PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiza Marquez on life as working single mom in New York

"Not as glamorous as being a celebrity," too.
by Ruel J. Mendoza
Published Feb 28, 2025
Aiza Marquez in New York
Aiza Marquez, who left showbiz in 2011, is now a working single mom in New York.
PHOTO/S: @msaizamarquez on Instagram

Malaking sugal para sa former '90s teen star na si Aiza Marquez na iwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para makipagsapalaran sa U.S.

Taong 2011 nang magdesisyon si Aiza na mag-migrate para makasama ang ngayon ay ex-husband na niyang si Chino Banas.

Ikinasal sila noong 2014, at nagkaroon ng dalawang anak—sina Brooklyn and Bryce Matthew.


aiza marquez and kids
Aiza Marquez (R) with kids Brooklyn (L) and Bryce
Photo/s: @msaizamarquez on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At tulad ng maraming Pinoy, nasubukan ni Aiza ang iba't ibang klase ng trabaho sa New York dahil kailangan niyang buhayin ang dalawang anak.

Kuwento ng dating aktres:

"Simula yata noong naging single mom ako, lahat na ng trabaho at positions sa hospitality industry ay ginawa ko.

"Well, choice ko naman yun kasi bago ko umalis ng Pilipinas, nag-aral ako ng short course for Hotel Restaurant Service.

"So parang naging OJT (On-the-Job training) at dito ko sa New York na-experience lahat. From banquet events as server, busser, food runner, room service attendant, lead host—it’s a great learning experience actually.

"It’s not as glamorous being a celebrity, but yung experience behind the restaurant, it’s actually fun. Para akong ibang tao."

Read: Lovi Poe opens up about life in the U.S. with Monty Blencowe

Aiza Marquez
Aiza Marquez in New York
Photo/s: @msaizamarquez on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong nag-pause ang hospitality industry dahil sa pandemya, nag-try ng ibang line of work si Aiza.

"I now work for a manpower agency here in New York. Basically staffing agency ang work ko at nagde-deploy yung company na pinagtatrabahuhan ko ng mga teachers from the Philippines to the U.S.

"Marami-rami na din kaming na-deploy na mga teachers. October last year lang po ako nag-start. But the company ay three years na din tumatakbo."

Read: 28 Filipino celebrities now living in the U.S.

AIZA MARQUEZ'S LIFE AS A SINGLE MOM

Hindi raw madali ang maging single parent sa Amerika.

As a celebrity kasi sa Pilipinas, mas mababa ang cost of living at mas financially rewarding ang pagiging artista. Pero sa New York daw, every cent, every hour counts.

Aniya, "Surviving in the sense sa araw-araw na gastos po.

"Alam naman ng karamihan na mataas ang cost of living sa New York. But I can't complain much sa buhay namin kasi I would say that I'm still blessed at very grateful kasi may maayos kaming tirahan at nakakain kami nang maayos ng mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, we are all safe and surviving in New York. Surviving din sa lamig. Sanayan lang po talaga dito."

As a divorced and single working mom, kailangan din daw ni Aiza ng matinding sakripisyo para balansehin ang oras sa kanyang trabaho at sa pag-alaga sa kanyang dalawang anak.

"Hindi po madali ang maging working single mom dito. May pagkakataon na kailangan kong mag-work ng 13 hours straight!

"As a normal employee tapos single mom ka na working and wala kang family around na puwede mong asahan to pick up your kids sa school, pero kailangan mo maghanap at mamili ng trabaho na pasok sa oras ng mga anak mo din.

"Bago ka mag-apply or bago mo tanggapin and work, you have to make sure muna na sakto dapat sa oras ng kids na ma-ready mo muna sila for school bago ka pumasok. Or else kukuha ka ng nanny which I did before, pero diyos ko lord, kalahati ng suweldo ko sa nanny lang mapupunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So parang nag-work ako to pay the nanny! So ngayon, hahanap ka ng ibang raket for extra money para naman ma-enjoy mo yung pinagtrabahuhan mo.

"Sacrifice talaga kapag magulang ka na. Hindi madali, pero kapit lang talaga at dasal. Hindi naman ako pinabayaan ni Lord sa lahat ng pinagdaanan ko."

AIZA MARQUEZ'S CO-PARENTING SET-UP WITH EX-HUSBAND

Ang ipinagpapasalamat ni Aiza, kahit divorced na siya, maayos naman daw ang co-parenting arrangement nila ng ex-husband niya.

"The kids lives with me and he gets the kids every other weekends lang.

"'Pag papasok sa school, yung bunso, susunduin niya sa bahay ko, and ihahatid sa school.

