PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Childless marriage? Content creator defends her choice

“Everyone’s life choices are different.”
by KC Cordero
Published May 27, 2024
Karina Irby and husband Ryan
Ibinahagi ng content creator na si Karina Irby ang madalas sabihin sa kanya ng mga tao—kakilala man o estranghero—kapag nalaman ng mga ito ang kanyang desisyon na hindi magkaroon ng anak. (photos courtesy of @karinairby on Instagram)

Nagkaroon ng awkward conversation ang Australian entrepreneur at TikTok content creator na si Karina Irby sa isang random woman dahil sa isang desisyon na personal para sa kanya.

Ibinahagi niya ang naging karanasan sa kanyang Instagram account last May 22, 2024.

Kuwento ni Karina, na-meet niya ang isang babae sa isang pampublikong lugar.

Wala na siyang ibinigay na detalye tungkol sa babae, at kung saang lugar sila eksaktong nagkaroon ng interaction.

Aniya, nagsimula iyon sa inosenteng tanong ng babae nang mapansin nito na may suot siya na wedding ring.

Photo of Karina Irby
Ibinabahagi ni Karina Irby ang naging conversation nila ng random woman na na-shock nang malamang ayaw niyang magkaanak kahit may asawa naman siya. (Photo courtesy of @karinairby on IG)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit umano ng babae, “Oh, I see you're married. How old are you?”

Sinabi ni Karina ang kanyang edad.

Usisa pa sa kanya ng babae, “Oh, you're getting on. So you must have children?”

Sagot ni Karina sa babae, “I just go to her, 'No, no kids. Actually, myself and my husband aren't having children.’”

Nakita umano niya na namutla ang babae nang malaman nito na nakapaloob siya sa isang childless marriage.

Tanong nito sa kanya makalipas ang ilang sandali, ano ang kanyang mga plano sa buhay?

Binabaybay naman niya rito kung ano ang kanyang mga prayoridad kabilang ang pagtatayo ng mga sariling negosyo, mag-ipon ng pera, magpahinga kapag holiday, mag-travel, matulog, mag-relax, maglaan ng mas mahahabang oras sa kanyang mister at magkaroon ng “absolute freedom.”

Read: Judge officiates wedding of criminal soon after sentencing

CHILDLESS MARRIAGE MUTUAL DECISION NG MAG-ASAWA

Nagpakasal sina Karina at ang kanyang mister na si Ryan noong October 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napagkasunduan nilang mag-asawa ang childless marriage na set-up.

Tanong pa sa kanya ng babae, hindi kaya pagsisihan ang niya ang choice niyang ito sa buhay pagdating ng panahon?

Usisa pa umano nito sa kanya, “Who's going to take care of you when you're older?”

Ang naging sagot ni Karina rito, “I would never choose to have children just so I can be taken care of when I'm older.

“Also having children doesn't guarantee that you are going to get taken care of, for your information.”

Karina Irby with husband Ryan
Masayang kumakain sina Karina Irby at mister na si Ryan. Ine-enjoy nila ang buhay na walang anak. (Photo courtesy of @karinairby on IG)
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pakiramdam ni Karina sa mga tanong ng babae ay nahuhusgahan siya.

"This happens to me so often you'd think I'd be used to it by now. I upset a stranger because I don't want kids.”

Read: Couple holds snowy wedding, and it's breathtaking!

NETIZENS PABOR AT KONTRA SA CHILDLESS MARRIAGE

Karamihan naman sa kanyang mga followers ay supportive sa desisyong hindi magkaroon ng anak.

Ang iba sa mga ito ay mga nanay na.

Komento ng isa, “I'm a mother of two and I love my kids, but I support this 100 per cent.”

Sambit naman ng isang follower na may anim na anak, “I don't think we should push women to have babies if they don't want to and those kids suffer with an unhappy mom."

Read: Bizarre love story: Guy marries mother-in-law

Mayroon din namang hindi pumanig sa kanya.

Paalala kay Karina ng isang kumontra sa desisyong huwag magkaanak, “Some fair points there. But calling out, postpartum, hair loss, stitches, children being rude, body changes, you are making them sound like negative things and they aren't negative at all!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Plus, your body will change regardless of children and hair loss is inevitable.”

Paliwanag naman ni Karina, hindi niya nino-normalize ang hindi pagkakaroon ng anak.

“Don’t get me wrong, I love kids and appreciate parents. But this doesn’t mean I want or, should want to have that life.”

Dagdag pa niya, may milyun-milyong mom and kids at maging mga gaya niyang child-free content creator na sinusubaybayan ng mga tao ang social-media accounts.

“But as soon as we talk about our decisions on not having children we get absolutely dragged through the mud.”

Kadalasan ani Karina ay mababasa niya sa comments section ang mga sumusunod:

“Who will care for you when you’re old?

“Won’t you get bored?

“You’re being very selfish.

“You’ll regret it one day when it’s too late.

“You’ll change your mind.

“What’s your purpose in life then?

“You’ll never know real love.”

Read: Wife pays house rent to millionaire husband

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging dito sa Pilipinas ay issue sa mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao kapag ang isang indibidwal—lalo na kung babae—ay nagdesisyong huwag mag-asawa, at kung magkaroon man ng partner ay hindi magkaroon agad ng anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit may mga taong inililihim na lang ang kanilang status para hindi na maging conversation piece, o kaya ay sadyang lumalayo na lang sa kanilang mga kakilala para hindi na mausisa—o kaya ay mahusgahan.

Kaya pakiusap ni Karina sa mga bumabatikos sa kanyang desisyon, “Can we all just love and accept that everyone’s life choices are different?

“No one is better than the other.”

Read: Meet Rajacenna, artist who paints with hands and feet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ng content creator na si Karina Irby ang madalas sabihin sa kanya ng mga tao—kakilala man o estranghero—kapag nalaman ng mga ito ang kanyang desisyon na hindi magkaroon ng anak. (photos courtesy of @karinairby on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results