Advisable na kapag expired na ang products ay huwag na dapat gamitin.
But wait, ayon sa isang registered chemist, may ilang beauty at personal hygiene items na maituturing na “immortal products” dahil uubra pa rin sila kahit pa beyond the expiry date na sila.
Ayon kay Shea Tan, na isa ring digital creator, kabilang dito ang baby powder, petroleum jelly, at lip balm.
Sa isa niyang TikTok video, ipinakita ni Tan na proud user siya ng mga expired products na nabanggit.
“Kaya lang ako gumawa ng content na ganoon is to inform you na puwede mo siyang gamitin past its expiration," ani Tan sa report ni Yaddah Pascual ng One PH.
Pero hindi raw ito para sa mga may sensitive skin.
Dagdag pa ni Tan, "Certain products without water content...it doesn’t mean ia-apply niyo iyon sa lahat ng products.
“There are certain products na self-preserving dahil wala itong water content. There is no medium for water bacterial growths.
“So ibig sabihin noon, kahit dutdutin mo siya nang dutdutin ng kamay mo, hindi ito magkakaroon ng bacterial growth kasi ang bacteria can only grow in wet environment.”
Tiyakin lamang daw na ang tatlong items na binanggit ay walang contamination—meaning, hindi sila nahaluan ng tubig at alikabok.
Binanggit din sa report ang ilan pang items na maaaring gamitin kahit na lumampas na sa expiration date.
Kabilang dito ang shampoo, bar soap, at alcohol.
Maaaring magkaroon daw ng ilang pagbabago ang mga ito dahil expired na, gaya ng hindi na ganoon kabula para sa sabon at shampoo o hindi na kasing-taas ng original percentage ng alcohol.
Pero puwede pa ring gamitin ang mga ito provided na ang user ay hindi maselan at walang allergic reactions.

Read: Son of farmer and teacher graduates cum laude from Yale University
products that are EXEMPTED
Nagbigay rin si Tan ng tatlong indikasyon na dapat nang itapon ang mga expired items:
(1) Pagbabago ng texture
(2) Pagbabago ng amoy
(3) Pagbabago sa kulay
Pero hindi ito applicable sa mga pagkain at gamot.
Sabi ng chemist, “Kasi when it comes to food, it’s a totally different topic.
“Sa food kasi, meron tayong mga amino acids. Meron itong mga content na kinakain na ng mga bacteria.
"Even if walang bacterial growth, other microbial organisms can still thrive in that environment.”
Syempre, nasa best quality pa rin daw ang isang produkto kung gagamitin ito bago ang itinakdang expiration.
Sabi ni Tan, “Ang aking paalala lang po, kaya meron po tayong expiration date is for a reason. It is to prevent any harmful reaction sa ating katawan, to prevent any bacterial infection, which may cause inflammation, sometimes pangangati, rashes…”
Naglalagay ng expiry dates ang mga manufacturers para tiyaking pasok ito sa standards nila pagdating sa effectivenss at quality ng mga produkto.
Read: HIV drug now available in the U.S.; when will it reach global markets?
