Ilang oras matapos i-post ni Robina Gokongwei-Pe ang kanyang larawan na may hawak na snake stuffed toys, pumalo agad ito sa libu-libong reactions.
Mabilis napa-react ang netizens na alam ang context ng joke ni Robina sa Facebook post niya nitong Lunes, January 27, 2025, o dalawang araw bago ang Chinese New Year.
Post ni Robina, “Look who finally decided to come out of hiding. My shining, shimmering golden twin (with his pretty in pink girlfriend)!
“Here’s to a slitheringly good Year of the Snake!*”
Ang 2025 ay Year of the Wooden Snake.
Read: Year of the Wood Snake: Will luck be on your side?
NETIZENS REACT
Napa-trip down memory lane ang netizens na aware sa urban legend ukol sa kakambal niyang sawa.
May mga natawa sa kanyang witty joke.
Narito ang ilang komento ng netizens.







URBAN LEGEND ABOUT ROBINA'S TWIN-SNAKE
Si Robina ang current chair ng Robinsons Retail Holdings, Inc.
Siya rin ang director ng JG Summit Holdings, Inc., Robinsons Land Corporation, Cebu Air, Inc., at Robinsons Bank Corporation, ayon sa robinsonsretailholdings.com.ph.
Siya ang panganay sa anim na anak ng yumaong Filipino-Chinese business tycoon na si John Gokongwei Jr.
In the ‘90s, isang malicious rumor ang kumalat tungkol sa pagkakaroon daw niya ng kakambal, si Robin, na isang taong ahas.
Nagtatago raw si Robin sa basement ng Robinsons Mall sa Cebu at kumakain ng mga babae.
Kapag daw nagsusukat ng damit sa fitting rooms ng mall ang bibiktimahin, bigla raw magbubukas ang kinatatayuan ng customer at mahuhulog ito sa lagusan papuntang basement.
Doon daw naghihintay ang taong ahas para kainin ang kanyang biktima.
Pati ang aktres na si Alice Dixson ay nadamay sa urban legend na ito. Siya raw ay muntik nang mabiktima ng taong ahas.
Matagal na pinag-usapan ito, at nagkaroon pa nga ng version sa komiks.
Hindi pa uso noon ang social media at ang mga bali-balita at impormasyon ay nagmumula sa mga nababasa sa diyaryo, napapanood sa telebisyon, at naririnig sa radyo.
HOW ROBINA GOKONGWEI-PE REACTED
Noong May 1991, tinalakay ito sa TV-documentary program na The Probe Team.
Noong kasagsagan ng pagkalat ng fake news, mahihinuhang apektado si Robina.
Ang reaksiyon ni Robina at that time: “I think it’s very, very stupid.”
Sinabi rin ni Robina, who was then in her early 30s, na madalas siyang tanungin kung sino ang nagpasimula ng rumor ukol sa kanya.
Aniya, posibleng isang competitor ang nagpasimula nito.

Pero sa paglipas ng mga taon, nakuha na itong pagtawanan ni Robina, pati na rin ng kanyang pamilya.
Noong October 2023, naging guest ni Anthony Taberna sa kanyang YouTube channel ang businessman na si Lance Gokongwei, kapatid ni Robina.
Inusisa si Lance kung ano ang reaksiyon ng kanilang pamilya sa urban legend na may kakambal na taong ahas si Robina.
“I guess natatawa na lang kami sa kuwento na iyan,” sagot ni Lance.
“Si Robina nga, very good naman yung sense of humor niya.
“Gumawa siya ng promo dati sa Robinsons Department Store. Kung nag-shopping ka sa Robinsons Department Store, umabot ka sa certain minimum—I think one thousand [pesos] at that time—bibigyan ka ng ahas na laruan. Sold out yon.”
Gaya ng kanyang recent Facebook post, nagagawa nang magbiro ni Robina sa ipinakalat na fake news sa kanya noon.
Noong September 2024, nag-joke ang businesswoman sa kanyang speech during the renewal sponsorship for UP Men’s Basketball Team.
Si Robina ay alumna ng University of the Philippines Diliman.
Aniya: “Manalo, matalo, may buffet pa din kayo at raffle, at love ko pa din kayo.
“But manalo kayo kahit isang point lang kung hindi ipapatuka ko kayo sa kakambal kong cobra."
