Maganda ang salubong ng Bagong Taon para kay Yaya Lotlot, ang kasambahay ng socialite-vlogger na si Small Laude.
Si Lotlot ay isa sa mga “angels” o house helpers ni Small.
At sa latest vlog ng socialite, nangako siyang ibibili niya ng lote ang pamosong yaya.
Nangyari ito sa holiday vacation ng family ni Small sa Hong Kong.
Bukod sa asawang si Philip Laude, kasama rin ang kanilang apat na anak at mga kasambahay na sina Lotlot at Inday.
Dalawang malalaking blessings ang natanggap ni Lotlot sa trip na ito.
Bukod sa lupa na sasagutin ni Small, may regalo rin para sa kanyang dalawang anak—edad 11 at 9 anyos—na sasagutin ni Philip.
Nabanggit sa vlog na si Lotlot ay single mother.
Nasurpresa si Lotlot, maging si Small, noong nag-commit ang businessman na sasagutin nito ang Hong Kong Disneyland trip ni Lotlot at ng mga anak.
Pero mas napaluha ang yaya sa sinabi ni Small, “Tutulungan kitang bumili ng house and lot."
Sagot ni Lotlot: “Kahit maliit lang po, Ma’am, okay na po sa akin.”
Sundot ng kuwelang si Small, “Hindi. Kahit malaki."
Sabi ni Lotlot, “Ma’am, kahit lupa lang sa iyo, akin na yung bahay."
Itinanong ni Small sa yaya kung magkano ang halaga ng lote.
Sumagot si Lotlot na maaari nang makabili ng lupa sa halagang PHP500,000.
“Ay, ang mura! O, sige, maghulugan ka,” sagot sa kanya ni Small.

Labis na natuwa si Lotlot, at nasambit pa niyang may maiiwan na siya sa kanyang mga anak.
Para makasiguro, sinabihan niya ulit si Small na huwag babawiin ang kanyang sinabi.
Sagot ni Small, “I-vlog natin ang pag-buy and sell ng house mo.”
Idinagdag ni Lotlot na nakahanda na ang kanyang pang-downpayment sa mapipisil na lote.
All throughout ng vlog segment na ito, si Lotlot lamang ang makikita.
May ilang shots si Philip, pero kay Small ay boses lamang ang maririnig dahil, aniya, nasa toilet siya nagna-"number two."
Read: 23 Female Celebrities, Social Media Personalities with Beauty Businesses
LOTLOT’S CELEBRITY LIFE because of small
Constantly present si Yaya Lotlot sa mga vlogs ni Small Eduardo Laude.
Read: Small Laude's Yaya Lotlot gets a taste of celebrity life
Bakas din sa comments na kinagigiliwan ng netizens ang employer-employee relationship ng dalawa.
Sa isang previous vlog, ibinahagi ni Small kung gaano kahalaga sa kanya si Lotlot.
Aniya, “My Yaya Lotlot is my everyday companion. I can’t imagine life without her. She’s more than my yaya. She makes my everyday moments happier.”
Kaya saan man mapunta si Small, kasama si Lotlot.
Ke trips abroad o shopping sprees sa mga stores, dining out sa mamahaling restaurant, checking in sa hotels—lahat iyan ay naranasan na ni Lotlot.
At dahil kay Small at sa charm na rin ng yaya, naging brand endorser na rin si Lotlot.
Kaya't maraming netizens ang napapa-sana all sa magandang kapalaran ng yaya.

