Viral ngayon ang dalawang original old photos ng menu cards ng mga pagkaing inihain sa mga pasahero ng barkong Titanic.
Ang mga lumang larawan ay ini-upload sa X (formerly Twitter) last April 3, 2024 ng Fascinating, isang online page na tumatalakay sa interesting science, gadgets, history, art, at iba pang mga paksa.
Ang caption sa dalawang photos: “Titanic 1st class menu vs 3rd class menu from April 14, 1912, the day before the Titanic sank.”
Ang isang menu card ay listahan ng mga pagkain para sa mga first-class passengers, at ang isa naman ay para sa mga third-class passengers ng Titanic.
Historical ang Titanic na bumangga sa isang iceberg noong gabi ng April 14, 1912, at lumubog sa North Atlantic waters noong April 15, 1912.
Tinatayang nasa 1,500 pasahero ang namatay sa aksidente.
Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages
Nakaka-fascinate ang aura ng dalawang original menu cards na nag-o-offer ng iba’t ibang dining options mula sa luncheon hanggang buffet , pati na rin breakfast.
Batay sa mga larawan, kabilang sa mga pagkain sa first-class menu ang consomme fermier (clear soup made from richly flavored stock or broth), fillets of brill, chicken a la Maryland, corned beef, cockie leekie vegetables, and dumplings.
Sa ilalim ng “From The Grill” category, kabilang ang grilled mutton chops; mashed, fried, and baked jacket potatoes, custard pudding, apple meringue, and pastry.
Sa buffet naman ay may salmon mayonnaise, potted shrimp, Norwegian anchovies soused herrings, plain and smoked sardines, roast beef, a round of spiced beef, veal and ham pie, Virginia and Cumberland ham, Bologna sausage, galantine of chicken, corned ox tongue, lettuce, beetroot, tomatoes, cheese including Cheshire, Stilton, Gorgonzola, Edam, Camembert, Roquefort, St. Ivel Cheddar.
Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband

Read: Kandidatong lumahok na sa 238 official elections, hindi pa nanalo kahit minsan
Ang first-class menu card na may title na RMS "Titanic” ay may petsang April 14, 1912.
Ito rin ang nakalagay na petsa ng menu card para sa third-class passengers.
Kabilang naman sa mga pagkain para sa third-class passengers ang oatmeal porridge and milk, smoked herrings, jacket potatoes, ham and eggs, fresh bread and butter, marmalade, Swedish bread, tea, and coffee for breakfast.
Para sa dinner, mayroon namang rice soup, fresh bread, brown gravy, cabin biscuits, sweet corn, boiled potatoes, plum pudding, sweet sauce, at mga prutas.
Kung gustong mag-tea, may pika-pika pa na cold meat, cheese, pickles, fresh bread and butter, stewed figs, at kanin.
Read: Machine naimbento para makontrol ang maingay na patugtog ng kapitbahay

Read: 80-year-old woman without child leaves fortune worth more than PHP300M to caretaker
Walang ini-upload ang Fascinating na photo ng menu para sa second-class passengers.
Pero may kopya ang website ng House Beautiful na na-publish noong April 18, 2016.
Maoobserbahan na dalawang pahina ang menu card.
Ayon sa artikulo, ang second-class menus ay “definitely a downgrade” mula sa first-class menu, pero may masasarap pa ring treats, gaya ng baked haddock in sharp sauce, spring lamb in mint sauce, and roast turkey in cranberry sauce.
Mayroon ding plum pudding at wine jelly, “which sounds awesome” ayon sa artikulo.
Read: Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding


Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!
Ang Titanic ay patuloy na napag-uusapan ng mga tao sa buong mundo, lalo na nang isapelikula ito noong 1997 at pinagbidahan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet.
Ang paglubog ng naturang barko ay kuwento ng maraming anyo ng kabayanihan—pero kuwento rin ito ng pagkakaiba ng antas ng pamumuhay ng mga tao at kung paano sila pinakikitunguhan sa lipunan depende sa uri.
At isang pruweba rito ang mga pagkaing inihain sa first class, second class, at third class.
Read: Guy working with his laptop inside cinema sparks online discussion about work-life balance
Kaya naman sa komento ng netizens, napansin agad ng isa na sa third-class menu ay may “gruel for supper.”
Ang “gruel” ay pagkaing kinabibilangan ng iba’t ibang uri ng cereal, gaya ng ground oats, wheat, rye, or rice. Nilalagyan ito ng mainit na tubig o gatas.
“Thinner version” ito ng lugaw, na mas iniinom kaysa kinakain.
May nagsabi rin na mukhang wala man lang condiments ang mga pagkain para sa third-class passengers.
Pero siyempre, malaki rin kasi ang difference sa cost ng tickets.
Ayon sa CruiseHive.com, website ng cruise company owner na si Emrys Thakkar, 7 pounds (PHP500 sa current exchange rate) ang presyo ng third-class ticket noong 1912.
Ang presyo ng first-class suite ay 870 pounds (PHP62,143 sa current exchange rate).
Read: Meet this influencer earning six figures for resembling Kobe Bryant
