PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ferrari burns down: 10 years of man's savings, gone in 20 minutes

“I spent 43 million yen and all I got was this photo.”
by KC Cordero
Published Apr 24, 2025
The burnt Ferrari
Iilang minuto pa lang na mimamaneho ni Honkon ang kanyang brand-new Ferrari 458 Spider nang biglang umusok iyon at tuluyang nasunog. (Photo: @Niatan_2525 on X)

Ten years na nag-ipon ng pera si Honkon para makabili ng kanyang dream car—ang Ferrari 458 Spider.

Isang young music producer si Honkon sa Japan.

Nasa label niya ang Japanese idol group na Chocorabi.

Kamakailan, ibinahagi ng 33-year-old entrepreneur sa X ang kanyang story.

Aniya, nabili na niya, sa wakas, ang kanyang dream car.

Pero, ilang minuto lang niya itong na-enjoy.

Bakit?

Nag-apoy kasi ang sasakyan habang minamaneho niya ito sa Shuto Expressway, Tokyo, noong April 16, 2025.

Read: Woman fakes disability for 16 years to collect pension

FERRARI CATCHES FIRE DURING TEST DRIVE

Pagbabahagi ni Honkon, kade-deliver ng binili niyang Ferrari 458 Spider, kaya, gad niya itong sinakyan para i-test drive.

Habang minamaneho, napansin niyang may puting usok.

Ferrari burning
Ang Ferrari ni Honkon habang nagliliyab. Photo: @Niatan_2525 on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una, inisip ni Honson na baka galing ito sa kasabay na sasakyan.

Pero nang humarurot ang katabing sasakyan, natiyak niyang galing sa minamanehong Ferrari ang puting usok.

Inihinto niya ang sasakyan, agad lumabas mula rito, at tumawag sa fire department.

Ang sumunod na 20 minuto ay ginugol niya sa panonood sa kanyang dream car: Nasunog ito!

Read: 100-year-old tortoise becomes a first-time mother

HONKON THANKFUL HE DID NOT DIE INSIDE THE FERRARI

Sa kanyang tweet, sinabi ni Honkon na siya lang siguro ang katangi-tanging tao sa Japan na nagkaroon ng ganitong kamalasan.

Ipinakita rin niya ang larawan ng nasunog na sasakyan.

Aniya, “I spent 43 million yen and all I got was this photo.”

Sa current exchange rate, katumbas ng PHP17,312,402.30 ang naturang halaga.

The Ferrari then and now
Ang dream car ni Honkon bago at pagkatapos ng insidente. Photo: Screenshot at TDS News Dig
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isinagawang imbestigasyon ng Tokyo Metropolitan Police Department, lumalabas na walang nakabanggaan ang Ferrari ni Honkon.

Wala pang conclusion tungkol sa nangyari.

Naniniwala ang mga pulis na nagsimula ang apoy sa makina ng mamahaling sasakyan, pero hindi pa matukoy ang dahilan.

Bagaman at aminado si Honkon na sobra siyang nalungkot sa nangyari, nagpapasalamat siyang nakaligtas sa traumatic incident.

Aniya sa kanyang social-media accounts, ang buong akala raw niya ay sasabog agad ang Ferrari.

Laking pasalamat niya na naligtas siya sa sunog.

Read: Woman named November June Brown, but her birth month is August

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iilang minuto pa lang na mimamaneho ni Honkon ang kanyang brand-new Ferrari 458 Spider nang biglang umusok iyon at tuluyang nasunog. (Photo: @Niatan_2525 on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results