Unang nakilala si Raul Dillo sa larangan ng basketball.
May taas na 7’3,” naging varsity player siya ng University of the East.
Naging miyembro rin siya ng San Juan Knights sa hindi na aktibong liga ng Metropolitan Basketball Association.
Read: Jefjef Cordez: Top 3 in Electronics Technician Licensure Exam

Read: Man falls into well; cry for help mistaken as ghost's wail
Hindi gaanong umalagwa ang kanyang basketball career sa kabila ng kanyang tangkad.
Maaga rin siyang nagretiro sa paglalaro dahil sa tinamo niyang knee injury.
For a time, sinubukan din ni Raul ang pag-aartista.
Kalimitang ang kanyang role ay kapre o kaya ay tikbalang.
Naging extra rin siya bilang isa sa mga goons sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo.
Read: BSP encourages public to send e-cash as aguinaldo this Christmas
RAUL DILLO’S LIFE AFTER BASKETBALL AND SHOWBIZ
Pero dahil hindi parating may offer sa kanya na movie or television projects, may ibang pinagkakaabalahan ngayon si Raul.
Noong December 9, 2024, naging tampok siya sa isang artikulong inilathala ng Dole Calabarzon sa official Facebook account ng ahensiya.
Ayon sa artikulo, naninirahan ngayon si Raul sa Imus, Cavite, sa piling ng kanyang misis at dalawang anak.
Dito, sinimulan niyang maghanap ng bagong pagkakakitaan sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
Nagsimula siyang magluto at magtinda ng lugaw at pancit para may pang-suporta sa kanyang pamilya.
Gayunpaman, kahit mabenta ang kanyang paninda, ininda ng kanyang katawan ang araw-araw na hirap sa paghahanda at pagluluto.
Inisip niyang maghanap ng panibagong pagkakakitaan na hindi makokompromiso ang kanyang kalusugan.
“Nagtinda po ako ng balut, puto, at kutsinta para lang po maitawid po ang aking pamilya, kasi wala naman po akong napagkukunan at wala naman po akong matatawag na trabaho noon pa, sa pag-aartista.”
Read: Why BSP chooses wildlife over heroes on polymer banknotes
Noong 2020, kasagsagan ng pandemya, naospital si Raul.
Umasa na lang siya sa tulong ng kanyang mga kaibigan at ng kanilang komunidad para makaraos.
Nang gumaling, nagpatuloy siya sa pagtitinda.
Read: Real face of Santa Claus reconstructed using 3D technology

Read: Parrot pulls out boy's milk tooth
Pagbabahagi ni Raul, isang kaibigan ang nagtiwalang pahiramin siya ng puhunan para makapagsimula siyang mag-buy and sell ng longganisa.
“Wala po talaga akong pampuhunan.
“Nagkaroon lang talaga ako ng kaibigan na nagtiwala sa akin.”
Inamin din niyang hindi siya mahusay magbenta, pero itinuloy niya ang nasimulang longganisa business.
Read: Living inside the mall: shops converted to apartments
RAUL DILLO GOES VIRAL FOR SELLING LONGGANISA
Dahil kilala naman si Raul, may mga netizens na kinunan siya ng photos and videos habang naglalako ng longganisa sa mga kalye sa Imus.
Ibinahagi ang mga iyon sa social media, at nag-viral.
Maging ang malalaking news outlet at mga kilalang vloggers ay naging interesadong i-feature ang kanyang paglalako ng longganisa.
Nakatulong naman ang nakukuha niyang publicity at pagiging viral sa kanyang business.
Gumanda lalo ang kanyang kita.
Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Read: British-inspired tiny house in Bulacan is "first of its kind"
Nilapitan din si Raul ng local government ng Imus, at inirekomenda sa kanya na mag-apply para sa livelihood grant sa Department of Labor and Employment.
Nagkataong noong mag-viral siya ay hinahanap na siya ng DOLE Calabarzon para mabigyan ng panibagong oportunidad.
Read: Theo Tulod: magna cum laude, Top 7 in geologists' board exam
RAUL DILLO RECEIVES HELP FROM THE GOVERNMENT
Sinunod ni Raul ang payo ng DOLE at naging matagumpay ang kanyang application para sa livelihood package mula sa ahensiya.
Napagkalooban siya ng Meat Processing package na nagkakahalaga ng PHP29,915 nito lang December 4, 2024.
Kasama sa package ang isang meat grinder at iba pang raw materials.
Dahil doon, nakakagawa na si Raul ngayon ng sarili niyang longganisa.
Ani Raul bilang pasasalamat, “Ito pong mga ibinigay ninyo sa akin ay sana mapalago ko, at maipakita ko sa mga tumulong sa akin, lalo na sa DOLE, na ang kanilang livelihood package na ibinigay sa akin ay pakaiingatan ko at palalaguin.”
Pinayuhan naman siya ni DOLE Cavite Provincial Director Marivic B. Martinez na lalong magpakasipag at piliting mapalaki ang negosyo.
Tiniyak din ng opisyal na sa hinaharap, sakaling mag-qualify muli si Raul, makakapag-apply itong muli para naman sa livelihood enhancement.
Read: Scrabble phenom has PHP11M in total earnings from competitions
