PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens get spring vibes with balayong in BGC

Have you experienced the local cherry blossom in BGC?
by Bernie V. Franco
Published Mar 25, 2025
balayong in BGC
Netizens are abuzz about balayong or the Palawan cherry blossom in Bonifacio Global City in Taguig. It looks like Japan's cherry blossom but it is a legium or is among the beans family.
PHOTO/S: Bonifacio Global City on Facebook

Spring vibes in summer sa ‘Pinas?

Posible!

Ito ang hatid ng local cherry blossom sa isang lugar sa The Bonifacio Global City (BGC), Taguig ngayong panahon ng tag-init.

Ipinost sa social media accounts ng BGC ang tungkol sa pamumukadkad ng Palawan cherry blossom, o mas kilala sa tawag na balayong.

Ang nag-aagaw na kulay ng puti at pink na mga bulaklak ng puno ay makikita sa Terra 28th at Track 30th Streets ng siyudad.

Caption sa post: “BGC is blooming! Spot the beautiful Palawan cherry blossoms (Balayong) at Terra 28th and Track 30th—bringing a touch of spring to the city!”

Ginawa ang post nitong March 24, 2025.

balayong
Ang puno ng balayong o Palawan cherry blossom ay isang uri ng legium o sakop ng beans family.
Photo/s: Bonifacio Global City on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: CHECK THIS OUT: Onion ice cream from Mindoro

Sa short video, ipinakita ang mayayabong na pamumulaklak ng mga puno kunsaan nasa background ang nagtataasang mga gusali sa BGC.

Daan-daan ang comments, libo-libo ang shares, at daan-daang libo ang views.

Sa comments, nagkakayaan ang netizens para dayuhin ang mga balayong sa siyudad.

Proud din ang iba na nagkokomentong mala-Japan ang vibes dahil sa mga namumulaklak na balayong.

Ang iba, napatanong kung bakit hindi nila ito nasisilayan at intensiyong sadyain para makita nang personal.

Naghihimok naman ang marami sa LGU ng BGC na damihan pa ang ganitong mga puno.

Sa Facebook, nag-post ang ilang netizens ng kanilang mga kuhang larawan kasama ang mga balayong sa lugar.

May ilang netizens—partikular ang mga taga-Palawan—ang proud na nagsabi na karaniwan ang mga punong balayong sa kanilang probinsya.

balayong in BGC 2
Photo/s: Bonifacio Global City on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Married women can revert to their maiden names. Here’s how—DFA

WHAT IS BALAYONG?

Sa report ng Dapat Alam Mo! ng GMA Public Affairs noong April 2023, itinampok dito ang tungkol sa balayong na malago ang pagtubo sa Puerto Princesa, Palawan.

Daan-daang punong balayong ang itinanim at makikita sa Balayong People’s Park na ipinagmamalaki ang punong ito.

Ito ang perfect season ng balayong na namumukadkad sa panahon ng tag-init, mula Marso hanggang Abril.

Hindi nalalayo ang itsura nito sa cherry blossom sa Japan.

Tulad ng cherry blossom ng Japan, kulay light pink din ang petals nito, pero mas mahaba ang hugis. Ang pistil o gitnang parte ng bulaklak ay kulay dilaw.

Pero kung ang cherry blossom ay parte ng rose family, ang balayong naman ay parte ng legume o beans family, ani Walter Suarez, isang botanist.

Ang Balayong People’s Park ay itinayo talaga para maging tourist spot at makilala bilang wedding destination, sabi naman ni Demetrio Alvior Jr. ng City Tourism ng Puerto Princesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taon-taon ay nagsasagawa rin sila ng Balayong Festival.

Ayon sa Agriculture Magazine noong 2020, ang balayong ay naging popular noong panahon ng Kastila dahil ang puno nito ay ginagamit sa paglikha ng mga muebles o furniture, tulad din ng puno ng narra, acacia, at ipil.

Binanggit din na low maintenance ang balayong at tumutubo rin ito sa urban areas.

Meron ding balayong trees sa Malacañang Palace grounds at sa Manila Seedling Bank Foundation sa Quezon City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are abuzz about balayong or the Palawan cherry blossom in Bonifacio Global City in Taguig. It looks like Japan's cherry blossom but it is a legium or is among the beans family.
PHOTO/S: Bonifacio Global City on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results