PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

10 wrong money mindsets that hinder smart budgeting

Wala bang budget o mali ang habits?
by Bernie V. Franco
Published Jan 29, 2025
budget
Former celebrity now financial adviser Chinkee Tan lists down 10 big lies that make budgeting a challenge for many. Find out if you're guilty.
PHOTO/S: Canva

Bakit nga ba struggle para sa marami ang makapag-ipon? Bakit ang hirap mag-budget?

Ang kadalasang katwiran ng mga tao ay maliit kasi ang kita at mahal ang bilihin—na ayon kay Chinkee Tan ay mga maling mindset.

Isa-isang tinalakay ng actor turned financial consultant and motivational speaker ang aniya ay "10 biggest lies about budgeting," na nagiging dahilan ng marami kaya’t hirap sila sa paghawak ng pera.

WRONG MINDSET ABOUT MONEY

1. Di kasya ang income

Hindi na bago ang ganitong rason: Hindi sapat ang kita kaya mahirap mag-budget.

Tinalakay ni Chinkee sa kanyang YouTube video na in-upload noong Mayo 2024 ang mindset ng taong galing sa hirap.

Aniya, “Ang philosophy ng taong mahirap, 'Mas maganda na ang kumain ng isang beses sa isang araw kesa walang makain...Mas magandang tumira sa maliit na tirahan kesa walang matirahan. I would rather have something rather than nothing.'

“That’s the reason why nung unang lumabas ang ating income kahit maliit napagkakasya, at minsan may sobra pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subalit nagbabago raw ang ganitong mindset kapag lumalaki na ang income. Biro pa ni Chinkee nagiging “panahon ng paghihiganti” na ito para sa iba.

Gumagastos na sila para sa mga bagay na dati ay hindi nila natitikman o nararanasan, tulad ng pagkain, travels, at activities.

“Yun ang naging problema. Yung di kasyang income, depende iyan. Bakit maliit nagkasya, lumaki nagkulang?

“Dati tama ang mindset. Nung lumaki [ang income], mali na ang mindset.

“The problem is not the income, the problem is the person who is handling the income,” diin niya.

Read: Bangko Sentral pushes for financial literacy among Filipino teens

2. Di ko naman kayang mag-budget

Madalas daw marinig ni Chinkee sa iba ang ganitong dahilan: “’Di ko naman alam kung paano magnegosyo. Di ko naman alam kung paano mag-invest.’”

Sundot ng financial coach, “Kung hindi mo alam, anong kailangan mong gawin? Kailangan mong matuto.

“Ang pagba-budget, ang pagnenegosyo, puwede mong pag-aralan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kagaya lang daw ito na pagkuha ng driving lessons ng isang taong hindi marunong mag-drive.

Sabi pa niya, “Ang tanong, gusto mo bang pag-aralan o hindi?

“Kung gusto gagawa ng paraan, kung ayaw maraming dahilan.”

calculator
Celebrity and financial adviser Chinkee Tan points out that other people are not willing to study about finance.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

3. I deserve a break

Dito raw pumapasok ang mentalidad na “YOLO” o “You Only Live Once.”

Dagdag na paliwanag ni Chinkee, "Bakit tayo kumita? Para mag-enjoy.

"O kaya, madadala mo ba ang pera mo sa hukay?”

Hindi mali na i-reward ang sarili.

“Pero sa pagre-reward, magtira ka rin naman para sa emergency fund. Magtira ka naman para sa future.”

Diin ni Chinkee, “Wala namang pumipigil sa iyo na mag-enjoy ka. Wala namang pumipigil sa iyo na uminom ka ng kape mo, as long as may matitira.”

Sabi ni Chinkee, sa laging katwiran na “I deserve a break,” madalas ay budget ang nabi-break.

Read: Save or spend? Top 10 smart considerations when building a home

4. Kailangan mag-upgrade

Necessity ba ang pag-upgrade ng gadgets, tulad ng cellphone at computer?

Nararapat ba ang pagpapaganda sa sarili?

Sabi ni Chinkee, “Walang problema na ikaw ay mag-upgrade as long as may budget ka pang-upgrade.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang problema, hindi mo kaya, inutang mo na ang pag-a-upgrade.”

Alamin muna kung ang pagkakagastusan ay “needs” o “wants.” Bigyan ng prayoridad ang needs.

Nagbigay pa ng example si Chinkee.

Para sa isang vlogger, understandable ang pag-upgrade ng cellphone dahil pinagkakakitaan ito.

Pero hindi raw praktikal kung mag-a-upgrade dahil sa trend o pagyayabang.

