PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Café in Abra stays strong after the storm

“Hindi naman araw-araw ay Pasko sa negosyo.”
by KC Cordero
Published Feb 17, 2025
Ilang buwan pa lang nasisimulan ni Kristal Cardenas ang kanyang coffee shop sa Abra nang mabaha iyon dahil sa bagyong Egay. “Lahat ng stock, machine—as in iyong machine namin—nalubog sa tubig. Pero go lang.” (Photos: PIA, K Café Facebook)

Mahilig si Kristal Cardenas at ang kanyang mister sa coffee.

Pag-aari nila ang K Cafe na nasa Abra.

Noong nakatira pa silang mag-asawa sa Maynila, sumailalim siya sa training kung paano maging barista.

Pagbabahagi ni Kristal sa panayam ni Jamie Joie P. Malingan ng Philippine Information Agency na nalathala last January 18, 2025: “Naisip ko noon, paano ko maa-apply yung natutunan ko kung wala akong machine?

“Bumili kami ng machine, and nag-train ako nang nag-train sa bahay lang kasi housewife ako noon.”

Photo of Kristal Cardenas
Ang owner ng K Cafe na si Kristal Cardenas. Photo: PIA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

During that time, involved na rin si Kristal sa online selling ng kanyang baked products.

“Nag-start ako sa choco-lollies na ibinebenta ko online. Kasi nasa Manila ako that time na nag-aalaga ako ng mga babies ko.

“So, naghahanap ako ng source [of income] para matulungan ko yung husband ko.”

Nang unti-unting lumaki ang kanyang online baking business, nag-venture na rin siya sa paggawa ng iba pang chocolate goodies and souvenirs para sa mga events.

Naging patok ang kanyang banana bread na ibinibenta niya sa Abra, ang kanyang hometown.

“Kaya yung logo ko, mayroon doong banana bread.

“So, parang gusto kong may kape, kaya may coffee.”

Read: Couple proves mushroom farming is viable business

THE BIRTH OF K CAFE

Noong 2021, habang nagbabakasyon sa Bucay dahil pandemic, sumali si Kristal sa local fiesta bazaar.

Itinampok niya rito ang kanyang coffee, pastries, and banana bread.

Photo of coffee and pastry
Ang mga bestsellers ng K Cafe. Photo: PIA
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging maganda ang pagtanggap dito ng mga tao.

Dahil nakita niya ang potensiyal ng coffee shop business doon, nang matapos ang pandemic ay nagdesisyon si Kristal at ang kanyang pamilya na mag-stay for good sa Bangued, Abra.

Noon na rin niya itinayo niya ang K Cafe sa Bangued.

Nagkaroon din siya ng water refilling station.

Read: Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house now a restaurant

K CAFE DEVASTATED BY TYPHOON EGAY

Maganda ang naging takbo ng K Cafe.

Yun nga lang, isang matinding pagsubok ang kinaharap ni Kristal ilang buwan pa lang ang operasyon nito.

Sinalanta kasi ng bagyo ang Abra noong 2023.

Kabilang sa mga naapektuhan ang coffee shop ni Kristal.

“Ilang buwan pa lang noon, and then na-Egay na kami.

“Lahat ng stock, machine—as in iyong machine namin—nalubog sa tubig.”

Nasira rin ang mismong coffee shop.

“So nag-decide kami to stop for two months.”

Sa kabila nito, naging matatag si Kristal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Positibong katwiran niya, “Hindi naman araw-araw ay Pasko sa negosyo.

“Pero go lang.”

Read: Filipina chef elevates Bicol pili nuts to gourmet status

THE REBIRTH OF K CAFE

Matapos maka-recover sa hagupit ng bagyo sa kanyang negosyo, bumili ng bagong coffee machine si Kristal.

Nagsimula siyang muli ng operasyon sa pamamagitan ng take-out and delivery services habang hindi pa naaayos ang kanyang coffee shop.

Noong 2024, lumahok siya sa food bazaar na inorganisa ng provincial government para mas makilala ang kanyang coffee products and pastries.

Nagkaroon din siya ng opportunity na sumailalim sa training ng Department of Trade and Industry kung paano mag-manage ng negosyo.

Dahil doon, mas lumawak ang pananaw niya sa business.

“Baun-baon ko talaga yung mga naituro nila.

“Ang pinakanagustuhan ko talaga is yung experience ng mga mentors na talagang tumatak sa akin.”

Motivated, nagdesisyon siyang magtayong muli ng coffee shop sa ibang lokasyon, sa Bucay, habang ang kanyang puwesto sa Bangued na nawasak ng bagyo ay nire-renovate pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-hire siya ng tatlong empleyado na siya mismo ang nag-train.

“Ang ginagawa ko is dinadayo ko sila ‘tapos mag-o-order ako para tikman ko if okay ba yung timpla nila.”

Bukod sa coffee drinks, ang branch sa Bucay ay nagse-serve din ng milk teas, pop sodas, breads, pastries, at iba pa.

Read: Pinakbet and eggplant dishes shine at 2025 Talong Festival

COFFEE STANDS AND more

Sinimulan din ni Kristal ang kanyang Coffee Corner coffee stands business.

Madalas itong maarkila sa mga events, gaya ng birthdays.

Nag-o-offer ang Coffee Corner, bukod sa coffee drinks, ng pastries and fries.

The coffee corner setup
Ang tipikal na set-up ng Coffee Corner ni Kristal Cardenas. Photo: K Cafe Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay target ni Kristal na mapalawak pa ang kanyang coffee business nang hanggang apat na sangay.

“Meron na akong café sa Bucay, meron na din akong branch sa Agtangao.

“And then unti-unti, io-open ko na po yung iba.

“Kahit maliit lang iyan, madami iyang patutunguhan kung masipag ka at may tiyaga ka lang.”

Binigyang-diin ni Kristal na sa pagnenegosyo, kailangan ang tiwala sa sarili.

“Alam mo yung natatakot ka pero go lang. Kasi hindi ka naman siguro bibigyan ni Lord ng challenge na hindi mo kaya.”

Read: Burger joint still fries patties in same grease since 1912

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang buwan pa lang nasisimulan ni Kristal Cardenas ang kanyang coffee shop sa Abra nang mabaha iyon dahil sa bagyong Egay. “Lahat ng stock, machine—as in iyong machine namin—nalubog sa tubig. Pero go lang.” (Photos: PIA, K Café Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results