Tila Big Winner si Bianca de Vera bago pa man naganap ang Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kagabi, July 5, 2025.
Read: PBB Celebrity Collab: BreKa completes Big 4; DusBi evicted
Ito ay dahil nakatanggap siya ng multi-million peso luxury car na regalo mula sa kanyang mga magulang.
Naka-post ang pagbibigay ng regalo sa Instagram account ng ina ni Bianca na si Aileen.
Sa tatlong Instagram Story na kinunan bago pumunta si Bianca sa Big Night event sa New Frontier Theater sa Quezon City, makikitang masayang-masaya ang Kapamilya actress nang makita ang bago niyang sasakyan.
Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition
BIANCA DE VERA GETS SURPRISE FROM MOM
Nagsimula ang videos sa loob ng bahay, kung saan pinakita ni Mommy Aileen kay Bianca ang susi ng bagong kotse. Matapos nito ay lumabas sila ng kanilang bahay para makita ang sasakyan.
Nagpasalamat si Bianca sa kanyang ina sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya nang mahigpit.
Natuwa rin ang young celebrity dahil punung-puno ng mga bulaklak at iba pang regalo galing sa kanyang mga fans ang loob ng kotse.
“Blessings talaga mommy sila,” sabi ni Bianca tungkol sa kanyang mga tagahanga.
BIANCA DE VERA's MERCEDES-BENZ V
Ayon sa mga fan accounts ni Bianca, ang sasakyan ay ang Mercedes-Benz V-class V220 d Avantgarde Extra Long, na nagkakahalaga ng 5.9 million pesos.
May kaya ang mga magulang ni Bianca, na successful sa iba’t ibang negosyo.
Si Mommy Aileen ay isang importer at may connections sa fashion industry.
Ang ama naman ni Bianca na si Mon ay may malaking negosyo na nasa life safety systems industry. Isa rin siyang professional racecar driver.