PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips para malinis at mapakintab muli ang gold jewelry

No need to buy a cleaning aid.
by KC Cordero
Published Mar 29, 2025
Photo of gold bracelet
Kung ayaw ninyong ipa-maintenance sa alahero ang inyong gold jewelry, may mga simpleng paraan kung paano ito malilinis at mapapanatili ang kinang. (Photo: Freepik)

Ang gold jewelry ay itinuturing na timeless accessory.

Hindi ito nawawala sa uso. Hindi kumukupas.

Puwede itong isuot anuman ang okasyon.

Pero sa paglipas ng panahon, nababawasan ang kinang nito dahil sa dumi, langis, at palagiang paggamit.

Photos of gold jewelry
Kailangang mapanatili ang kinang ng mga alahas para hindi mawala ang ganda ng mga ito. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang regular na paglilinis ay makakatulong para mapanatili ang kinang at ganda na ating mga alahas.

Kahit pa may "free cleaning for life" ang ilang jewelry stores, mas kampante ang iba na sila mismo ang maglilinis.

Pero paano?

Hands holding a gold jewelry
Lagi tayong may worries kapag ibang tao ang humahawak sa ating mga alahas. Photo: Freepik
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Problem with rats at home? Use peppermint to keep them away

HOW TO CLEAN GOLD JEWELRY

May ilang bagay na dapat ikunsidera.

Una, sa cleaning solution, iwasang gamitin ang baking soda at ammonia—na masyadong harsh para sa mga alahas

Tiyakin ding nasa magandang kondisyon ang alahas bago simulan ang paglilinis nito.

Halimbawa, tingnan kung may mga precious stones o bahagi nito na posibleng matanggal o mawala habang nililinis.

Read: Why hanging overripe bananas in your garden is beneficial

Matapos masuri ang jewelry, naririto ang mga hakbang kung paano ito lilinisin:

Maghanda ng cleaning solution. Lagyan ng tubig ang isang maliit na bowl at dagdagan ng ilang patak ng mild dish soap.

Haluin ang mixture para makalikha ng soapy solution na magtatanggal sa mga dumi at langis sa gold jewelry nang hindi kinukuskos ang metal.

Hands preparing soapy solution
Ang soapy solution at malambot na brush ay sapat na para malinis ang gold jewelry. Photo: wikihow
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa, ilagay ang gold jewelry sa soapy water at ibabad ito sa loob ng 10 up to 15 minutes.

Sa pamamagitan nito, lalambot ang anumang grime.

Magbabad lang ng isa o hanggang dalawang piraso ng alahas sa bawat soapy solution.

Pangatlo, gumamit ng soft-bristled toothbrush at marahang i-scrub ang gold jewelry.

Mag-focus sa mga gaps kung saan posibleng nakapondo ang mga dumi.

Huwag pupuwersahin ang pagba-brush, lalo na sa gold-plated jewelry, dahil posibleng matuklap ang manipis na layer ng gold.

Ang soft toothbrush ay ideal gamitin para malinis maging ang maliliit at masalimuot na mga detalye ng alahas.

Pang-apat, matapos ma-scrub, banlawan ang alahas gamit ang warm water para tuluyang matanggal ang sabon.

Tiyaking may takip ang drain kung sa lababo nagbabanlaw para maiwasang dumulas at aksidenteng lumusot ang alahas.

Punasan ng dry soft cloth at hayaang matuyo sa hangin bago itago.

Pang-lima, kapag tuyo na, ilagak ang alahas sa jewelry box para hindi magkaroon ng mga gasgas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag masyadong pagtatabi-tabihin para maiwasang mapulupot, lalo na kung may kasamang kuwintas.

Ang maayos na storage ay importante para manatiling maganda ang gold jewelry sa loob ng mahabang panahon.

Read: Tips para makontrol ang pagkakaroon ng ipis sa bahay

HOW OFTEN SHOULD YOU CLEAN GOLD JEWELRY

Para laging mukhang bago ang gold jewelry, linisin ito isang beses sa loob ng isang buwan—kung araw-araw na ginagamit.

Kung hindi naman, determinahin na lang kung kailan dapat nang linisin.

Para sa mga alahas na occasional lang kung isuot, sapat na ang deep cleaning kada apat na buwan.

Tandaan na ang regular na maintenance at maayos na storage ay makatutulong para ma-preserve ang ganda ng mga alahas na yari sa pure gold, at maging sa gold alloys.

Read: Tipid kuryente tips gamit ang aircon, ref, at electric fan

**

Source: HowStuffWorks

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung ayaw ninyong ipa-maintenance sa alahero ang inyong gold jewelry, may mga simpleng paraan kung paano ito malilinis at mapapanatili ang kinang. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results