Malaki ang pagkakahawig ni Kelley Thrasher, 40, sa world-famous pop star na si Taylor Swift, 34.
Si Kelley ay isang nanny at residente ng Shawnee, Kansas, USA.

Mas dumami aniya ang nagsasabing magkamukha sila ni Taylor Swift mula nang i-date ng pop star ang American football player na si Travis Kelce, na miyembro ng Kansas City Chiefs football team.
Mas lumaki kasi ang posibilidad na mapagawi si Taylor Swift sa state nila lalo pa't malapit lang ang bahay niya.
“I have been asked for selfies from strangers for years, but it’s gotten worse since I live in Kansas City, and she’s dating [Travis].
“I definitely think I need a shirt that says, ‘Not Taylor’s Version.’”
Read: Taylor Swift joins Jay-Z, Rihanna, other celebs on Forbes Billionaires List
PINAGKAGULUHAN SA “SPEAK NOW” TOUR NOONG 2012
Twenty-six years old si Kelley nung una siyang napagkamalang si Taylor Swift.
Kuwento ni Kelley, napansin siya ng mga Swifties, ang tawag sa mga fans ng pop star, noong nanood siya ng Speak Now tour taong 2012.
Pinagkaguluhan umano siya ng mga bata at mga nanay sa entrance ng venue.
Aniya, “It honestly was a bit scary.”
Habang umiiwas sa mga tao, tiningnan ng nakabantay sa gate ang ticket niya at ng mga kasama.
Nang matiyak na naroon sila para manood, sinamahan sila ng bantay patungo sa isang tunnel entrance.
Sa isip-isip ni Kelley noon, “Uh, I think this went too far.”
Pagdating sa loob ng venue, inihatid sila ng security staff ni Taylor Swift sa kanilang upuan sakay ng golf cart.
Sa kabuuan ng concert, ani Kelley, maraming lumapit sa kanya para makipag-selfie.
14 YEARS NANG MAY NAGSASABING KAHAWIG NIYA ANG POP STAR
Noong una, aminado si Kelley na hindi niya makita ang pagkakahawig nila ng pop star.
Ni hindi siya hardcore Swiftie, at nagpahaging na mas idolo niya si Lady Gaga.

Mas bata kasi sa kanya si Taylor Swift ng halos anim na taon.
Pero habang pareho silang nagkakaedad ng pop star, unti-unting nakikita ni Kelley ang kanilang resemblance.

At matapos ang 14 years na lagi siyang napagkakamalang si Taylor Swift, kumbinsido na ngayon si Kelley na magkamukha nga sila.
Read: Barbie Forteza on skipping Taylor Swift concert: "It's too much of a splurge."
BRUNO MARS's advice: EARN FROM BEING TAYLOR SWIFT LOOK-ALIKE
Sinubukan niyang pagkakitaan ang pagiging Taylor Swift look-alike sa mga events dahil sa panghihikayat ng mga kaibigan.
Pero ang naging deciding factor ay nang minsang makasalubong niya si Bruno Mars sa isang restaurant.
Napagkamalan din siya nito as Taylor Swift, at ang nasambit ng American singer-songwriter: “Monopolize that s**t!”
Dugtong ni Kelley, "I finally gave in after meeting Bruno Mars and him tell me I needed to."
Sa unang gig na pinuntahan niya, napanganga ang lahat ng bisita nang makita siya.
Napuno raw ng excitement ang venue.
Kaya bukod sa pagiging nanny, kumikita rin si Kelley sa mga gigs kung saan uma-appear siya bilang Taylor Swift look-alike.
Puno na nga ang schedule niya hanggang September 2024.
At mas malaki ang kanyang kita kumpara noong teacher pa siya.
Ang kanyang fee: US$350 o PHP20,519.45 kada oras.
“I make more in two hours than I did in a week when I worked as a teacher.”
Blessing in disguise aniya na dumating ang oportunidad na ito sa kanya nung siya'y nagtatrabaho na as a nanny and not as a teacher.
Mas flexible raw kasi ang oras niya ngayon.
This month alone, naka-apat na gigs siya.
Read: Anne Curtis on fangirling at Taylor Swift concert: "Pasensya sa voice ko. Wa-poise..."
Marami ring sikat na social-media content creators ang nag-aalok sa kanya ng collaborations, pero pinag-iisipan pa kung tatanggapin niya.
AYAW NIYANG MANLOKO NG MGA TAO
Mabenta rin si Kelley sa mga kids' parties.
Masayang-masaya umano siya kapag nasa event at nakikita ang excitement ng mga young girls na fans ni Taylor Swift.
Pero pagtatapat niya, medyo reluctant pa rin siya sa kanyang side hustle dahil feeling niya ay nagagantso niya ang mga tao—lalo na ang mga bata.
Nakakaramdam umano siya ng guilt.
“But I spoke to someone who runs parties, and they said the kids don't even care. They love Taylor and will be in awe regardless.
“And they came up to me and they called me adorable."
May agency na nangangasiwa sa kanyang mga gigs.
Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star
Para mas maging kamukha siya ni Taylor Swift, bumibili si Kelley sa mga online stores ng mga outfits na katulad ng mga isinusuot ng pop star.
Pero pagdating sa style, mas edgy raw siya.
Pareho naman silang mahilig sa red lipstick.

KELLEY'S BASHERS
Samantala, hindi rin nakakaligtas si Kelley sa pamba-bash ng ilang netizens, at hindi niya maiwasang magbasa ng mga comments sa social media.
Pansin niya, masyadong harsh ang iba kay Taylor Swift at maging sa kanya lalo na sa TikTok.
Madalas aniyang pagkumparahin silang dalawa.
“They say I need to lose weight to look like her.”
Marami rin ang nagsasabing halos doble ang tanda niya kay Taylor Swift, kaya napipilitan umano siyang mag-reply sa mga ito ng: “I'm only about five years older than her!”
Unti-unti, nakakasanayan na ni Kelley ang bashing, na aniya, “in the words of Taylor Swift, I just have to 'shake it off.’"
Umaasa naman si Kelley na hindi magiging negatibo ang dating ng kanyang mga gigs sa pop star.
Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display
