Pinanindigan ni Rosmar Tan na pumapalo sa "P13 million a day" ang kita niya kapag malakas ang benta ng kanyang skincare brand.
Bukod sa kanyang negosyo, si Rosmar ay social media personality na may 21.1M followers sa TikTok, 1.06M sa YouTube at 4.7M sa Facebook.
Read: Rosmar Tan reveals earning PHP5M-PHP13M per day from her skin-care brand
"Ang nangyari po kasi sa interbyu po kasi syempre mah naka-cut, di po ba? Kinukuha nila yung interesting part, ganyan.
"Pero totoo po yun. Nasabi ko po na kumita ako ng P13M sa isang araw.
"Pero hindi po araw-araw," paglilinaw ni Rosmar.
Nakapanayam si Rosmar ng ilang entertainment press via Zoom noong August 13, 2024.
Ipinaliwanag niya kung paano siya kumikita ng aniya'y milyun-milyon kada araw.
"And yun po kasi, halimbawa sa isang araw naka-live po ako, big live.
"Sa isang araw naka-live po ako and then kumita po ako ng P13M. Naka-affiliate lang po sa mga distributor, sa reseller po.
"Hindi po akin [lahat] yung pumapasok. Parang pinagtitinda ko sila, mga affiliate ko. May komisyon lang ako doon, parang ganoon."
Read: Henry Omaga-Diaz bids goodbye to TV Patrol permanently
REAL ESTATE properties
Pinasok na rin niya ang pagbili ng real-estate properties gaya ng mga bahay at resort.
"Sa lahat-lahat po, ang properties namin na may title po siguro nasa 30 titles
"Yung resort po ata nasa sampu po, parang ganoon. Meron po sa Laguna, Tagaytay, Batangas, Magdalena [Laguna].
"Parang ganoon po umiikot, e, Laguna, Batangas, Tagaytay."
Siya na ba ang bagong Manny Villar na mahilig bumili ng real-estate properties?
"Ay, hindi po," bulalas ni Rosmar.
"Niloloko nga po ako ng asawa ko. Sabi po niya, 'Ayan na naman si Cynthia Villar. Nagtuturo na naman ng lupa.
"Kasi every time na may makikita ako na for sale na lupa, bahay, para akong kumikinang-kinang na naman yung mga mata ko na parang hindi ko mapigilan.
"Yung inquire agad ako. Babalikan talaga namin, parang ganoon po."
Nagsimula raw ang hilig niya sa shopping ng luxury items.
"Bumibili-bili po ako ng mga luxury na kunwari, bag. Pero ilan lang. Mga sinelas po na Channel. Bumili po ako noon, anim.
"Pero ngayon nakatambak lang po. Mas gusto ko pa rin po yung sinelas ko na tig-tu-two thousand [pesos], parang ganoon po."
Sa dami ng kanyang properties, alin doon ang sa tingin niya ay hindi niya ibebenta?
"Yung R Mansion in Tagaytay. Sa lahat ng binili naming properties, yan lang po ang hindi ko iniisip na ibenta. Andun po kasi lahat ng pangarap ko," diin ni Rosmar.
@rosmartan Grabe ka Lord! the best ka talaga kaya patuloy kaming maging blessing sa mga tao ??????#rosmar ? Unstoppable (I put my armor on, show you how strong I am) - Sia
Read: Spanish YouTube chef sentenced to life in prison for murder
ON BIR requiring vloggers to pay taxes
Ayon kay Rosmar, hindi siya natatakot na bantayan siya ng Bureau of Internal Revenue, na naghihigpit sa pagpapataw ng tax sa vloggers at ibang social media personalities tulad niya.
"Matagal na po akong, iba pa po yung BIR Commissioner noon...
"Matagal na po akong BIR ambassadress. Kasi po nagdi-declare po talaga ako ng tax.
"Nung unang annual po na binayaran nung kasagsagan po nung sobrang lakas ng skincare, nasa P30M po yung binayaran ko na tax po noon.
"Kumbaga, talagang nagdi-declare po ako kaya po kinuha ako ngayong BIR ambassadress. Nagku-comply po talaga ako."
