PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

100-year-old woman thrives alone; still working as cashier

What are her secrets to long life?
by KC Cordero
Published Jan 14, 2025
Photos of JoCleta Wilson with coworkers
Ang 100-year-old na si JoCleta Wilson ng Kentucky, USA, ang itinuturing na oldest employee ng Home Depot. Ibinahagi niya ang kanyang mga sikreto para humaba ang buhay. (Photos courtesy of Home Depot)

One hundred years old na si JoCleta Wilson, pero nagtatrabaho pa rin siya bilang cashier sa outlet ng Home Depot sa Louisville, Kentucky.

Siya ang pinakamatandang empleyada ng kumpanya.

Nakakapagmaneho pa rin siya ng kanyang sasakyan sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho.

JoCleta Wilson inside Home Depot
Si JoCleta Wilson habang nasa loob ng store at naka-duty. Photo: Home Depot
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Facebook post ng news website na Rated Red last January 10, 2025, si JoCleta ay ipinanganak noong October 4, 1924 sa Louisville.

Ang kanyang pamamasukan sa Home Depot ay malayo sa dati niyang career bilang professional dancer at businesswoman.

Pero okay lang sa kanya dahil hindi naman siya nagre-report sa work araw-araw.

Dalawang araw lang—mula 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m.—sa loob ng isang linggo ang kanyang duty sa store.

Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment

How JoCleta Wilson celebrated 100th birthday

Dahil sa kanyang pagiging energetic, maraming customers ang nag-aakalang wala pang 100 years old si JoCleta.

Nang sumapit ang kanyang milestone birthday, nagdaos siya ng magarbong party sa kanyang bahay.

Dalawang piano players ang tumugtog para sa kanyang 80 guests.

Maging ang kanyang pinapasukang kumpanya ay naghandog ng malaking party.

Ibinahagi ni JoCleta na tatlong beses na siyang nagretiro sa magkakaibang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi umano siya mapalagay kapag wala siyang ginagawa.

Pakiramdam niya, lalo lang siyang napapagod.

“I had to get out of the house and come back to work and see what was going on in society.”

Natuklasan niyang mas mas masaya siya kapag nagtatrabaho. Chance niya kasi ito para makisalamuha sa mga tao at makipag-usap sa mga customers.

Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978

JoCleta Wilson: LIVING SOLO

Mag-isang nakatira si JoCleta sa kanyang bahay.

Bukod sa pagda-drive papasok sa trabaho, siya rin ang nagmamaneho ng kanyang kotse kapag magsa-shopping.

Siya ang nagluluto ng sariling pagkain

May inuupahan naman siyang mga tao para maglinis ng kanyang bahay at bakuran.

Kaya pa naman daw ni JoCleta ang mga gawaing bahay—pero ayaw na niyang gawin.

Katwiran niya, dahil sa edad niya, kailangan na niyang maging ismarte pagdating sa mas pisikal na gawain.

Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JoCleta Wilson: HEALTH AND FITNESS

Mahilig pa ring sumayaw si JoCleta.

Dahil sa ganitong activity, pakiramdam niya ay mas bata siya ng kung ilang dekada kumpara sa kanyang kasalukuyang edad.

Kung magsayaw umano siya sa dance floor ay para lang siyang 39 o 40 years old.

Ganoon pa raw kaliliksi ang kanyang mga paa.

JoCleta Wilson dancing with a woman
Si JoCleta Wilson habang may kasayaw. Photo: Home Depot
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na ring pagsubok na napagdaanan si JoCleta pagdating sa kanyang kalusugan.

Isa siyang breast cancer survivor.

Nagkaroon na rin siya ng emphysema at Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

May nakakabit na rin sa kanya na pacemaker.

Pero maganda aniya ang kanyang pakiramdam.

Maayos at normal maging ang kanyang pagkilos.

Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models

Ang kanyang liksi ay posibleng dahil sa mahabang panahong ginugol niya bilang isang professional dancer.

Malaking bahagi ng kanyang buhay ang pagsasayaw.

In-enroll siya sa isang dancing school mula pagkabata hanggang mag-high school.

Naging bahagi siya ng isang professional dance group na nagpe-perform ng rhythm tap.

Naging pagmamay-ari niya ang Louisville Dance Academy.

Sa loob ng 37 years, naturuan niya ang maraming kabataan na magsayaw.

