PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire

Guess how much her net worth is.
by KC Cordero
Published Apr 10, 2024
Photo of Livia Voigt
Dahil sa kanyang net worth na US$1.1 billion, si Livia Voigt, 19, ng Brazil ang itinuturing na pinakabatang bilyonarya sa buong mundo.

Ang Brazilian student na si Livia Voigt ang itinuturing na world's youngest billionaire, batay sa Forbes Billionaires List 2024.

Mayroon siyang net worth na US$1.1 billion sa edad na 19.

Si Livia rin ang largest individual shareholder ng WEG, ang pinakamalaking manufacturer ng electrical motors sa Latin America.

Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours

Photo of Livia Voigt

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away

Ang WEG ay isang publicly traded multinational company na may mga factory sa mahigit 10 countries sa buong mundo.

Noong 2022, tinatayang nasa US$6 billion ang kinita ng kumpanya.

Ang kanyang lolo na si Werner Ricardo Voigt, katuwang ang iba pang bilyonaryo na sina Eggon Joao da Silva at Geraldo Werninghaus, ang nagtatag ng WEG.

Ang pangalan ng kumpanya ay kinuha sa unang letra ng pangalan ng tatlong founders.

Pumanaw si Werner sa edad na 85 noong 2016.

Read: VIRAL: 112-year-old menus for first- and third-class passengers of Titanic

Photo of Livia Voigt and her grandfather

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

Batay sa website ng kumpanya, nagkakaloob ang WEG ng global solutions for electric motors, variable frequency drives, soft starters, controls, panels, transformers, and generators.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral pa rin si Livia ng kursong psychology sa isang unibersidad sa Brazil.

Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband

Wala pa siyang board seat o kaya ay executive position sa WEG.

At sa kabila ng kanyang napakalaking kayamanan, pursigido si Livia na makatapos ng kanyang pag-aaral, ayon sa Forbes.

Bukod sa kanya, pinamanahan din ng kanyang lolo ang isa niyang kapatid na babae at mga pinsan ng share sa WEG.

Sa kasalukuyan, ang WEG ay may value na humigit-kumulang sa US$31.45 billion.

Read: Kandidatong lumahok na sa 238 official elections, hindi pa nanalo kahit minsan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa kanyang net worth na US$1.1 billion, si Livia Voigt, 19, ng Brazil ang itinuturing na pinakabatang bilyonarya sa buong mundo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results