Pangarap ng halos lahat ng overseas Filipino worker (OFW) ang makabili ng sariling bahay.
Ito ang inspiring story ng OFW sa Canada na si Rebecca Cruz, na niregaluhan ng kanyang amo ng bahay sa Canada na nagkakahalaga ng one million-Canadian dollars (PHP40 million).
Anim na taong nanny si Rebecca sa Griffiths family sa Canada.
Siya na ang nag-alaga sa anak na lalaki at female twins ng businesswoman na si Joanna Griffiths.
“Lahat ng pag-alaga ng bata—nagpapadede, nagpapatulog, nagpapalit ng diaper—lahat na po iyon ginagawa ko…” ani Rebecca sa interview ni Rhea Santos para sa OMNI Filipino News, February, 2025.
Kapag tulog naman ang kanyang mga alaga, paglilinis ng bahay ang inaatupag ni Rebecca.
Bago siya nagsilbi sa Griffiths family, naging caregiver muna si Rebecca ng iba’t ibang employers sa Canada.
Hanggang sa makuha siya bilang nanny ng Griffiths family.
“Simula po nung pumasok ako, talagang very busy na po si Joanna,” ani Rebecca tungkol sa kanyang female employer.
“Bagong panganak siya doon sa panganay. Araw-araw po kaming kasama, pumupunta po sa opisina niya.
“So nakikita ko na po yung mga empleyado niya na ang dami-dami.”
Ipinagkatiwala raw ng mag-asawang Griffiths ang kanilang mga anak kay Rebecca.
“Talagang tiwalang-tiwala sila sa akin sa pag-aalaga ng mga anak niya,” saad ng Pinoy nanny.
Lubos namang napamahal kay Rebecca ang kanyang tatlong alaga.
Kuwento ni Rebecca, “Kahit po sa school, sinasabi ng mga teachers na, ‘They’re so attached to you,’ ganyan-ganyan.
“Sinasabihan ako na pag nasaktan daw sila, ‘I want my Becka! I want may Becka,’ ganyan daw sila.
"Becka" ang tawag kay Rebecca ng kanyang mga alaga.
“Talagang ako ang nagpapatulog sa kambal na iyon. Katabi ko silang matulog. Ayaw nila akong paalisin," kuwento ni Rebecca.
“Hindi ako nakakaalis ng bahay hanggang hindi sila nakakatulog.”
Read: Study reveals the "most beautiful sounding names"

OFW RECEIVES A HOUSE FROM HER EMPLOYER
Isang malaking kumpanya ang mina-manage ng employer ni Rebecca na si Joanna Griffiths.
Si Joanna ang may-ari ng Knix, isang brand sa Canada na gumagawa ng intimate and activewear apparel for women.
Itinayo ni Joanna ang kanyang kumpanya noong 2012.
Taong 2022, isang company ang bumili ng majority ng shares ng kanyang company sa halagang 300 million Canadian dollars (PHP12 billion).
“I’m a female business owner, who has three young kids. And I was building a company while raising a family, and navigating COVID, and all of those different things," kuwento ni Joanna.
“And the truth is that, I could not have done it without Rebecca’s support.”
Isang araw, sinorpresa ni Joanna si Rebecca. Tinanong ng employer kung ano ang gusto ng Filipino nanny.
Kuwento ni Johanna sa OMNI, “I went down to the kitchen and asked Rebecca what she wanted, and she said her dream was to have a house. And I said, ‘Let’s do it.’”
Pagpapatuloy ni Joanna, “And I just remember looking at Rebecca and saying to her, ‘You know, none of this would have been possible without you. And I have only been able to be successful at what I have done because we have a strong family support system.’”

Read: Life story of Vangie Carr: Meat seller earning millions a month
REBECCA VOWS TO BE FAITHFUL TO HER EMPLOYER
Paglalahad ni Rebecca, limang bahay raw ang tiningnan nila sa pagpili ng bibilhin.
Ang kanyang employer pa raw ang nag-drive sa pagtingin ng bahay ni Rebecca at kanyang mister.
Tiniyak din daw ni Joanna na malapit lamang sa kanila ang bahay nina Rebecca.
Ang nabiling bahay para kay Rebecca ay nasa Toronto. Isa itong three-bedroom house na may basement.
Wala na ring mortgage na kailangang bayaran si Rebecca.
Ani Joanna tungkol sa regalo kay Rebecca, “If I’m asking Rebecca to spend so much time with me and my family, and we have so much, how can you not share that?”
Saad naman ni Rebecca, “Puwede na po akong mag-retire na hindi ko iniisip kung may babayaran pa ako; kung saan ako pupulutin… kasi po lahat ng nag-abroad is ang hirap po ng walang bahay, walang ipon.”
Aniya ukol sa kanyang employer, “I will stay loyal to them, I will love their kids. Hanggang gusto nila ako, I will stay with them.”
