PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Negative social media comments—bakit wala lang yan sa akin

Affected much ka rin ba?
by KC Cordero
Published Jun 26, 2024
Netizen reading comments on his posts
Kapag may nabasa kang negatibong komento sa iyong social media post at medyo sensitive ka, sapat iyon para masira ang iyong mood buong araw. Pero kailangan ba itong seryosohin at dapat magpaapekto lalo kung hindi mo naman kilala ang nagkomento? Photo: PEP.ph

KC CORDERO, SENIOR STAFF WRITER

Marami sa atin ang apektado ng mga komento sa ating social media posts lalo na kung negatibo ang pahiwatig ng nag-comment, o kaya ay lantarang pamba-bash.

Ito ang dahilan kaya may mga celebrity—o maging casual social media user—ang agad gumagawa ng paraan para hindi maapektuhan.

Dini-disable ang comments sa kanilang posts, o nire-restrict kung sino lang ang puwedeng magkomento, o hina-hide ang comments na hindi nila gusto, o kaya'y tuluyang dine-delete.

Isa ang actress vlogger na si Ivana Alawi sa aminadong apektado ng negatibong comments ng netizens.

Photo of Ivana Alawi
Natutunan ng actress/vlogger na si Ivana Alawi na huwag nang makipagbardagulan sa mga nagkokomento sa kanyang mga social media posts. Photo: Ivana Alawi Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya sa panayam ng ABS-CBN News noong June 14, 2024, isa raw sa mahalagang aral na natutunan niya sa pagiging content creator ay ang huwag magbasa ng mga komento.

Inamin niyang noong una ay palapatol siya sa bashers na tinatawag siyang “hubadera lang” at “puro retoke.”

Ani Ivana, “Dati talaga ay nagbabasa ako ng [comments] pero yung manager ko tinuruan ako na don’t read, deadma na. Hindi mo naman talaga mape-please lahat nang tao. That's something that you should always keep in mind na—may mga taong magugustuhan ito, may mga taong hindi.”

Tuluy-tuloy lang umano siya sa paggawa ng content, pero hindi na niya tinitingnan ang reactions at comments ng netizens.

Katwiran ni Ivana, "Kung hindi nila gusto, salamat pa rin. Kasi kung papakontrol ako sa kanila, ano’ng maiisip kong content?”

Read: Kobe Paras reveals why he's no longer affected by disrespectful comments

EPEKTO KAY MARS NG NEGATIVE SOCIAL MEDIA COMMENTS

May bahid ng katotohanan ang sinabi ni Ivana. Isang kaibigan kong cartoonist na tawagin na lang natin sa pangalang Mars ang sobrang apektado tuwing may nababasa siyang hindi magandang komento kapag nagpo-post ng kanyang comic strips sa kanyang Facebook page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May regular comic strip kasi si Mars sa isang daily broadsheet.

Kuwento niya sa akin, ang karaniwang komento ay hindi nakatatawa ang mga jokes ng kanyang comics strips, o kaya naman ay luma na, o dili kaya ay kinopya lang sa iba.

Pinipintasan din ang kanyang artworks—na parang iginuhit daw ng paa.

Sample of comments thrown at Mars
Halimbawa ng mga negative comments na natatanggap ni Mars. Photo: PEP.ph
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagsabi pa sa kanyang wala siyang future sa cartooning at malayo siyang maging Larry Alcala kaya magtanim na lang siya ng kamote.

Pagtatapat niya sa akin, marami na siyang hinamon ng suntukan sa social media.

Kapag hindi na rin niya makayanan ang sama ng loob sa mga pintas ay naglalasing siya.

May pagkakataon pang sa galit ay sinuntok niya ang dingding ng kanilang bahay kaya napilay ang kamay at ilang araw na hindi nakapag-drawing.

Read: Angel Locsin on bashers of her La Luna Sangre comeback: "Hindi naman ako yung makikinabang dito kung hindi sila."

COMMENTERS “MEMA” LANG

Sabi ko sa kanya, bakit siya nagpapaapekto? Karamihan naman sa mga nagkokomento ay mga estranghero at hindi niya kilala nang personal.

Tingnan ‘kako ang nangyari sa kanya—na maging ang sarili ay sinaktan dahil sa hindi magandang komento. Apektado pati ang kanyang output.

Nauunawaan ko ang pagiging artist niya kaya may pagka-sensitive, pero dapat din niyang isipin kung ano ang social media.

Hindi ba't ito ay isang napakalawak na platform na karamihan sa nagbibigay ng komento ay mga “mema”—may masabi lang—naiinggit, feeling mas magaling kaysa sa nag-post, o kaya'y may intensyon talagang mang-inis lang.

