Sa kulturang Pilipino, malalim ang pagpapahalaga sa konsepto ng "utang na loob."
Kadalasan nga, hindi ito kusang ibinabalik kundi kinakailangang bayaran.
Sa mga magulang na nagpapaaral, inaasahang giginhawa ang buhay nila kapag nakatapos na ang anak.
Dahil ba sa nagsakripisyo sila?
O sa kabilang banda, hindi ganito ang dapat na maging pananaw dahil responsibilidad naman nila ito.
Obligasyon ba ng anak na magbigay sa kanilang mga magulang?
O ito ay isang personal na desisyon na nakabatay sa kapasidad ng anak?
Ang paksang ito ay ilang beses na napag-usapan sa taong 2024.
Pinakamainit ang naging pagtatalo sa social media noong panahong nanalo si Carlos Yulo sa Paris 2024 Olympics last September.
Sa dami ng cash incentives na kanyang natanggap, ini-expect na ilang kababayan na matutulungan niya ang pamilyang maiahon sa hirap.
Nitong Nobyembre, isang TikTok post ang may ganitong tanong (published as is): “Magkano ba dapat ang binibigay sa magulang para masabing nakakatulong at inuuna mo sila? Survey lang.”

Sa comments section, iba’t ibang pananaw ang lumitaw.
May mga nagsabing walang kapantay na pasasalamat ang nararamdaman nila para sa mga magulang dahil hindi sila kailanman inobliga ng mga ito na magbigay.
Samantalang ang iba naman ay malungkot na ibinahaging kahit gaano kalaki ang naibibigay sa kanilang mga magulang, tila hindi ito sapat at hindi sila nabibigyan ng pagpapahalaga.
Read: Fresh grad complains about PHP40K starting salary; netizens react
PARENTS NOT EXPECTING ANYTHING IN RETURN: "A BLESSING"
Ayon sa ilang mga comments sa TikTok post, may mga magulang na sapat nang makita ang kanilang mga anak na matagumpay sa kanilang mga propesyon.
Sa perspective ng mga anak, “blessing” na hindi nila kailangang maglaan ng porsiyento ng kanilang sahod para sa mga magulang.
(Note: All coments are published as is.)
Pagbabahagi ng isang netizen, “my parents never ask for money not even a single peso, they want me to spend my money on my own needs since I'm living independently with my own apartment. I'm so lucky to have them”

Komento ng isa pa, “One thing I’m really grateful is that my parents is not obligating us to give. Whatever the amount is, as long as you give it wholeheartedly they’re very thankful. Its not about money but pure love.”

Ganito naman ang sabi ng isa, “Nakakalungkot mga comments. Napagtanto ko na swerte pala ako sa magulang ko, kasi kahit wala ako mabigay dahil kinakapos wala akong narinig na sa masakit na salita from them”

Pagmamalaki naman ng isang anak: “mommy ko lagi ko lang daw sya i kiss at hug masaya na raw sya. ako daw ang charger nya nawawala pagod nya. i got the best mom”

Opinyon ng isang netizen, mas masarap bigyan ang mga magulang na hindi nanghihingi at mas iniisip ang kalagayan ng kanilang mga anak.
Aniya, “para sa matitino, responsable at mapagmahal na magulang...magbigay ka o hindi, maliit man o malaki, regular man o paminsan minsan sila yung tuwang tuwa na at very appreciative. madalas sasabihin pa syo 'baka wala na natira sayo anak?' ok lang kami wag ka masyado mag alala sa amin! yan ang mga magulang na lalong masarap abutan.”

Sa kabuuan, ang punto ng mga netizens, maraming magulang ang higit na nagpapahalaga sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Meron ding mga “grateful” parents na hindi na tumitingin sa halaga na ibinibigay ng mga anak.
Ang sabi ng netizen, “If you have parents who are grateful, any mount doesn't matter to them”

PARENTS WITH HIGH EXPECTATIONS
Sa kabilang banda, mayroon ding mga magulang na mataas ang expectation sa kanilang mga anak.
May mga anak na nagbahagi na kahit daw malaking halaga ang kanilang naibibigay sa mga magulang, nakakarinig pa rin sila ng reklamo.
Ang kuwento ng isang netizen, “Kahit sagutin mo pa lahat ng bills Magpaka alila sa gawaing bahay Kapag di ka paborito, di yan makukuntento may masasabi at masasabi parin”
Susog ng isa, “ay tama ung sa di paborito sadly kahit magbigay ka ng 1k. basta mag abot ng 100 ung paborito, un ang matatandaan at ipagmamalaki.”

Reklamo ng isa pa, “kapag toxic magulang mo you are always not enough no matter how hard you try to be a good child”

Ang karanasan ng ilang anak: Parating hindi sapat sa mga magulang ang perang ibinibigay nila.
“Ako nagbabayad lahat ng bills pati pagkain namin pero madamot pa din daw ako at hindi pa din daw ako nakakatulong.
“Bottomline is kahit ano pa i-shoulder mo kung hindi marunong maka-appreciate yung taong pagbibigyan mo, bale wala din. Uubusin ka lang talag nila.”

Himutok ng isa pa, “I gave to my mother the half of may salary. but still in her eyes I'm not enough puro kulang at problema naririnig ko.Kapag may extra pa Ako dapat may hati din Sila mahal ka kapag may naiaabot ka”

Giit naman ng ilang netizens: Hindi obligasyon ng anak na buhayin ang mga magulang.
Aniya, “Wala. Dahil hindi mo obligasyon ang mga magulang o mga kapatid mo.”
Pagsang-ayon ng isang netizen, “walang mali sa sagot na ito alam kong hindi natin obligasyon ang magulang natin pero bilang isang anak nasasayo kung gusto mong suklian lahat ng paghihirap at sakripisyo nila satin mula pagkabata”

Iba-iba ang opinyon ng mga tao sa usaping ito, pero iisa ang mensahe: Hindi ito obligasyon.
Hindi isang “investment” ang pagpapaaral sa anak.
Hindi rin pagtanaw ng utang na loob ang pagtulong sa mga magulang.
Hindi rin kasalanan kung wala kang maibigay.
Ginagawa ito bilang pagmamahal at pag-aaruga sa kanila.
Ginagawa ito dahil pinalaki kang responsable at mapagmahal na anak.
Kelangang baguhin ng parehong mga magulang at mga anak ang mindset tungkol sa obligasyon at utang na loob.
Ang tanging iisipin: mahal mo sila kaya maghahangad ka ng mabuti para sa kanila.
Ika nga ng isang netizen, "It's a matter of contentment and appreciation."
