Makulay ang kuwento ni Simon Sio, 65, isang self-made businessman sa Macao, a.k.a. Macau.
Noong batang paslit siya, ginagawa niyang playground ang Hotel Central, na matatagpuan sa Avenida de Almeida Ribeiro o San Ma Lo, ang busiest street sa Macao.
Malapit kasi ang bahay nila noon sa gusali, na kilala ring President Hotel.
Pero isang araw, kinaladkad siya palabas dahil sa pagiging madungis.
Ipinangako niya noon sa sarili na balang araw ay siya ang magmamay-ari ng hotel.
Nangyari ang binitawang salita ni Simon makalipas ang maraming taon.
Ito ang success story ni Simon.
SIMON SIO'S RECOUNTS WHAT HAPPENED
Aniya sa artikulong na-publish sa Macao Magazine na inilabas ng Government Information Bureau of the Macao SAR website, hindi pinapayagan ang “filthy kids entering the hotel to play."
Hindi malilimutan ni Simon ang mala-pelikulang eksena.
Ang kanyang kuwento, “They grabbed me by the collar and threw me out on the footpath.
“As a naive child, I pointed to the hotel and said angrily, ‘One day, when I’m rich, I’m going to buy you.’”
At yumaman si Simon habang napag-iwanan ng panahon ang Hotel Central.
Read: Former child prodigy in physics faces challenges getting employed

THE RISE AND FALL OF HOTEL CENTRAL
Nagbukas ang Hotel Central noong 1920s at mabilis na sumikat at naging place-to-be ng famous celebrities noon.
Markado ang seven-story hotel dahil sa mint color nito.
Ito rin ang kauna-unahang building sa Macao na may elevator at two-floor casino, ayon sa ulat ng CNN nitong October 28, 2024.
Noong 1938, naging eight floors ito.
Pagsapit ng 1942, tumaas ito hanggang 11 floors at naging tallest hotel sa Macau.
Pagsapit ng 1960s, noong mga panahong naging playground ni Simon ang hotel, nagsulputan na ang mga kakumpitensiyang establishments.
Hayag ni Simon sa CNN, “The giant watched me grow up like an elder.
“So I had a deep emotional attachment to it. At its peak, it was my idol. As I became older, its decay made my heart uncomfortable.”
Inamin ni Simon na nalungkot siya sa sinapit ng Hotel Central, pero hindi nabawasan ang kanyang paghanga rito.
Noong 1991, itinayo ni Simon ang kanyang sariling real-estate development company, ang Lek Hang Group.
Umasenso sa buhay ang dating batang gusgusin.
Pagsapit ng 2009, ibinenta ng owners—ang Fuk clan at Kou clan—ang Hotel Central.
Hindi pinalampas ni Simon ang pagkakataon.
Unti-unti niyang binili ang hotel sa pamamagitan ng acquisition process na inabot ng pitong taon.
“In the end, I bought 64 percent of the shares that the Fuk clan were in possession of through a tender process, and then negotiated again with the Kou clan, purchasing the remaining 36 percent of their shares,” aniya sa Macao Magazine.
Read: Local winemaker discloses how sweet wine is made for Pinoys

CHALLENGES IN RENOVATING THE BUILDING
Matapos mabili ang hotel, pinagtuunan niya ng pansin ang renovation.
Pero hindi ito naging madali.
Dahil isang siglo o 100 years na itong nakatayo, humina na ang pundasyon ng gusali.
Hindi rin nakatulong ang lokasyon ng hotel. Napapaligiran kasi ito ng mga historical establishments.
Ayon sa CNN, ang team ni Simon ay gumamit ng new piling method para sa construction nito noong 2019.
Ang kinuha niyang developer ay gumamit ng modern materials at modern technology, tulad ng digital sketching para maguhit ang original look ng hotel na gagayahin.
Panibagong hamon ang hinarap ni Simon nang tumama ang COVID-19 noong 2020.
Sa kabila nito, itinuloy nila ang construction at natapos nila ito noong 2022.
“We’re all very proud to say that the project was successful in the end,” ani Sio.
Ang restoration ng hotel ay inabot ng tinatayang 400 million Macanese Pataca o USD50 million o tinatayang PHP2.9 billion, ulat ng CNN.
Ang total investment naman ni Simon ay inabot ng 2.2 billion Macanese Pataca o tinatayang USD274 million o PHP15.9 billion.

THE COMEBACK OF HOTEL CENTRAL
Ang renovated building ay mayroon ngayong 114 rooms, at ang interior design nito ay katulad ng glory days nito noong 1920s-1940s.
Magtatayo rin ng shopping mall sa loob ng hotel, isang restaurant, bakery, at rooftop bar.
Nang binili ito ni Simon ang hotel, wala nang galit sa puso niya.
Ang target niya ngayon ay gawing tourist attraction ito.
Naging simbolo ng karangyaan ang Hotel Central noong kabataan ni Simon, at nais niyang maibalik ito sa dating katanyagan.

