"E, ano ngayon kung UP ka?"
Ito ang opening line ni Jessica Soho sa mga bagong graduates ng University of the Philippines (UP) Diliman.
Paalala niya: ang pagiging UP graduate ay hindi lang isang pribilehiyo. Mayroon itong kaakibat na responsibilidad.
"Tandang-tanda ko pa ang pambungad sa akin ng aking cameraman, noong bago pa lang akong reporter, 40 years ago to be exact.
"Sabi pa niya: 'Magbuhat ka nga ng gamit at tripod; matuto kang mag-ilaw at magsaksak ng mikropono.'"
Hindi raw dapat isiping porke't UP graduate ay angat sa iba.
Diin ng multi-awarded broadcast journalist: "Work is an equalizer. Sa trabaho, pantay-pantay ang lahat, saan ka man nag-aral."
Si Jessica ang keynote speaker sa 114th General Commencement Exercises ng UP Diliman na ginanap sa University Amphitheater noong July 6, 2025.
Sa naturang unibersidad siya nagtapos ng kursong Journalism.

JESSICA SOHO's paalala at pabaon
Sa dami ng mga kaguluhang nangyayari, hangad ni Jessica na maging uplifting ang kanyang message.
Binanggit niya ang sinabi ng kaibigang doktor tungkol sa "reseta o PRESCRIPTION for happiness," which "is to STOP thinking about yourself; to get OUT of yourself and help others."
Aniya: "Sa mga unang araw na sinubukan kong isulat itong aking speech ngayon, UMULAN ng mga missile at bomba sa ilang bahagi ng Middle East. Kaya, napaisip ako.
"Sa takbo ng mga pangyayari ngayon sa mundo at kahit sa ating bansa, paano ko kaya kayo, mabibigyan ng INSPIRASYON, na puwede niyong BAUNIN sa SIMULA ng inyong PROFESSIONAL life?
"Hanggang naalala ko na kasama kayo sa mga batch na SINUBOK ng pandemic."
Ang batch of graduates this year ay kasama rin daw sa age bracket na may malaking porsiyento ng voter turnout sa naganap ng May 2025 midyear elections.
"Sabi ng COMELEC, marami sa inyo ang bumoto sa katatapos na eleksiyon.
"Bagamat hindi pa masabi kung meron na bang matatawag na Youth Vote ang Pilipinas, gayunman, YOU guys MADE THE difference! You were significant INFLUENCERS.
"You are INSPIRING!"
Magandang senyales daw ito para sa bansa.
“With your VOICE, BAKA NEMEN meron nang PAG-ASA! SANA, KAYO—ang matagal NANG hinihintay na PAGBABAGO!”
Bilang mga iskolar ng bayan, huwag daw kalimutan ang ambag ng taumbayan sa kanilang edukasyon.
“It CANNOT be denied that a UP education IS a privilege! With the BEST teachers and learning resources. And MAY I add: At the EXPENSE of Filipino taxpayers, kahit yung mga HIRAP sa buhay.
“OO, sinusumbatan ko kayo, kinokonsensiya.”
Kaya dapat na gamitin ang napag-aralan para iangat ang iba, at hindi lang ang sarili.
“Oo, MATAAS ang expectation sa bawat isa sa inyo. HINDI para kayo’y mag-FEELING ENTITLED o SUPERIOR.
“But to be HUMBLE and THANKFUL. UP kayo; HUWAG maging MAYABANG!”
“Hindi tayo NAIBA o naka-ANGAT kundi KAISA ng komunidad at ng lipunan.”

Read: Josh Mojica’s driver's license suspended for vlogging while driving Porsche; issues apology
Jessica Soho: Lessons From 40 Years in Journalism
Inisa-isa rin ng GMA Integrated News executive ang kanyang tips mula sa mahaba niyang karanasan bilang isang broadcast journalist.
- “Relationships are important."
- “Reach out to more people."
- “Get out of your own circles."
- “Listen well."
- “Know your customers, or clients and their wants and needs."
- “Matuto tayong makibagay at makisalamuha, makipag-kapwa.”
Malaking bahagi ng kanyang tagumpay sa apat na dekadang karera ang kontribusyon ng mga katrabaho.
Kaya ang bilin niya: “Kapag kayo’y nagtatrabaho na, PAHALAGAHAN niyo rin sana ang inyong mga katrabaho—mula sa maliit hanggang sa mga bossing.
“And NEVER, EVER take advantage of the weaker and smaller among us!”
Hindi rin dapat madaling mapanghinaan ng loob.
“That’s why we should NOT stop ASKING questions. Huwag MATAKOT o MAHIYANG magtanong.
“In all of my 40 years as a journalist, WALONG presidente na ang aking na-cover.
“Yun lang, NARANASAN ko ring ma-walkout-an, mapahiya, mapagalitan, madabugan at ma-BASH!
“Kayo rin, HUWAG kayong titigil na MAGTANONG!”
Higit sa lahat, huwag daw kalimutang magmalasakit sa kapwa.
“Mabiyayaan man kayo—[SANA ALL!] ng KOMPORTABLENG buhay balang araw, magtanong pa rin, PARA sa IBA, lalo na, ang mga nangangailangan.”
Bukod sa hangaring makamit ang “honor” at “excellence,” isama rin dapat ang “service.”
Mensahe ni Jessica sa graduates: “To our dear graduates, sorry sa pressure—but we put our HOPES on YOU!”
“TOUGHEN UP! Persevere and endure.
“GRIT. Maging Matatag. Walang MADALI sa buhay.
“Pero wala ring IMPOSIBLE!”

At kung may magtanong daw sa mga graduates ng: “E, ano ngayon kung UP ka?”
Tanggapin daw ito bilang tapik sa balikat at ang pagtatapos sa premiere state university ay hindi lamang isang “blessing” kundi isa ring “responsibility," kaya, “maging karapat-dapat na ISKOLAR NG BAYAN."
Sa pagtatapos niya: “It is my honor and privilege to speak and be with you today.
“Congratulations, graduates AND parents!!!
“Go ROCK the world!”
