PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is it safe to leave chargers in an outlet when not in use?

Dapat nating maunawaan ang chargers para sa mas maayos na paggamit nito.
by KC Cordero
Published May 29, 2025
Chargers plugged in
Karaniwang tanong sa paggamit ng chargers: Okay lang bang iwan itong naka-plug? At kung laging nakasaksak, kumukonsumo rin ba ito ng kuryente? (Photo: Fortec US)

Madalas na iniiwang naka-plug ang chargers ng smartphone, laptop, at iba pang gadgets.

Ang tanong: Delikado bang hindi sila tinatanggal sa saksakan? Nakakakonsumo pa rin ba sila ng kuryente?

Photo of plugged charger
Mahalagang maunawaan ang functions and maintenance ng chargers para na rin sa kaligtasan ng consumers. Photo: Freepik

Ayon sa artikulong nalathala sa website na The Conversation last May 27, 2025, hindi pare-pareho ang chargers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang typical charger ay gumagamit ng alternating current o AC mula sa wall outlet.

Ikino-convert nito ang kuryente para maging low-voltage direct current (DC) na akma sa battery ng gadget.

Read: How to keep bananas fresh longer

DIFFERENCE BETWEEN DIRECT CURRENT AND ALTERNATING CURRENT

Para higit na maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng DC at AC, dapat ikonsidera kung paano dumadaloy ang electrons sa kawad.

Sa DC circuit, dumadaloy sila sa iisang direksyon at nagpapaikut-ikot lang sa circuit.

Sa AC circuit, sila ay kumikilos lang back and forth at hindi nagsi-circulate.

Ang dahilan kung bakit pareho nating ginagamit ang AC and DC circuits ay nagsimula noong panahon pa ng mga inventors na sina Thomas Edison at Nicola Tesla.

Nagtalo sila noon kung alin sa dalawa ang dapat na maging default standard.

Para kay Edison, dapat na DC; para kay Tesla, AC.

Pero hanggang ngayon, pareho pa rin silang ginagamit.

Read: Why turkey eggs aren’t sold in stores

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHY ELECTRICAL APPLIANCE HAS AC-DC CONVERTER

Traditionally, ang kuryente ay generated sa AC form.

Pero ang mga makabagong appliances at mga baterya ay kailangang nasa DC form.

Ito ang dahilan kaya ang mga electrical appliance ay may AC–DC converter.

Interior of chargers
Ang internal components ng typical charger. Photo: Reddit

Para mai-convert ang AC at maging DC, ang isang typical charger ay nangangailangan ng mga electrical components gaya ng transformer at circuit para sa actual conversion, pati na rin filtering elements para mapaganda ang kalidad ng output DC voltage.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mayroon din itong control circuitry para ma-regulate ang daloy ng power at bilang proteksyon na rin.

Read: “Wala pang five seconds!” rule on dropped food—myth or science?

DO CHARGERS CONSUME POWER EVEN WHEN NOT CHARGING?

Sa tanong kung nakakakonsumo ang charger ng kuryente kapag naiwang naka-plug, ang sagot ay oo.

Ito ang tinatawag na “vampire power” o standby power.

Kapag naka-plug ang charger, patuloy itong gumagamit ng maliit na amount ng power.

Ang bahagi ng maliit na amount na ito ng power ay para manatiling aktibo ang control and protection circuits ng chargers.

Ang ibang nakokonsumong kuryente habang naka-plug ang charger ang dahilan kung bakit ito medyo mainit.

Nagkakaroon ng waste energy.

Read: Why do towels have embroidered stripes?

OTHER ELECTRICAL APPLIANCES CONSUME VAMPIRE POWER, TOO

Kung maraming chargers ang laging naka-plug at hindi tinatanggal, lumalaki rin ang nakokonsumong kuryente.

At hindi lang ang chargers ang nakakalikha ng vampire power.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag laging naka-plug ang TV at iba pang household appliances, may naaaksaya ring energy ang mga ito.

Cumulatively, sa loob ng isang taon, aabot din iyon ng ilang kilowatt hours at nagiging dagdag gastos.

Read: Why the toilet flush has one large and one small button

MODERN CHARGERS HAVE SMART POWER MANAGEMENT COMPONENTS, BUT…

Ang mga makabagong chargers ngayon ay nakadisenyo para ma-minimize ang standby power consumption.

May tinatawag na smart power management components na nakakabit ngayon sa mga chargers para mapanatili itong nasa sleep mode, at maa-activate lang kapag kinailangan ng gadget na humigop ng power.

Maoobserbahan na kumpara sa mga sinaunang charger, kapag fully charged na ang gadget ay kusang humihinto ang charging kaya mas protektado ang battery.

Hindi na rin masyadong umiinit ang charger—though may maliit na amount pa rin ng kuryenteng nakokonsumo.

Hindi naman maiiwasang maluma at masira ang charger lalo na kung laging ginagamit ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apektado rin ito ng fluctuating current flow, lalo na sa mga lugar na madalas ang brownout.

Kaya advisable na original o branded chargers ang piliin para makasigurong pasado sila sa product standard.

Batay sa impormasyong nakalap sa Department of Trade and Industry, ang mga produktong walang PS mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker ay walang sapat na levels of protection lalo na sa sunog.

Pero napepeke na rin ang mga ito kaya humanap ng mga legit stores.

Read: Goodbye, noisy kapitbahay! Sound Screw could be the solution!

HOW TO MAINTAIN CHARGERS

Bagaman at ang modern chargers ay generally very safe at nakakakonsumo lang ng minimal standby power, importante pa ring i-unplug ito.

Gawing habit at priority ang safety ng inyong tahanan o lugar ng trabaho.

Kung maoobserbahang nagiging mas mainit na ito kumpara sa dati, lumilikha ng ingay kapag naka-plug, o may physical damage, palitan na agad.

Panatilihin itong malinis at iwasang mabasa ng anumang likido. Punasan ng dry cloth para matanggal ang mga dumi o debris na makakaapekto sa charging performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regular na suriin kung may damage maging ang cable nito.

Gumamit ng charger na angkop sa inyong gadgets.

Iwasan ang overcharging.

Kung hindi ginagamit, ilagay ang charger sa malamig na lugar, at i-coil nang maluwag ang cable para hindi masira.

Iwasan ding ma-expose sa extreme heat or cold dahil posibleng ma-damage ang cable and components.

At laging tatandaan ang general rule: bunutin agad sa saksakan ang charger pag fully charged na ang gadget.

Read: Tips kung paano linisin ang microwave oven

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karaniwang tanong sa paggamit ng chargers: Okay lang bang iwan itong naka-plug? At kung laging nakasaksak, kumukonsumo rin ba ito ng kuryente? (Photo: Fortec US)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results