Read: Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers

Para mapangalagaan ang kanyang posture, sa loob ng isang linggo ay naging routine na niyang isandal ang likod sa pader.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatutulong aniya ito para manatiling maganda ang kanyang tindig at maiwasan ang pagiging kuba habang nagkakaedad na siya.

Ibinahagi rin niyang napakaimportante para sa isang tao na laging kumikilos.

Nagagawa niya iyon sa pamamagitan ng pagsasayaw kaya lagi siyang may katabing transistor radio.

Nagpapasalamat din siya sa isang app at gadget na nagagamit niya para mapili kung anong kanta ang feel niyang sayawin.

“I let go and move and do what I want to do, and it feels good.

“That’s my exercise.”

Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent

JOCLETA WILSON'S DIET

Dahil naman sa pagkakaroon niya noon ng breast cancer, napilitan si JoCleta na baguhin ang kanyang diet.

Nang ma-diagnose siya noon, sinabihan siya ng oncologist nurse na mabilis kumalat ang cancer dahil sa sugar kaya mula noon, iniwasan niya ang matatamis na pagkain.

Batay sa kasalukuyang guidance ng National Cancer Institute (NCI) ng America, wala namang ebidensiya na nagsasaad na pinalalala ng sugar ang cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala ring patunay ayon sa NCI na ang tumor ay liliit o mawawala kapag huminto na ang pasyente sa pagkain ng matatamis.

Pero ang pagkain ng sugary food ay nagiging sanhi ng obesity, na isang risk factor para sa cancer.

Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb

Huminto na rin nang tuluyan si JoCleta sa pagkain ng bacon and cheese ilang taon matapos makitang mataas ang kanyang cholesterol.

Sa tulong ng isang nutritionist, nag-focus siya sa protein diet na ang food staple ay manok, isda, at steak.

Iniwasan na rin niyang kumain ng mga pagkaing may taglay na white flour.

Ani JoCleta ay magana pa rin siyang kumain.

Para hindi masira ang kanyang diet, siya ang nagluluto ng sariling pagkain—na isa rin sa mga sources ng kanyang enjoyment.

Hindi siya mahilig kumain sa labas.

Hindi naman niya lubusang iniwasan ang pagkain ng matatamis.

Lagi siyang may chocolate cake sa kanyang freezer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Once a week, kumakain siya ng isang slice.

Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material

Lagi rin siyang may nakahandang ice cream.

Paminsan-minsan, kumakain siya nito, pero hindi niya pinalalampas ang sukat sa isang kutsara.

Kapag may nagreregalo sa kanya ng candy, nagtatagal iyon ng ilang buwan sa kanya dahil kalahating piraso lang ang kinakain niya kada linggo.

Payo niya, ang susi para maiwasan ang mataas na sugar ay mag-indulge lang occasionally at huwag sosobrahan.

Para magawa ito, kailangan ang matinding disiplina at self-control.

Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself

JoCleta Wilson's CREATIVE ENDEAVOURS

Samantala, nananatili pa ring malikhain si JoCleta.

Sa mga nakalipas na taon ay nagawa pa niyang makapag-perform sa stage.

JoCleta Wilson's book
Ang cookbook ni JoCleta Wilson. Photo: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapag-publish na rin siya ng isang cookbook.

Kapag may libre pa siyang oras, nagpipinta naman siya.

JoCleta Wilson's artwork
Ang isa sa mga paintings ni JoCleta Wilson. Photo: Facebook

Iniuugnay rin ni JoCleta ang kanyang mahabang buhay sa pagiging palaban at karakter na may matinding determinasyon.

Lagi naman niyang sinisikap na huwag maapektuhan ng mga negatibong bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-aralan din niya kung paano maging optimistic.

Read: Man accidentally drops iPhone in donor box; temple not returning

Naging kalakaran na niya sa buhay na hindi gawing big deal ang maliliit na bagay.

“Don’t let everything make you angry.

“Anger takes a lot of muscle and a lot of good out of your life.”

Read: Couple marries in 1951, divorces in 1975, remarries in 2024

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 100-year-old na si JoCleta Wilson ng Kentucky, USA, ang itinuturing na oldest employee ng Home Depot. Ibinahagi niya ang kanyang mga sikreto para humaba ang buhay. (Photos courtesy of Home Depot)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results