Isang car enthusiast si Jane Weitzmann ng Evesham, Worchester, United Kingdom.
Nagpagawa siya ng malaking garage na kayanga ma-accommodate ang hanggang 65 vehicles.
Sa Facebook post ng BBC Birmingham last January 6, 2025, ikinuwento ni Jane na ginugol niya ang kanyang adult life sa pagkokolekta ng motorbikes, scooters, and classic cars.
Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978

Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk
Jane Weitzmann's Vintage Car Collection
Ipinagmamalaki niya mayroon siyang 50 sasakyan, ang 40 rito ay kotse.
Kabilang sa kanyang collection ang Toyota 2000GT, isang classic Vanwall, at Ford GTD 40.
Wala raw siyang plano na ibenta ang kanyang mga sasakyan.
Regular din niyang minamaneho ang mga ito.
Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models
Isang curator si Jane.
Namana ni Jane, isang curator, sa kanyang ama ang pagkahilig sa sasakyan.

Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent
Aniya, ang kanyang ama at kapatid na lalaki ay parehong nagmamaneho ng Jaguar.
Ang kanyang naging mister ay mahilig din sa sasakyan.
Nang magpakasal sila, sinimulan na rin nilang mag-asawa ang magkolekta ng classic cars.
Biyuda na ngayon si Jane.
Lumipat siya sa kasalukuyang tinitirahan kung saan niya ipinagawa ang malaking garahe noong 2018.
Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb
Jane Weitzmann's FAVORITE RIDES
Sa hanay ng kanyang classic car collection, ang paboritong imaneho ni Jane ay ang 1999 Ford F 150 lightning pick-up.
Puwede umanong isagad ang makina nito kapag nasa open road.
“It is not as valuable as some others so I can push it.
“It has a supercharged 5.4-liter engine, she doesn’t handle in any way shape or form. It is so much fun.”
Ayon sa Hagerty, isang specialty insurance provider ng mga vintage cars, nasa USD30,000 (o PHP1.5M) ito sa market at posibleng tumaas pa depende sa mileage at kundisyon.
Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material

Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself
Isa pang paborito niya ang Datsun 240ZG.
“I had a thing about those when I was younger and really wanted one, but couldn’t afford one.”
Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na makabili nito, hindi na niya iyon pinalampas.
Paglalarawan niya sa sasakyan, “It is glorious to drive.”
Ang mga presyo nito sa Classic.com, isang specialty shop for vintage, rare, and collectible cars, ay mula USD12,000 (PHP704K) hanggang USD62,500 (o PHP3.6M)
Read: Man accidentally drops iPhone in donor box; temple not returning
Jane Weitzmann's advice to CAR COLLECTORS
At kahit pa marami siyang kotse, tinitiyak ni Jane na lahat ang mga ito ay namamaneho niya kada dalawang buwan.
Hindi umano niya makita ang punto kung bakit bibili ng sasakyan at pagkatapos ay igagarahe lang.
“For me, it is all about the driving of the cars.”
Read: Couple marries in 1951, divorces in 1975, remarries in 2024
Sambit pa niya, ang mga car collectors ay dapat i-enjoy ang kanilang koleksiyon at hindi itinatago lang.
“It does the cars no good sitting inside doing nothing.
“They need to be cared for by being driven.”
Read: Man regrets skull tattoo on his face; struggles to find job
CLASSIC CARS ARE FOR HER ENJOYMENT, NOT AN INVESTMENT
Bumibili si Jane ng iba’t ibang kotse batay sa appeal nito sa kanya.
Gustung-gusto umano niyang nagmamaneho ng bonggang kotse.
Kapag hindi maganda ang kanyang mood, pipili lang siya ng isa sa kanyang koleksiyon at imamaneho iyon.
Agad namang gaganda ang mood niya.
Read: Influencer plans to spend PHP1M to be “virgin again”
Isinasali rin niya ang kanyang mga sasakyan sa mga cars shows.
May sariling kumpanya si Jane, ang JHW Classics, na siyang nangangalaga sa promotion at maintenance ng kanyang mga sasakyan.
Binabayaran ang kanyang mga classic cars para sa photo shoot.
May mga pagkakataon ding naaarkila ang mga iyon para gamitin sa Hollywood movies.
Gayunpaman, hindi isang investment ang turing ni Jane sa kanyang classic cars collection.
Ang pinakaimportante ay mag-enjoy siya sa pagmamaneho.
“It is about enjoyment. If I don’t enjoy the drive, it gets sold.”
Read: "Coolest Iowa tree ever” is 109 years old; has four legs