Walang official announcement ang BIR kung mayroon man itong celebrity ambassadors.
Taong 2023 nang huling maiulat ang top celebrity taxpayers para sa 2022 fiscal year.
Ano ang reaksyon niya sa balitang hinahabol ng BIR ang content creators na magbayad ng buwis?
"Ang mensahe ko lang po sa nga content creators na hindi nagbabayad ng buwis nung umpisa po talaga hindi ko talaga alam na pati pala yan dapat bayaran, ganoon.
"So, nung nalaman ko, nung sinabihan nila ako, ano po, parang lahat ng documents ko sa YT [YouTube], sa FB [Facebook] ko, basta lahat ng possible na kumita, ganyan, sinend ko po sa BIR yung screenshot, para maging transparent ako kung magkanon ang kinita sa mga vlogs.
"Although, kakaunti lang naman po yun kasi hindi naman po ako vlogger talaga. Ina-upload ko lang doon yung mga espesyal na araw sa buhay ko."
Payo pa niya sa ibang content creators, "Or, siyempre, alam naman nating lahat na once na kumikita tayo dapat nagbabayad ng buwis.
"Kasi nakakatulong naman po yun sa Pilipinas, e, sa mga mamamayan na nangangailangan.
"Hindi naman po yan yung sasabihin kung saan-saan lang po napupunta. Mapupunta po yun pang-upgrade sa Pilipinas.
"Kaya naisip ko, bakit ko ipagdadamot? Kesa nagtatago kayo, kinakabahan or parang nagtatago, kasi nga alam na hindi kayo nagko-comply.
"Yun yung mahirap, e. Kinakabahan kayo araw-araw, di ba, parang ganoon. Hindi naman po nakakatakot ang BIR kung magko-comply.”
Read: Richard Gomez faces backlash for comment about EDSA traffic
ROSMAR TAN ON BEING A PERSONA NON-GRATA IN PALAWAN
Sa huli, ibinahagi ni Rosmar ang mga natutunan niyang aral sa nang ideklara siya ng bayan bilang persona non grata.
Kaugnay iyon ng June 15-incident kunsaan sumugod ang grupo nina Rosmar at Rendon Labrador sa munisipyo.
Nakunan ng video ang pagkumpronta nila sa empleyadong si Jho Cayabyab Trinidad na nag-post ng batikos sa outreach activity ng grupo nila Rosmar na isinagawa sa lugar.
Read: Rosmar, Rendon declared persona non grata in Palawan
"Yung sa Palawan po ang sabi persona non-grata, but not totally banned. So, puwede pa rin kaming pumunta.
"Pero syempre, nagla-lie low na rin po muna ako ngayon. Alam ko po na nasaktan ko ang mga taga-doon," saad ni Rosmar.
Paliwanag ni Rosmar, halu-halong "postpartum" pati na rin "puyat at pagod" sa paghahanda sa outreach activity ang naramdaman niya noon.
"Nag-post lang po ako na doon gaganapin a day before, parang gabi noon. So, hindi ko in-expect na sobrang dami ng tao and sobrang na-overwhelm pa ako noon."
"Nagkautang-utang pa ako noon. Kasi nga po wala pa akong dalang sapat na cash noon.
"Kasi po, di ba, kapag magtsa-charity ako namimigay ako ng PHP50,000 sa mga nangangailangan, parang ganoon, sa isang tao lang. Tapos mga gadget..."
Patuloy ni Rosmar: "So ngayon, sobrang nagsisisi po ako na ganoon yung naging reaksyon ko.
"Pero alam niyo po, hindi ako talaga ganoong klase ng tao na parang nilahat na ng mga tao na, 'Ah, ang sama pala,' ganyan.
"Parang yung lahat ng kabutihan na ginawa ko, ang pagigjng mabait kong tao na-judge na sa isang pagmakamali."
Katuwiran niya: "Ang sa akin naman po hindi naman kami lang po totally yung may pagkakamali or ako lang.
"Siyempre po, parang nasaktan lang din po kami. Kumbaga, tao lang po kami. Kaso hindi naman ako plastic na tao, e."