"May natatanggap din na child support ang mga bata, kaya everything is okay between the kids and their dad."

IS AIZA MARQUEZ DATING?

Sa personal life ni Aiza, it's all work and no play. Wala raw siyang dine-date ngayon.

Yung last guy daw na naka-date niya, kahit naging maganda ang relasyon niya sa pamilya nito, hindi nag-work out eventually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m not in a relationship or dating. I was dating this guy ten months ago. It was good for a year and half or two. Hindi ko na alam kasi, ewan ko medyo magulo. Parang sala sa init, sala sa lamig. Parang roller coaster yung dating situation niya, e.

"He's Latino at huwag na natin pangalanan. But I am very grateful kasi yung buong family niya, sobrang amazing. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila sa akin.

"Lahat sila minahal ko nang sobra na parang pamilya ko na din. Pati kung pano nila minahal at winelcome yung mga anak ko."

AIZA MARQUEZ BEFORE LEAVING SHOWBIZ

Hindi nga raw inaasahan ni Aiza na magiging mabilis ang pagbabago sa buhay niya noong makarating sa Amerika. Ginusto naman daw niya ito lalo pa't handa na raw siyang mag-explore ng buhay na malayo sa limelight.

"Bago po ako nakarating dito, marami pa akong nagawa noon sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang last project ko on TV was Kung Mahawi Man ang Ulap with Dennis Trillo and Nadine Samonte with GMA-7.

"Yung iba parang guesting with ABS-CBN 2 and TV5.

"Nag-teatro din ako sa Bulwagang Gantimpala [PETA] noon. Then nag-audition pa ako for a new show noon sa ABS-CBN in 2009. Hindi ko na maalala kung anong show yun.

"Then naging cover girl pa ko sa Playboy magazine: Philippine Edition in 2009 din. Pero hindi ito yung Playboy na hubad-hubad ako. Medyo sexy lang siya.

“Then 2010, nasa Amerika na ako. Honestly mabilis din ako naka-adjust. I think nasa stage ako nung time na yun na ready to explore. Parang what’s life ba after showbiz? Ano ba madi-discover ko sa real world? Parang ganun."

a photo of aiza marquez taken in 2007
A photo of Aiza Marquez taken in 2007
Photo/s: Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw tinago ni Aiza sa kanyang dalawang anak na dati siyang artista sa Pilipinas. At dahil na rin sa social media, napapanood nila ang mga dating pelikula at TV shows ni Aiza sa YouTube at sa ibang streaming platforms.

"'Yung daughter ko, tinatanong siya ng mga friends niya kung bakit ang dami kong followers sa social media? Tapos kapag nakita nila yung mga post ko na mga dati kong mga ginawang mga movies at TV shows sa Pilipinas, gusto na rin nila ako i-follow."

AIZA MARQUEZ's TV SHOWS

Nakasama si Aiza sa cast ng mga drama series na:

  • Anna Karenina (1999)
  • May Bukas Pa (1999)
  • H2K: Hati-Hating Kapatid (2000)
  • Sa Puso Ko, Iingatan Ka (2001)
  • Darating Ang Umaga (2003)
  • Etheria: Ang Ikalimang Kaharian Ng Encantadia (2005)
  • Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas (2006)
  • Kung Mahawi Man Ang Ulap (2007)

AIZA MARQUEZ's MOVIES

Lumabas din siya sa mga pelikulang:

  • Ang Lahat Ng Ito'y Para Sa 'Yo (1998)
  • Dama de Noche (1998)
  • I'm Sorry, My Love (1998), Gangland (1998)
  • Honey, My Love, So Sweet (1999)
  • Dito sa Puso Ko (1999)
  • Abakada... Ina (2001)
  • Sanggano't Sanggago (2001)
  • Super B (2002)
  • Noon at Ngayon: Pagsasamang Kayganda (2003)
  • Bcuz of U (2004)
  • In da Red Corner (2006)
  • Angels (2007)
  • Sapi (2007)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DOES AIZA MARQUEZ MISS SHOWBIZ?

Kahit na isang working girl na si Aiza sa New York, paminsan-minsan daw ay nami-miss din niya ang naging showbiz life niya.

"But of course I miss my acting life. To be able to act again kasi passion iyan, e. Iyan ang gift ni God for me.

"Na-miss ko to work with different people. To travel again, to perform and to sing.

"Nakaka-miss yung umarte ulit, hindi ako magsisinungaling. Yung fame naman add-on lang iyan, e. Extra topping kumbaga.

"Nakaka-miss makita ulit yung mga dati mong katrabaho, yung mga dating staff. I’m sure yung iba na staff, nasa mataas na position na. Nakakatuwa bang isipin."

