PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dad pours PHP44M of hard-earned money into daughter’s business

“My dad took a leap of faith—not for himself, but for me.”
by KC Cordero
Published Jun 24, 2025
Jeline Ang and her father
Kahit ang tingin ni Ang Poh Thong ay hobby lang ng anak na si Jeline ang pagpapatayo ng music school bilang negosyo, sinuportahan niya ito at nag-invest ng PHP44 milyon. (Photo: @themusicscientistsg on IG)

Pinagsumikapan ng Singaporean na si Poh Thong Ang, 71, na maitatag ang kanyang heavy machinery rental company noong kabataan niya.

Nagtagumpay ang kanyang kumpanya.

Nagkaroon siya ng asawa at tatlong anak.

Pagsapit niya sa edad na 60, nagretiro si Poh sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya.

Dinapuan na rin siya noon ng iba’t ibang karamdaman kaya minabuti niyang magpahinga na lang at mag-focus sa sariling kalusugan.

Ibinenta niya ang kumpanya.

Read: Mom and daughter build house from 8,000 recycled glass bottles

DAD SUPPORTS DAUGHTER IN ESTABLISHING HER OWN BUSINESS

Tatlo ang naging anak ni Poh.

Ang kanyang panganay na si Jeline ang founder ng The Music Scientist—isang thematic music, sensory, science enrichment center para sa mga batang four months to six years old ang edad.

Photo of Jeline Ang
Ang anak ni Ang Poh Thong na si Jeline/ Photo: The Music Scientist
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Jeline sa artikulong nalathala sa news website na theindependent.sg last June 15, 2025: “My dad took a leap of faith—not for himself, but for me.”

Si Poh raw ang namuhunan ng S$1 million (PHP44,542,790) para matupad ang pangarap ng anak.

Dagdag ni Jeline, “I simply couldn’t have started my company without this investment from him.”

Nagsimula ang operasyon ng The Music Scientist noong 2017.

Kids learning to play drums
Ang ilan sa mga batang estudyante ng The Music Scientist. Photo: @themusicscientistsg on IG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lang pinansiyal ang ambag ni Poh.

Nang itinatayo ang school, tumulong rin ito sa pagkakarpintero kahit nagpapagaling pa ito sa operasyon sa puso.

Nag-alaga rin siya ng mga apo para makapag-concentrate ang panganay na anak sa pagpapatakbo ng school.

Ani Jeline, “He stepped in, not to take over, but to steady the ground beneath my feet.”

Read: Why is there a pink refrigerator in the middle of Namib Desert?

DAD COMPARES ESTABLISHING BUSINESS THEN AND NOW

Sa panayam naman kay Poh, pakiramdam daw niya ay ipinanganak siya sa tamang lugar at tamang panahon.

Nang simulan niya noon ang pagnenegosyo sa Singapore, lahat ay posible pa basta't magsisikap at magsisipag ka

Sa ngayon, naoobserbahan niyang hindi na madali ang pagnenegosyo.

Ito aniya ang dahilan kung bakit handa siyang suportahan si Jeline sa anumang paraang kaya niya.

Nang tanungin si Poh kung naging mahirap ba para sa kanyang palaguhin ang negosyo, ang mabilis niyang sagot: “You must know how to give up at the right time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa artikulo, ang una raw naisip ni Poh nung itinayo ni Jeline ang school ay isang hobby ito at hindi negosyo.

Laking gulat at tuwa raw niya niya nung nag-boom ito noong may pandemya.

Read: Christian Humphrey Lapeciros proves there’s money in farming

DAUGHTER THANKFUL FOR DAD’S UNCONDITIONAL LOVE AND SUPPORT

Bago itinatag ni Jeline ang The Music Scientist, nagtrabaho siya bilang contracts manager sa loob ng ilang taon.

Sa kabila ng pagiging working mom, hands-on siya sa pag-aasikaso sa mga anak.

Nagsilbing training ground niya ito para mas maging relevant ang teaching approach sa The Music Scientist.

Nagpapasalamat din si Jeline dahil laging nakahanda ang ama na magbigay ng tulong at payo.

Paglalarawan niya rito, hindi si Poh ang tipo ng ama na magsasabi sa mga anak ng, “I love you,” pero hindi raw mapapantayan ang unconditional support nito.

Read: Meet Macey Nemer: Creator of cupcake bouquets

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit ang tingin ni Ang Poh Thong ay hobby lang ng anak na si Jeline ang pagpapatayo ng music school bilang negosyo, sinuportahan niya ito at nag-invest ng PHP44 milyon. (Photo: @themusicscientistsg on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results