Buong pagmamalaking ibinahagi ng X user na si Ankit Singh ang milestone ng kanyang nakababatang kapatid na babae, na tinawag niyang Meri Choti Behen o “my little sister.”
Ang tweet niya bilang @aksingh_2000 last June 4, 2024, nagsimula na si Meri sa internship nito bilang Software Development Engineer (SDE) sa Barclays.
Bukod sa sobrang proud siya sa kanyang kapatid, pinasalamatan din ni Ankit ang kanyang parents.
Read: VIRAL: Batang mas mahilig sa books kaysa smartphone

Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house
Ang tweet ni Ankit: “Today is a very special day for me. Meri choti behen started her internship as a SDE @Barclays.
“I can't even put into words how proud and happy I am as her Bhaiya [brother]."
Ibinahagi rin niya ang screenshot ng palitan nila ng messages ng kapatid.
Sa screenshot ay nagpadala ang kanyang kapatid ng photo ng kinakain nito.
Ayon dito ay ayaw sana nitong kumain ng marami dahil inaantok ito pagkatapos.
Biro naman ni Ankit, sa wakas ay marunong ng kumain ang kanyang kapatid ngayon.
Lumaki na rin aniya ito.
GRATEFUL TO PARENTS
Nagpasalamat naman si Ankit sa Diyos sa tagumpay ng kanyang kapatid.
“I'm so thankful to God for this happiness. Samay kitne jaldi beet gaya [time passed so quickly].
Ang excited pa niyang sambit, “Soon, she'll be earning her first paycheck!"
Read: Queen Maxima of the Netherlands drops by sari-sari store
Ibinigay rin ni Ankit ang kredito sa kanyang parents.
Aniya, “Credit goes to Mummy and Papa who worked hard day and night so both of us could study engineering and achieve our dreams.
“It's high time to tell dad, 'Papa, abse aapke bacche sambhaal lenge' [Dad, your children will take care of it from now on]. Striving hard for it.”
Sa mga netizens, aniya, "I'm sharing this to show that there's always hope, even in tough times, and hard work pays off.
“I'm sure you'll reach your goals soon too!"
Read: Story about dad bringing late son’s girlfriend to prom goes viral anew
NETIZENS' REACTIONS
Pinusuan naman ng netizens ang tweet ni Ankit na mayroon ng mahigit 87K views.
Marami rin ang nagpahayag ng pagkatuwa sa na-achieve ng kanyang kapatid.
Komento ng isang netizen, ang makatapos ng pag-aaral ang mga nakababatang kapatid ay pangarap din ng bawat big brother.
Dagdag pa nito, "Seeing your younger sibling's achievement is one of the best feelings. Congratulations to you and your sister."
Read: Woman in Ethiopia has not tried food, water for 16 years
Marami rin ang nagsabing masaya ang mga ito sa napakapositibong tweet ni Ankit, at nag-wish na magkaroon ng magandang future ang kanyang kapatid.
Pahayag naman ng isa pa, "This is proof that hard work pays off, even in tough times."
