Naging isang Overseas Filipino Worker (OFW) si Aben Ortega na taga-Antique.
Nung mamalagi na sa Pilipinas, nagplano siyang magnegosyo.
Ang first idea niya ay magtayo ng small-scale office-and-school-supply business at equipment services.
In-explore din niya ang iba’t ibang business, kabilang ang T-shirt printing and souvenir-item packaging.

Para mapalawak ang kanyang kaalaman sa pagnenegosyo, nag-training si Aben sa Department of Trade and Industry (DTI), at naging participant sa ilalim ng Kapatid Mentor Me program.
Sa pamamagitan nito, nakilala niya ang iba pang local entrepreneurs sa Antique na naging daan para maging bahagi siya ng iFWD PH program ng Department of Science and Technology (DOST).
Nakadisenyo ang programa para suportahan ang mga returning OFWs sa pagtatayo ng technology-driven enterprises.
Sa iFWD PH program, ang mga participants ay sumasailalim sa training at mentorship.

Ipinagkakalooban din ang mga ito ng funding assistance para makapagtayo ng sustainable businesses.
Dahil dito, mas lumawak ang pananaw ni Aben sa negosyong kanyang gustong pasukin.
Read: Life story of Cora Cristobal: Single mom who got scammed now successful in Canada
ABEN ORTEGA VENTURES INTO MUSCOVADO SUGAR SACHETS
Bilang participant ng iFWD PH program, itinatag ni Aben ang Al Bin Packaging Services noong December 2022.
Ang kanyang negosyo ay nagpo-produce ng muscovado sugar sachets.
Ang muscovado ay unrefined sugar mula sa tubo o sugar cane. Kulay brown ito at mayroong strong molasses flavor at mamasa-masang texture.

Kumpara sa refined sugar, ang muscovado ay may mas mababang glycemic index, na batayan kung gaano kabilis napapataas ng pagkain ang blood-sugar level.
Ang mga taong may diabetes ay maaari pa ring kumonsumo ng muscovado, pero, in moderation, dahil isa pa rin itong uri ng sugar.
Tinawag naman ni Aben ang kanyang muscovado brand na “Handums.”
Dahil sa magandang packaging, agad nakilala ang Handums sa merkado.
Sa ngayon, isa ito sa mga brands na may malawak na distribution sa buong lalawigan ng Antique.
Para kay Aben, hindi lang niya napapalaganap ang pamanang agrikultural ng kanyang lalawigan, natutulungan din niya ang kabuhayan ng mga local farmers.
Read: Meet Isabella Martinez: Civil engineering board topnotcher
WHERE TO BUY HANDUMS MUSCOVADO SUGAR SACHETS
Ang innovative product ni Aben ay available sa mga pasalubong centers sa San Jose, Antique, at iba pang key tourism sites, hotels, and restaurants sa lalawigan.
Isang malaking milestone naman para sa kanyang negosyo nang makakuha siya ng kontrata with Gaisano Mall sa Antique.
Sa bulletin ng DOST Region VI na in-upload sa official Facebook account nito last February 18, 2025, sinabi ni Alben na:
"The funding support from DOST iFWD PH and the capability-building training on the Development and Management of Technology-based Enterprises have been a great help in diversifying my business.
"They have enabled me to realize my dream of upgrading the product packaging of our muscovado sugar."

Sa kasalukuyan, determinado si Aben na mag-develop ng bagong packaging variants, at mai-export ang kanyang muscovado.
Naging presidente rin siya ng Kapatid Mentor Me (KMME) Alumni Association na itinatag ng Micro, Small, and Medium Entrepreneurs (MSMEs) sa lalawigan.
Tumutulong ang asosasyon sa mga maliliit na negosyante sa kanilang lugar na ang kabuhayan ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Nagde-develop din sila ng mga paraan kung paano pa mas mapapalawak ang market ng kanilang local products.
Read: Dumpster-diving couple saves PHP637K on food in one year