Nagsimula sa paggawa ng TV commercials si Aiza hanggang sa maging contract artist siya ng Viva Films.

TGIS cast (L-R) JR Trinidad, Aiza Marquez, Chubi del Rosario, Anne Curtis, Ivan Gonzales, and Vanna Garcia
TGIS cast (L-R) JR Trinidad, Aiza Marquez, Chubi del Rosario, Anne Curtis, Ivan Gonzales, and Vanna Garcia
Photo/s: @msaizamarquez on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang TV show si Aiza ay ang teen-oriented series na TGIS: Thank God It's Sabado noong 1995. Kasama sa batch niya sina Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Polo Ravales, Sunshine Dizon, Dino Guevarra, Kim delos Santos, Anne Curtis, Chubi del Rosario, Joseph Izon, Maybelyn dela Cruz, Ardi Aquino, Jam Melendez, at Idelle Martinez.

"Malaki ang pasasalamat ko talaga sa Viva, GMA-7, and ABS-CBN 2 dahil marami rami akong nagawang shows. Yung mga guestings ko na dekalidad at magagandang roles ang naibigay nila sa akin.

"Kasi kahit nung tumira ako sa San Diego hanggang sa paglipat ko ng New York, madami-dami pa din na nakakilala sa akin.

"I am very grateful talaga kasi ibig sabihin tumatak sa masa ang mga nagawa kong projects sa mga network na napuntahan ko.

"Quality talaga yung mga projects na nagawa ko talaga. Parang ang dating, hindi ako nakalimutan masyado ng tao."

Dahil sa social media ay laging in touch si Aiza sa mga nakasabayan niya sa showbiz. Malaking tulong daw na merong group chat ang mga ka-batch niya sa TGIS at Anna Karenina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Yung huling uwi ko sa Pilipinas, nag-get together kami. So bago ako bumalik sa U.S., nagpaplano na kami ulit na magkita-kita ulit. Pero baka this time, baka ibahin namin ang concept. Hope we can gather all the TGIS cast, one reunion.

"Si Vanna Garcia, noong nandito siya sa New York, nag-hang out kami. Parang wala naman nagbago pag nagkikita kami, e. Hopefully, makauwi ako ulit para matuloy ang plano namin."

Read: Vanna Garcia: "I gained a lot when I became a mom."

No regrets naman daw si Aiza noong ipagpalit niya ang showbiz para sa buhay niya ngayon sa Amerika. Pero hindi naman daw niya sinasara ang pintuan para sa posibleng pagbabalik ulit sa pag-arte.

"Definitely, no regrets po. It’s a good learning experience for me. At least, na-discover ko na marami pala akong alam gawin outside showbiz. Dun ko na-test yung kakayahan ko. Marami pa po akong puwedeng ma-discover sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Return to acting? Kung per project, puwede naman po. Pero kung full time, parang impossible kasi kailangan sa Pilipinas na ako nakatira. May mga anak ako kaya sila ang priority natin dito.

"May mga contacts pa naman ako. Magsabi ako three months ahead kung uuwi ako para kahit sa magkaroon ako ng guestings. Saka sa agency ng commercials na pinag-work-an ko dati, pinapa-update nila yung profile ko pag makauwi daw ako. So far po, sa awa ng Diyos, may mga ganyan pa din po."

Thankful din si Aiza sa mga natutunan niya sa pagiging artista dahil nai-apply niya ang mga ito sa mga naging trabaho niya sa Amerika.

"Unang-una, yung pagiging on time sa trabaho. And to show up to work with a positive vibes. With a positive aura.

"'Yung mindset ko, sine-set ko na siya bago pumasok sa work.

"And being surrounded by different personalities sa mundo ng showbiz. Mas naging confident ako to face and talk to people nung nandito na ako sa America.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi kasi ako magaling mag-English dati, but I was trying back then kasi lalo na sa events sa Pilipinas na mga sosyalan, may mayaman at elitista [na] makakasama mo.

"So dun ako natuto kung paano mag-English.

"So now sa real world, I was able to hang out with different races, from Latinos to Americans.

"Hndi ako takot to communicate with them and be myself. Nawala ang pagiging mahiyain ko nung pumasok ako sa showbiz."

Overall, masaya siya sa buhay niya sa kabila ng mga pagsubok na naranasan. Hnada raw siya anuman ang challenge na kaharapin.

"So very lucky and blessed talaga ako kasi maganda ang effect ng pakikisama ko and yung naging work ethic ko noon. But of course wala naman akong ine-expect,si Lord na bahala."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiza Marquez, who left showbiz in 2011, is now a working single mom in New York.
PHOTO/S: @msaizamarquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results