Ang yaya ni Leon Barretto, 22, ay nagretiro matapos ang higit dalawang dekadang paninilbihan sa kanilang pamilya.
Lumalabas na nagsimula ang pagserserbisyo ni Manang Ninay noong ipinanganak ang unica hijo at bunsong anak ni Marjorie Barretto sa dating asawang si Dennis Padilla.
Bukod kay Leon, anak din ng ex-couple sina Julia at Claudia.
Sa isang recent Instagram post, nagbigay ng farewell tribute si Leon kay Yaya Ninay.
Published as post ni Leon: “had to say goodbye to my yaya of 22 years. truly heartbreaking but happy knowing you finally get to rest and enjoy life back in cebu.”
Inalala ni Leon ang mga sakripisyo ng kanyang yaya.
Sabi nito (published as is), “you have sacrificed so much for our family, especially for me, from the moment you chose to take care of me.
"you’ve been there through every phase of my life. from kinder all the way to me finishing college.
“you’ve guided me on the right path and taught me so many things, including how to speak tagalog to the point you reviewed me almost every night for my filipino subjects.”
Humingi ng tawad si Leon sa kanyang yaya sa mga panahong naging pasaway ito noong bata.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga magagandang itinuro nito sa kanya.
Dugtong ni Leon (published as is), “thank you for being so patient with me manang. i’m sorry for being such a kulit and pasaway kid growing up but because of your discipline towards me, i have become a better person.”
Hindi rin nakalimutan ni Leon ang good memories niya sa kanyang yaya.
Pagbabalik-tanaw ni Leon (published as is): “i’ll never forget the times you picked me up from school, carried me on your back from my room to the living room just so i could wake up and eat, and most of all, for never leaving mom, helping her take care of us, protect us, and love us like your own.
“love you so much manang. enjoy your well-deserved retirement.”
Nagkomento si Marjorie at ang isa pa niyang anak na si Danica sa post ni Leon.
Ani Marjorie, hindi raw niya kakayanin ang mga pinagdaanan kung wala ang kasambahay.
Naging emosyunal naman si Dani sa post ni Leon para sa kanilang yaya.
Sambit niya, "i'm crying again..."


Read: Leon Barretto thanks Dennis, Marjorie for birthday greetings
NETIZENS REACT
Marami ring netizens ang nagkomento sa post ni Leon.
Ayon sa isang netizen, pinalaki rin raw siya ng kanyang yaya sa loob ng 19 years.
Dugtong niya, "...sila ang nagsacrifice nung mga panahong wla ang mga mommies##"

Binigyan din ng papuri ang yaya ni Leon na tumagal ng higit dalawang dekada.
Komento ng isang netizen: “Mga batang maayos pinalaki ng magulang at ng kasambahay dahil tinuturing na kapamilya.”
Pinuri rin si Leon dahil sa “beautiful tribute” nito sa kanyang yaya “who may not be related by blood, but who raised you with endless love.”

Sabi ng isa pa, “They don’t make kasambahays like that anymore. You are both lucky to have each other.”


Read: Fernando Zobel gives daughter Katya a vintage Rolex on her 18th birthday
