Pansamantalang umuwi ng Pilipinas si Ella V, ang dating miyembro ng Viva Hot Babes.
Ella Villanueva-Manalang sa totoong buhay, isa na siyang businesswoman ngayon.
At sa opening ng bago niyang venture, ang The Aura Wellness & Spa, inimbita niya ang mga dating miyembro ng sikat na all-female group.

Read: Ex-Viva Hot Babe Ella V on quitting showbiz
ELLA V. ON NEW BUSINESS
Bilang negosyante, hit and miss daw si Ella.
May mga negosyong nagtagumpay at meron ding nalugi.
Pero ang mantra kasi ng dating sexy actress sa buhay ay huwag basta-basta sumuko.
Aniya: "Actually, meron ding hindi nagtagumpay, pero nalampasan ko siya sa pamamagitan ng never quit. Hindi kasi ako quitter, e.
"I'm a kind of person na I'll take the risk and if I fail, I will try again. And try again until I'm successful."

Bakit niya naisip ang wellness and spa business?
Sagot ni Ella: "Bakit nga ba? Kasi unang-una, you have to love yourself.
"At paano ko yun ipapakita? Siyempre, sa pamamagitan ng yung mga business ideas na meron ako.
"Talagang yung wellness talaga ang very important sa akin ngayon kasi as we grow older, talagang kailangan pangalagaan natin yung mga needs natin.
"Kasi you have to love yourself para naman buong-buo ka rin sa pamilya mo."

Affordable ba ang mga services ng spa niya?
"Very affordable, but everybody was saying that it looks expensive.
"Aesthetics wise, maganda talaga yung spa namin. Ang daming nagko-comment, pero it's very affordable."
Ang presyo ay nag-i-start sa PHP599 para sa one-hour body therapy, up to PHP999 para sa two hours.
Ang spa specials ay may price range na PHP1,299 up to PHP1,500.

Ang The Aura Wellness & Spa ay matatagpuan sa The Pinnacle Plaza 69 Marikina-Infanta Highway, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal. Ilang metro lamang ang layo nito mula sa Sta. Lucia East Grand Mall.
