PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Practical tips to be financially capable this 2025

Start the year right with these financial tips.
by Bernie V. Franco
Published Jan 7, 2025
saving tips
Are you planning to improve your finances this 2025? Here are some basic tips on how to handle your money better to start the year right.
PHOTO/S: Canva

Ngayong 2025, kasama ba sa New Year’s Resolutions mo ang makapag-ipon o di kaya ay maging financially capable?

Isang serious matter ang usaping pera dahil nakadepende rito ang ating kabuhayan at siyempre ang ating future.

Pero kung hindi mo alam kung saan magsisimula para maging mas financially prepared, narito ang ilang practical tips ng “tax guy” na si Alvin Cabamungan, isang tax preparer sa U.S.

BUDGETING

Nangunguna ang pagba-budget sa basic tips ng pag-handle ng pera, pero marami ang hirap dito o kaya ay hindi ito ginagawa.

“Kung walang budget, parang naglalakbay tayo nang walang mapa,” ani Cabamungan sa UNTV News and Rescue noong January 1, 2025.

Para ma-monitor ang budget, highly recommended ang pagkakaroon ng listahan.

“Ilista ang income at expenses, mula sa bills hanggang luho o wants,” ani Cabamungan. “Lahat dapat kasama para malaman natin kung saan napupunta ang pera.”

Sinegundahan ito ni Bryan Estranero, isang financial adviser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Budgeting is a must. So papaano natin gagawin iyon? The basic principle is ating ililista ang lahat ng ating mga income per month versus sa ating expenses.”

Hirit ni Estranero, hindi puwedeng mas mataas ang expenses kesa sa income. Sa sitwasyon kasi na ito, walang maiipon dahil mas malaki ang gastos.

Sundot niya, “Ang solusyon d'yan is tataasan mo ang income mo. You try to find a possible part-time or any source of income.”

Read: Want to start a business? Here are tips from a business coach

piggy bank
Financial expert recommends using “50-30-20 rule”: 50% for needs, 30% for wants, and 20% for savings.
Photo/s: finance, tips, alvin cabamungan, new year resolution, 2025, banking, savings, non celebrity
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SAVE UP

Payo ni Cabamungan, importanteng mag-ipon kahit na maliit. Pero ang sikreto raw dito ay dapat consistent.

Ipinayo niya pa ang “50-30-20 rule,” kunsaan ang paglalaanan ng iyong pera ay 50% para sa needs, 30% para sa wants, at 20% sa savings.

Aniya, magandang ideya ang magbukas ng separate savings account para dito ilagak ang savings at hindi matuksong galawin.

Aligned ito sa January 4, 2025 report ng GTV news program na SONA, kunsaan iminumungkahi ang pagkakaroon ng tatlong bank accounts—para sa salary account, savings account, at spending account kunsaan ipapasok ang pambayad ng bills.

Inirerekomenda rin ang pag-iwas sa pangungutang na di naman kailangan.

“Ang utang parang apoy iyan, nakakapaso,” ani Cabamungan. “Pero kapag hindi napigilan, sunog tayo.

“Kung may utang tayo, unang bayaran ang may mataas na interes.

“Pag-aralan ang mga interest rates at kung kaya nang bayaran agad para mabawasan ang utang, gawin na natin.”

Read: Want to start a business? Here are tips from a business coach

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

INVEST

Mahalaga pa niyang payo ay ang pag-i-invest.

Paliwanag ni Cabamungan, “Kung may extra, huwag lang itago sa alkansya o itago sa bangko.

“Puwede natin iyan palakihin—puwede sa stocks, mutual funds, o kahit sa small business.”

Pero paalala niya, “Pero siguraduhin munang mag-research at humingi ng payo sa financial experts.”

FINANCIAL GOALS

Bilang panghuli, magkaroon ng financial goals.

Mainam daw na magkaroon ng goals, tulad ng planong magkaroon ng assets tulad ng bahay o kotse, paghahanda para sa future ng iyong mga anak, o makatulong sa iba.

“I-set natin ang mga ito at gumawa ng plano para maabot,” ani Cabamungan.

Magandang simulan ang pag-iipon sa simula ng taon. Pero bukod sa pagsisimula, kailangan nito ng commitment at consistency para ang nasimulan ay may kahinatnan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are you planning to improve your finances this 2025? Here are some basic tips on how to handle your money better to start the year right.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results