang nakikita nito ang idol na si Kobe, at naiibsan ang pagka-miss niya rito.
Ayon naman sa isa pa, kapag nakikita nito ang mga video ni Ma, hindi nito mapigilan ang umiyak.
Read: "Introvert" influencer posts about buying all cinema seats; draws mixed reactions
Nagsimula si Ma sa social media bilang game streamer.
Mahilig siya sa basketball at video games.
Si Kobe rin ang kanyang basketball hero.
Last February 2024, isang netizen ang nagsabi kay Ma na hawig siya kay Kobe.
Nag-suggest ang netizen na i-impersonate niya si Kobe para makahatak ng followers.
Sinunod naman ni Ma ang payo ng netizen.
Nagpakalbo siya para makopya ang hairstyle ni Kobe.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views

Read: Maleesha Kharwa: From “slum princess” to Internet sensation and popular model
Naglagay rin siya ng make-up para umitim ang kanyang balat.
Nung nagsimula siyang mag-live stream na may hawak na bola ng basketball, nagsuot din siya siya ng jersey ni Kobe.
Ayon kay Ma, maging siya ay nagulat sa biglaan niyang pagsikat sa social media.
At umaasa siyang kumita pa nang mas malaki sa pag-i-impersonate kay Kobe para mabilhan niya ng kotse ang kanyang ama, at ng bagong smartphone ang kapatid na babae.
Nag-aaral din siyang magsalita ng English.
“My goal is one million followers, and I’ll be live-streaming basketball games in the future.”
Read: English teacher na naging pulubi, nakabangong muli!
Sa kabila naman ng kanyang pagsikat, marami ring bashers si Ma.
Komento ng isang naasar sa panggagaya niya kay Kobe, masyadong payat ang kanyang mga kamay at binti.
Hindi rin umano mukhang basketball player si Ma.
Bulalas pa ng basher ni Ma, “He is just cashing in on people’s love for Kobe.”
Depensa naman ni Ma, nagsisimula na siya ng kanyang fitness regimen at kasalukyang nagpapalaki ng mga muscles para maging kahawig ng built ni Kobe ang kanyang katawan.
Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers
