PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man lives by eating 2 slices of toasted bread with butter daily

He’s never eaten fruits, veggies or meat.
by KC Cordero
Published May 13, 2025
Photos of toasted bread
May kakaibang medical condition ang lalaki na tinatawag na avoidant restrictive food intake disorder o ARFID. Sobrang pihikan, wala siyang kayang kainin kundi dalawang pirasong tinapay araw-araw para lang mabuhay. (Photo courtesy of Freepik)

Nakasaad sa Bibliya sa Matthew 4:4 na: “Man cannot live by bread alone."

Hindi literal ang ibig sabihin nito, at sa halip ay ipinahihiwatig na bukod sa physical sustenance, kailangan din ng tao ng spiritual and emotional fulfillment.

Pero sa kaso ni Thomas Sheridan, literal namang kaya niyang mabuhay na tinapay lang ang kinakain.

Thirty-five years old na siya, at residente sa Liverpool, England.

Sa buong buhay niya, hindi pa siya nakakain man lang ng prutas, gulay, at karne.

Nakaka-survive siya sa pamamagitan ng pagkain ng dalawang pirasong bread kada araw.

Man eating toasted bread
Sobrang pihikan ni Thomas Sheridan at wala siyang ibang kinakain maliban sa toasted bread with butter. Photo courtesy of SWNS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa post sa Facebook page na Yup That Exists last May 13, 2025, napag-alaman na iniisip pa lang ni Thomas na kakagat siya ng ibang pagkain, sumasama agad ang pakiramdam niya at nagsusuka.

Bata pa lang siya ay pihikan na siya sa pagkain.

Inakala ng kanyang mga magulang na sadya lang siyang picky eater.

Pero nang sumapit na siya sa edad 33 noong 2023, na-diagnose siya na may medical condition na tinatawag na avoidant restrictive food intake disorder o ARFID.

Ang taong may taglay nito ay sobrang pihikang kumain.

Read: Why Filipino hot dogs are so unique

MAN HAS NO CONSEPT OF FOOD’S TEXTURE AND TASTE

Dahil sa taglay na ARFID, ayaw tumikim at kumain ni Thomas ng ibang pagkain.

Wala siyang konsepto ng iba’t ibang texture ng pagkain—at kung ano ang lasa ng mga ito.

Kakatwa, pero agad siyang nagkakasakit pag inisip niyang kakain siya ng prutas o gulay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Limitado tuloy ang kanyang diet.

Nabubuhay siya sa pamamagitan ng pagkain ng white toast with butter, tatlong bowls ng Shreddies and Haribo sweets—na brand ng cereal candy.

Umiinom din siya ng protein supplements para sa mga vitamins na kailangan ng kanyang katawan.

Aminado naman siyang nangangarap din siyang makatikim ng masarap na putaheng may mainit na sabaw.

Read: CHECK THIS OUT: Grilled spicy bamboo sticks

MAN THINKS HE’S NOT LIVING, JUST SURVIVING

Ang doktor na sumuri noon kay Thomas ay niresetahan siya ng antidepressants para makatulong makawala sa ARFID.

Pero walang naging epekto sa kanya ang gamot kaya itinigil na rin niya.

Kalaunan, nakasanayan na ni Thomas ang kanyang kondisyon.

Yun nga lang, hindi siya makapagtrabaho.

At para kay Thomas, isang torture yun.

“I’m not living at the moment. I’m only surviving.”

Ang gusto umano niya ay magkaroon ng normal na buhay, magkaroon ng trabaho, at huwag makaramdam na para siyang isang abnormal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil sa kanyang kondisyon, “It’s closed so many doors for me.”

Read: Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house turned into a restaurant

MAN’S DISORDER EVIDENT SINCE CHILDHOOD

Ang disgusto ni Thomas sa ibang pagkain ay naobserbahan agad ng kanyang parents noong baby pa lang siya.

May timbang siyang apat na kilo nang ipanganak. Sa umpisa ay walang kakatwang senyales na sobrang pihikan niya sa pagkain.

Pagsapit niya ng 18 months old, ayaw na niyang ibuka ang bibig pag feeding time na.

Kuwento ni Thomas, dinala siya ng kanyang mga magulang sa doktor.

Ang payo ng mga ito, gutumin siya para mapilitan siyang kumain.

Natuklasan naman ng mga ito na kumakain siya ng toasted bread with butter.

Habang lumalaki, isa sa mga paraang ginawa ng kanyang ama para lang tumikim siya ng ibang pagkain ay ang suhulan siya.

Nangangako ito noon sa kanyang bibilhan ng kahit anong gustong laruan basta kumain lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi ito nagtagumpay dahil hindi talaga gustong kumain ni Thomas.

Kaya nang magsimula siyang mag-aral, toasted bread with butter ang laging baon niya.

O kaya, pinapayagan siya ng kanyang parents na umuwi for lunch para lang makakain siya ng tanging food na kaya niyang i-consume.

Ani Thomas, tuwing susubukan niya ang ibang food ay awtomatikong nagsasarado ang kanyang bibig.

Kapag pinuwersa niyang tumikim, pakiramdam niya ay para siyang magkakasakit.

Read: Filipina chef elevates Bicol pili nuts to gourmet status

DISORDER COSTS MAN HIS SOCIAL LIFE

Hindi naman todong naapektuhan si Thomas ng kanyang disorder hanggang sumapit siya ng 18 years old.

“Because I had a small bubble of people I was around.”

Pero habang nagkakaedad na siya, nagbago umano ang tingin sa kanya ng mga tao.

Ani Thomas, “Because the school didn’t know anything about it. When they gave me work experience, they put me in a college, in the catering department.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was prepping all the foods, I was quite good at it and then I thought about going to college, maybe about food.

“I mentioned it, and then people were just like, ‘What’s the point of that—you can’t even eat a chip?’”

Nasaktan siya dahil doon.

Nagkaroon din siya ng problema sa pakikihalubilo, lalo na kung ang plano ng mga kasama niya ay lumabas para kumain.

Kahit sumama siya sa mga ito, ramdam niyang isolated siya.

Minsan aniya ay nakipag-inuman siya sa mga kabarkada.

“Everyone used to talk about bacon sandwiches when they were roughed up.”

Minsang nag-iisa siya sa kanilang bahay, “I attempted to make an egg and sausage sandwich.

“As soon as the egg touched my mouth, I vomited about 10 feet across the room.”

Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material

MAN CANNOT LOOK FOR JOB BECAUSE OF DISORDER

Dahil sa kanyang kondisyon, hindi nakakapagtrabaho si Thomas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsang naging employed siya, tumagal lang siya ng 10 araw.

At sa loob ng maikling panahong iyon, bumagsak agad ang kanyang timbang.

“I lost 21 pounds.”

At dahil wala siyang trabaho, nahihirapan siyang ma-afford ang cereal candies na tanging nako-consume niya bukod sa toasted bread with butter.

Man preparing cereals
Isang brand ng cereal ang tanging tanggap din ng sistema ni Thomas Sheridan na kainin. Photo courtesy of SWNS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May flavors lang kasi ng brand ng cereal candies na kinakain niya na pamilyar na ang kanyang dila sa taste profile nito.

Bukod pa rito ang gastos niya sa prescribed food supplements para mapunan ang shortage of nutrients ng kanyang restricted diet.

Dahil sa kanyang disorder, sobrang baba ng timbang ni Thomas at hindi proportion sa kanya body mass index.

Napipilitan siyang damihan ang tinapay at cereal na kinakain para mapanatili ang kanyang ideal weight.

Sinubukan na rin niyang sumailalim sa therapy na isinasagawa sa mga taong may ARFID.

Pero dahil kulang sa budget, inconsistent ang kanyang naging sessions at lalo lang siyang nahihirapan dahil pabagu-bago ang nagiging therapist niya kaya hindi maganda ang nagiging resulta.

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”

WHAT IS ARFID

Kumpara sa anorexia o bulimia nervosa at iba pang eating disorders, kulang pa ang pag-aaral sa ARFID.

Naitala lang ito sa International Classification of Diseases ng World Health Organization noong 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing itong mental health condition kaya isa ang therapy sa mga solusyon.

Ikinukonsidera rin itong disability dahil ang taong may taglay nito ay walang lakas para magtrabaho dahil sa kakulangan ng sustansya sa katawan.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa si Thomas ng fundraising activities.

Kailangan niyang makalikom ng US$8,000 (PHP445,996) para may maipambayad siya sa private hypnotherapist.

Para kay Thomas, sa ngayon ay ito ang tanging paraan para matupad niya ang pangarap na makasalo ang kanyang pamilya sa isang masayang kainan nang hindi niya isasarado ang bibig anumang pagkain ang kanyang isubo.

Read: VIRAL: Fried chicken sandwich with claw, dare to try?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kakaibang medical condition ang lalaki na tinatawag na avoidant restrictive food intake disorder o ARFID. Sobrang pihikan, wala siyang kayang kainin kundi dalawang pirasong tinapay araw-araw para lang mabuhay. (Photo courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results