PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man calls out roommate who keeps "accidentally" eating his food

The roommate is “feeling entitled," according to the netizens.
by KC Cordero
Published Jul 2, 2025
Photo of grocery items
Paano kung ang roommate mo ay madalas kumain ng pagkain mo o gumamit ng gamit mo? Tapos nangangako itong papalitan ang hinarbat, pero hindi naman tinutupad? Ganito ang takbo ng kuwento ng isang Reddit user. (Photo courtesy of Freepik)

Ibinahagi ng Reddit user na may handle na @ecbail ang naging karanasan niya sa roommate.

Sa kanyang post last June 27, 2025, inakusahan daw siyang mababaw at walang pakisama.

Ang kuwento niya: "I rent a flat with two other guys.

"We all agreed we’d buy our own groceries and label stuff.”

Dahil magkakasama sila sa flat, isang refrigerator lang ang kanilang ginagamit.

Yun nga lang, ani @ecbail, “One of them keeps 'accidentally' using my stuff.”

At ayaw daw niyang may nakikialam sa kanyang mga gamit at groceries.

Photo of groceries
Madalas na aksidenteng napapakialaman ng roommate ng lalaki ang kanyang grocery items, pero hindi ito pinapalitan. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man swallows spoon while drunk; thinks it’s a dream for 6 months

MAN BUYS MINI FRIDGE

Laging nangangako ang roommate ng 31-year-old netizen na papalitan nito ang mga items na kanyang nagagamit o nakokonsumo.

Kabilang sa mga ito ang gatas, itlog, at kape.

Pero hanggang pangako lang ang kanyang roommate.

Man looking at the ref
Para hindi na mapakialaman ng roommate ang kanyang stuff, bumili na lang ang lalaki ng sariling mini ref. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ginawa ni @ecbail ay bumili siya ng sariling mini fridge.

Doon na niya inilagay ang kanyang groceries para hindi na nito mapakialaman pa.

"I stopped saying anything and just started moving my stuff into my room's mini fridge."

Read: Henry, the world’s oldest crocodile at 124, has had 6 partners

ROOMMATE FEELS OFFENDED

Ayon kay @ecbail, nairita at na-offend ang roommate sa ginawa niya.

"Now he's calling me petty and says I'm 'killing the vibe.'"

Katuwiran naman niya, "I'm not his parent.

"We are roommates, not life partners."

Read: Man discovers ex-GF files marriage license without his consent

NETIZENS SIDE WITH REDDIT USER

Dahil sa naging reaction ng roommate, nanghingi si @ecbail ng opinyon sa mga netizens kung tama ba o mali na naging territorial siya sa kanyang stuff kahit nasa shared living space sila.

Nakatanggap naman siya ng overwhelming support mula sa mga nakabasa ng kanyang post.

Nagkaroon iyon ng 6.6K positive upvotes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sambit ng isang nagkomento, "If he doesn't replace what he uses, then has a hissy fit about you no longer making those items available to him, then he knows he is taking advantage of it and is just mad you set the boundary."

Para naman sa isa, masyadong feeling entitled ang roommate ni @ecbail.

Nagawa pa umano nitong magreklamo nang hindi na ito makapangharbat ng groceries.

Isa naman ang nagsabing ayaw pala ng roommate na huwag masira ang vibe, pero wala naman itong kontribusyon para manatiling masaya sila sa flat.

Ano raw kaya ang mararamdaman ng roommate kung si @ecbail naman ang halimbawang magsusuot ng mga damit nito nang walang paalam?

May nagsabi ring kung paulit-ulit ang ginagawang panghaharbat ng kanyang roommate, hindi na aksidente yun.

Read: Dad forbids daughter from live streaming: 'She’s too pretty.'

HOW TO MAINTAIN GOOD VIBES IN SHARED SPACE

Marami rin sa Reddit users ang nagbahagi ng katulad na karanasan ni @ecbail—na ang kanilang roommate ay basta na lang kinakain ang snacks o di kaya ay ginagamit ang shampoo at sabon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ganitong gawain ng roommates ay madalas nauuwi sa away.

Kuwento ng isa, nag-bed space siya sa isang pamilya. Common ang kanilang kusina at bathroom.

Nagtataka siyang mabilis maubos ang kanyang gatas gayung tuwing gabi lang naman bago matulog siya umiinom nito.

Yun pala, ipinapainom ito ng isang anak ng kanyang landlady sa alaga nitong aso.

Hindi na siya bumili ng gatas mula noon.

Paalala naman ng isang nagkomento, maganda ang vibe sa shared space kung ang bawat isa ay may respeto sa kanya-kanyang space.

"It can only work when nobody in the house is a thieving, and everyone agrees on whatever the parameters are."

Pinuri naman si @ecbail ng isang nagkomento.

Anito: “When people try to blame you for their sh*t, the best action is to casually reinforce boundaries and call them on their sh*t.

“Your hypothetical response handles both of those well without being too confrontational.”

Read: Drunkards’ association protests against rising alcohol prices

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paano kung ang roommate mo ay madalas kumain ng pagkain mo o gumamit ng gamit mo? Tapos nangangako itong papalitan ang hinarbat, pero hindi naman tinutupad? Ganito ang takbo ng kuwento ng isang Reddit user. (Photo courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results