“The problem is not the sale, the problem is not the upgrade, the problem is may pambili ka ba ng upgrade?”

upgrade
When spending for something, ask first if it is a "want" or a "need."
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

5. Kailangan may bonggang party para sa mga anak

Sa mga okasyong gaya ng debut, kelangan ba ng enggrandeng party?

Ang karaniwang rason, “minsan lang mag-debut," kaya kahit pa utangin ang gagastusin, okay lang dahil “minsan lang naman.”

Ang tanong ni Chinkee: Para ba talaga sa anak ang enggrandeng handaan?

Paliwanag niya, “Kung para sa anak, ang perang gagastusin sa debut ay i-invest, para pag nagkaedad ang bata ay may ipapamana pagdating ng panahon…"

Muling giit ni Chinkee, “Walang problema kung may budget ka. Kung wala kang budget, uutangin mo, e, may problema.”

Isang halimbawa ng pag-i-invest ang ibinigay ni Chinkee. Tulad na lamang daw ng investment sa Pag-IBIG for 50 years na may interest rate na 7% kada sampung taon.

Ibig sabihin nito, ang PHP10,000 na in-invest sa Pag-IBIG ay magiging PHP160,000 after 50 years. O kaya, ang PHP100,000 ay magiging PHP1.5 million after 50 years.

Puwede na raw bilang pamana sa anak sa pagtanda nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Struggling to save? Avoid these 3 mistakes

6. Bumili pag may sale PARA makAtipid

Sang-ayon si Chinkee na makakatipid naman talaga kung mamimili pag sale.

“Pero ang mas tamang tanong, may budget ka ba sa pang-sale?

"Kahit na may sale, wala kang budget, masisira ang budget.

“The issue is not the sale, the issue is may pambili ka ba?

“As a matter of fact, kahit walang sale, kapag may budget ka, puwede kang bumili.”

sale
When buying items during sale, the more important question is: "Do you have budget for it?"
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

7. Mas praktikal na kumain sa labas

Marami na raw ngayon ang nag-iisip na mas praktikal kumain sa labas kesa sa mamalengke at magluto sa bahay.

Sang-ayon dito si Chinkee kung mag-isa ka lang at kakain sa praktikal na kainan.

“Pero kung kayo lima, hindi praktikal kumain sa labas dahil mas malaki ang gastos.”

Sa limang katao, lumalabas daw na minimum ang PHP1,000 kung kakain sa labas.

Sa halaga raw na iyon ay puwede nang mamalengke at magluto sa bahay para may makakain ang isang pamilya sa buong araw.

Ipinayo rin ni Chinkee na kung kakain sa labas ang pamilya, ilimita ito sa isang beses sa isang linggo.

Pumapatak na PHP4,000 ang gastos ng isang pamilya ang pagkain sa labas sa loob ng isang buwan.

Pumapatak namang PHP48,000 ang magagastos sa loob ng isang taon.

8. Kailangan bumili ng branded

Paglilinaw ni Chinkee, hindi niya sinasalungat ang pagbili ng branded items, “as long as afford ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong niya, “Pero pag bibili ka ng branded, wala kang budget, uutangin mo, ma-i-stress ka pa, may problema tayo.

“Walang masama pag bumibili ka ng branded kung afford mo. Pag hindi, wag mong pilitin.”

branded paper bags
Buying branded items is not bad as long as you have the budget to do so.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

9. Mas masarap yung mamahaling kape

Halos kahalintulad ito ng Number 8.

“Walang masama na bumili ka ng mga branded stuff and coffee as long as you can afford it.”

These days, nagsulputan ang mga coffeehouses or even milk-tea shops na pricey rin.

10. Kailangan tulungan ang kamag-anak

Sa karanasan daw ni Chinkee, “You cannot help others if you can’t help yourself. You cannot give what you don’t have. Kung mismo ikaw kapos, ano maitutulong mo?”

May ibang tao raw na isusubo na lamang ay ipapakain pa sa humihingi ng tulong.

“Pag may humingi ng tulong, di ka marunong tumanggi,” ani Chinkee.

“Walang masamang tumulong as long as may kakayanan kang tumulong.

“Pero pag masisira na ang budget mo, mag-isip-isip ka.”

Sa paksang tinalakay ni Chinkee, mahihinuhang nais niyang tumbukin na ang challenge sa pagba-budget minsan ay hindi dahil sa sitwasyon, tulad ng pagkakaroon ng maliit na income.

“Ang problema minsan hindi yung kita. Ang problema kung paano natin ginagastos ang kita,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former celebrity now financial adviser Chinkee Tan lists down 10 big lies that make budgeting a challenge for many. Find out if you're guilty.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results