At ang rurok ng pagkaduwag: Mambabato, manlalait, maninira habang nakatago sa fake name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At napakabihira ang magbibigay ng honest take sa isang social media post.

Pati ang ating mga kaibigan, kamag-anak, kaklase, kapanalangin, at kapitbahay, kung magkokomento man nang positibo ay posibleng dahil sa pakikisama at sa ayaw makasakit ng ating damdamin.

Read: Ayanna Misola reacts to bashers: "MEMA!"

EPEKTO NG Aktwal NA PANLALAIT SA AKING SOCIAL MEDIA LIFE

Sa case ko, masasabi kong manhid ako sa nababasang comments sa aking social media posts.

Hindi ako apektado ng mga virtual na panlalait.

Daan-daanan ko sila. Wala talaga sa akin.

May kinalaman siguro rito ang nakamulatan kong physical environment.

Bilang anak-mahirap, lumaki akong laging inaaglahi ng aking mga kalaro at kaklase. Sobrang payat ko rin ever since kaya madalas akong ma-body shame.

Bibigyan ko kayo ng ilang halimbawa.

Natatandaan ko, noong grade three ako ay pinagawa ng teacher ang buong klase ng project na gagamitan ng mga basahang ginupit.

Hindi ako nakapag-submit.

Nang tanungin ako ng teacher kung bakit, isang kaklase ko ang sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit niya, “Suot po kasi niya yung basahan, Ma’am.”

Nagtawanan ang ibang kaklase. Nakatikim naman kay Ma’am ng pingot sa tainga ang nanlait sa akin.

Pero siguro ay nai-imagine ninyo kung gaano kasakit sa damdamin ko ang sitwasyong iyon.

Naging tampulan din ako ng biro nang minsang dumalo ako sa handaan sa aming baryo.

Dahil nga payat na payat ako, may isang nagsabi sa akin na babantayan niya kung gaano karami ang makakain ko dahil mukhang hindi nakakatikim ng mantika ang aking katawan.

Isa yun sa pinakamasakit na panlalait na naranasan ko. Umalis na lang ako at hindi na kumain.

Malaki ang naging epekto niyon sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi ako pala-attend sa mga handaan o anumang okasyon.

Naging dahilan din iyon kung bakit tuluyang naging anti-social na ako—at may mga panahong naging mapagtanim ng galit sa kapwa.

Nang makapasa naman ako sa isang scholarship grant at kinailangang magpa-medical test, nang lumabas ang resulta ay ipinakita ko sa mga tambay sa harapan ng bahay namin ang resulta. Physically fit ako at walang nararamdamang sakit kahit madalas nila akong tawaging payatot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, isa sa kanila ang hinawakan ang X-Ray result ko, itinaas, at saka nagsabing, “Ang laki naman nitong ID picture mo.”

Siyempre pa, nauwi iyon sa matunog na halakhakan.

Read: Miel Pangilinan speaks out on being body-shamed

FOLLOW IVANA’S LEAD

Marami pa akong naranasang panlalait, hindi ko mabilang.

Hanggang sa nasanay na ako at naging immune sa harap-harapang pananakit sa aking kalooban.

At nang nagkaroon ng social media, na-realize ko na advantage ko pala iyon—kahit gaano ka-harsh ang mabasa kong comment, wala lang.

In fact, nagawa ko itong libangan.

Kapag may oras ay sadya akong nagbabasa ng mga komento, lalo na sa social media accounts ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan.

Netizen reading comments on his posts
Para sa isang content producer, puwede gawing batayan ang mga comments sa pag-create ng social media materials. Photo: PEP.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan niyon, nadedetermina ko ang karakter ng followers at visitors ng aming websites.

Nagagamit ko ang mga komento—negatibo at positibo—sa paggawa ng content dahil may pagbabatayan na ako ng stories at data na gusto nilang i-consume.

Pero ilan lang siguro ang tulad ko, na pagdating sa social media, ay may pusong bato.

Kaya para sa ibang sobrang apektado, huwag ninyong saktan ang inyong mga damdamin. Gaya nang ginawa ni Ivana, may kakayahan kayong kontrolin kung ayaw ninyo ng panlalait ng iba.

Huwag magbasa ng komento.

Pero, ako, ito-troll ko pa yang mga yan. Hindi ako makikipagbardagulan. Pag-aaralan ko lang sila nang magamit sila sa trabaho ko.

Read: Viy Cortez unbothered by "panget, chaka, mabantot" comments

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag may nabasa kang negatibong komento sa iyong social media post at medyo sensitive ka, sapat iyon para masira ang iyong mood buong araw. Pero kailangan ba itong seryosohin at dapat magpaapekto lalo kung hindi mo naman kilala ang nagkomento? Photo: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results