Ang The American Dream ang itinuturing ng Guinness World Records bilang “world’s longest car.”
May haba itong 30.54 meters o 100 feet.
Binuo ito noong 1986 gamit ang anim na pinagdugtung-dugtong na 1976 Cadillac El Dorado limousines.
Kaya ng interior space nitong magsakay ng 75 katao.
Read: “Unstealable” car stolen 60 hours after purchase

Read: CHECK THIS OUT: Renter's small bathroom in New York City
Gayunpaman, hindi ito ganun kadaling imaniobra.
Ang orihinal na nagbuo ng The American Dream ay ang renowned car collector and customizer na si Jay Ohrbeg.
Noong una, ang haba nito ay nasa 18.28 meters o 60 feet lang.
Pinatatakbo ito ng dalawang V8 engines—isa sa harap at isa sa likuran.
Hindi naglaon, pinahaba ito ni Jay sa 30 meters.
Read: CHECK THIS OUT: Renter's small bathroom in New York City
WORLD's LONGEST CAR BECOMES SO POPULAR, BUT…
Matapos kilalanin ng GWR noong 1986 na ang The American Dream ang world's longest car, naging tampok ito sa cover ng iba’t ibang magazines.
Madalas din itong gamitin sa mga TV shows at pelikula.
Sa kasamaang palad, biglang bumagsak ang popularidad ng The American Dream.
Itinuturong dahilan ang mahal na maintenance nito.
Problema rin ang parking.
Bumaba rin ang demand nito para magamit sa mga pelikula.
Natengga ito sa bakuran ng isang warehouse sa New Jersey sa loob ng ilang dekada.
Binili ito ng mga automotive enthusiasts na sina Michael Dezer at Michael Manning.
Ni-restore ito ng dalawang Michael sa dati nitong kondisyon.
Read: Influencer films herself vandalizing public transport station
WORLD's LONGEST CAR GETS RESTORATION AND ADDITIONAL INCHES
Sa ngayon, balik na ang The American Dream sa dati nitong glamorosang hitsura.
Napalitan na ng bago ang 26 nitong gulong.
Sariwa na rin ang white paint nito.
Read: Zoo paints Chow Chow to look like tiger

Read: Filipina chef elevates Bicol pili nuts to gourmet status
Ayon sa dalawang Michael, nadagdagan pa ng 21 inches ang haba nito after nilang i-restore.
Pagbabahagi ng dalawa, nakita nilang nakalista ang The American Dream sa isang online market.
Nagdesisyon silang bilhin ito para ayusin.
Ilang taon din ang kanilang ginugol bago nila ito naibalik sa dating porma.
Read: Influencer asks men to wear “Adam’s apple bra”
RESTORER SAYS WORLD’S LONGEST CAR WAS TOTAL GARBAGE WHEN HE Bought IT
Sa panayam kay Michael Manning ng GWR noong May 2022, sinabi niyang patapon na ang hitsura ng sasakyan nun nakita niya ito sa isang autobody show sa New Jersey.
“It was covered in graffiti, the windows were broken, the tires were flat.
“But I fell in love with it anyway.”
Sabi umano niya sa sarili: “’I’m going to get this car and I’m going to bring it back and restore it.’”
Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment

Read: CHECK THIS OUT: Puchicalator, world’s shortest escalator
Hindi rin naging madali ang restoration process.
“We took the whole cab of the car out—the dashboard, the front seat, the motor, the transmission, and we cut it off the car.
“We put a new drive train and Eldorado cab in there from a few donor cars because it was totally destroyed, and we couldn’t rebuild that section.”
Nang matapos ang restoration at muling makabiyahe, nakuhang muli ng The American Dream ang titulo bilang pinakamahabang kotse sa buong mundo noong 2022.
Read: Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford
WORLD's LONGEST CAR: SPECIAL FEATURES
Bukod sa pambihirang haba nito, maraming special features ang The American Dream matapos ang restoration.
Equipped ito ng ilang TVs, may refrigerator at telepono.
Mayroon itong malaking waterbed, swimming pool na may diving board, jacuzzi, at bathtub.
Bukod dito, mayroon ding mini-golf course, at functional helipad para sa maliliit na helicopter.
Dagdag ni Manning, komportableng makasasakay rito ang 75 adult passengers.
Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”

Read: These toy cars are more expensive than brand-new cars
Bagaman at technically ay functional ang The American Dream, maaari lang itong imaneho sa mga diretsong daan.
Dahil sa haba nito, hindi ito maituturing na ligtas sa ibang daan lalo na kung may mga kurbada.
Dahil hindi masyadong namamaneho, naging display car na lang ito.
Ang The American Dream ay makikita, up close and personal, sa Dezerland Park Orlando’s Auto Museum sa Orlando, Florida.
Sinabi naman ni Manning na mami-miss niya ang pagkalikot sa unique car na naging bahagi na ng kanyang buhay sa loob ng mahigit isang dekada.
“Yeah, I feel an attachment to it.
“Everybody thought that I was out of my mind for wanting to restore it—but I had a vision.”
Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter
