Former overseas Filipino worker (OFW) si Rhona Mae Quijano, 30.
Nagsimula siyang magtrabaho para sa isang royal family sa Abu Dhabi noong September 2021.
Sa artikulong lumabas sa website ng Philippine Information Agency (PIA) noong March 10, 2025, sinabi niyang mahirap na desisyon ang magtrabaho abroad.
Ayon sa panayam niya sa PIA Region 7, kailangan niyang pansamantalang iwan ang kanyang mister, gayundin ang kanyang 13 anyos na anak na babae.
Naiwan din niya ang kanyang online ukay-ukay store na nasimulan niya noong 2019.
Para maipagpatuloy ang kanyang munting negosyo habang siya ay nasa abroad, ipinagkatiwala muna ito ni Rhona sa sister-in-law niya.
Read: Meet Sitti Sahid: Top 3 in respiratory therapists board exam

RHONA MAE QUIJANO's struggles as ofw
Habang nasa Abu Dhabi, tulad ng ibang OFWs, dumanas siya ng matinding homesickness.
Nagdagdagan pa ang kanyang matinding stress dahil sa verbal abuse ng kanyang manager na isang Indian national.
Sabi ni Rhona: “Mentally, ang aking emotion that time is hindi pa strong.
“Sinisigaw-sigawan niya ako sa harap ng aking mga kasamahan.
“Kung hindi naman niya ako sinisigawan, nilalait niya ako kapag may nagawa akong mali sa trabaho.”
Nagdesisyong bumalik sa Pilipinas si Rhona.
“After six months, umuwi na ako. Hindi na ako happy, mentally and physically.
“Nag-breakdown ako roon.”
Read: Life story of Perlita Ballacillo: security guard turned business owner
RHONA MAE QUIJANO VENTURES INTO BANANA CHIPS BUSINESS
Pag-uwi sa kanyang tahanan sa Brgy. Valencia, Carcar City, Cebu, pakiramdam ni Rhona ay at lost siya.
Hindi niya malaman kung paano magsisimulang muli.
Maliit lang ang kanyang naimpok sa bangko sa loob ng anim na buwan niyang pagiging OFW.
Nalaman niya ang tungkol sa Department of Migrant Workers (DMW) livelihood program na Balik Pinay, Balik Hanapbuhay Program, na inilunsad para matulungan ang mga OFWs na nalagay sa distressed circumstances habang nagtatrabaho.
Nag-apply si Rhona sa programa para makatanggap ng livelihood grant na PHP10,000.
Ginamit niya iyon bilang karagdagang puhunan para sa kanyang online ukay-ukay business.
Likas na masipag at determinado, nagsimula siyang kumita ng mahigit PHP12,000 kada buwan.
Dahil sa magandang resulta ng kanyang online ukay-ukay store, naengganyo si Rhona na magtayo ng isa pang negosyo.

Noong August 2023, itinayo niya ang Zhenrique’s Homemade Banana Chips.
Ngayon, kumikita na siya ng PHP1,000 hanggang PHP1,700 kada araw.

Ang kanyang produkto ay nasa 323 convenience stores sa Cebu.
“My business helped my family financially,” pagbabahagi ni Rhona.
Lumalahok din siya sa iba't ibang trade fairs para mai-promote ang kanyang banana chips.
Read: Meet Paolo Villas: Average student, Top 4 in board exam
WHAT IS BALIK PINAY, BALIK HANAPBUHAY PROGRAM
Bukod kay Rhona, marami nang natulungang kababaihang OFW ang Balik Pinay, Balik Hanapbuhay Program (BPBH).
Nagbibigay ito ng trainings sa investment, savings, at entrepreneurship.
Noong 2013, inamiyendahan at pinalawak ang coverage ng BPBH sa pamamagitan ng Executive Order 333.
Nasakop na nito hindi lang ang female OFW returnees kundi maging ang female OFWs na nasa labas pa ng Pilipinas pero gusto nang umuwi.
Paliwanag ni DMW7 Regional Director Maria Eloida O. Cantona, “Since it’s ‘Balik Pinay,’ women talaga ang beneficiaries.
“We focus more on female returnees who, at the same time, naka-encounter sila ng abuse sa abroad.
“These are workers in distress.”
Ang livelihood assistance na ipinagkakaloob sa ilalim ng BPBH ay naglalayong mabawasan ang socio-economic vulnerability ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagpapalawak sa kanilang employment opportunity.
Dagdag na paliwanag ni Cantona tungkol sa BPBH, “It is more about economic assistance for women OFWs.
“This includes skills training and, later, a livelihood kit.”
Read: Life story of Cora Cristobal: Single mom who got scammed now successful in Canada
