PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The reason behind Judy Ann Santos’s jewelry investments

Judy Ann Santos: "Kaya ang sarap magsuot ng alahas, e, kasi bayad na ito, e."
by Arniel C. Serato
Published Aug 2, 2025
Judy Ann Santos jewelry investment
Tala Philippines endorser Judy Ann Santos recalls how her mother Carol’s jewelry once helped their family through tough times: "Nung panahon na nakatira kami sa Antipolo and ang ulam na lang namin ay talagang, wala na. Dumating kami sa point na kamatis at kanin lang. Nakita ko siya nagsasanla ng mga alahas niya. So yun yung naging saving grace namin..."
PHOTO/S: Courtesy: @talaphilippines on Instagram

Ang pagkahilig ni Judy Ann Santos sa mga alahas ay hindi lamang para may accessories siyang magagamit sa kanyang mga outfits.

Sa presscon ng bago niyang endorsement na Tala Philippines, isang lending app, napag-usapan ang tungkol sa mga "splurges" ng award-winning actress.

Meron daw siyang mga nabiling pinagsisihan niya.

Pero ang mga alahas ay itinuturing niyang investment.

JUDY ANN SANTOS ON MOMMY CAROL'S JEWELRY

Pagbabalik-tanaw ni Judy Ann sa buhay nila noon, ang mga alahas ng inang si Mommy Carol Santos ang nagsilbi nilang tulay pantawid sa araw-araw na gastusin.

Read: Judy Ann Santos shares secrets to her showbiz longevity

Judy Ann Santos with Mommy Carol Santos on her 65th birthday last February 25, 2012.
Judy Ann Santos with Mommy Carol Santos on her 65th birthday last February 25, 2012.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun kasi yung itinanim ng Mom ko sa akin, mag-ipon ka nang mag-ipon.

"Kasi yun din yung nakita ko kay Mommy, e.

"Na nung panahon na nakatira kami sa Antipolo and ang ulam na lang namin ay talagang wala na. Dumating kami sa point na kamatis at kanin lang.

"Nakita ko siya, nagsasanla ng mga alahas niya.

"So yun yung naging saving grace namin para makapag-enroll, para makabiyahe pa-Manila kapag may trabaho kami."

Tumatak daw ang mga iyon sa isip niya, kaya nung kumikita na siya sa showbiz, isa raw sa mga naging goals niya ay ibalik kay Mommy Carol ang mga alahas.

"So, it stuck with me so bad na I made it a promise na pag nagkapera ako, ang una kong gagawin, ibalik muna kung gaano karaming alahas yung isinanla ng Mommy ko.

"Hindi ko man makuha yung original na piece, at least, be able to give her back that amount of jewelry that she had at that time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maganda pa sa alahas, maipamamana niya ang mga ito sa kanyang mga anak.

Tatlo ang anak nila ni Ryan—sina Yohan, Lucho, at Luna.

JUDY ANN SANTOS ON INVESTMENTS

Mas inuna raw ni Juday ang pag-i-invest kesa sa pag-i-splurge.

"And I promised myself, I would invest in good jewelry, in properties, in things that would appreciate and in things that I'll be able to pass on to our children.

"Kasi again, ang pera nananakaw, maraming bagay ang puwedeng mawala.

"But when you've invested properly and alam mong pinaghirapan mo ito, proud ka rin."

Biro pa niya, "Kaya ang sarap magsuot ng alahas, e, kasi bayad na ito, e."

Judy Ann Santos' PEP.ph interview after the formal launch of her new Tala Philippines endorsement at the New World Hotel in Makati last July 30, 2025.
Judy Ann Santos' PEP.ph interview after the formal launch of her new Tala Philippines endorsement at the New World Hotel in Makati last July 30, 2025.
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, binanggit ni Judy Ann ang mga naging konsiderasyon niya bago tinanggap ang endorsement na Tala Philippines.

Aniya: "Of course, 'Okay, teka muna, lending app ito. Ano yung values?' That's one.

"'Ano ang gusto nating iparating sa Pilipino? Ano yung pupuntahan?'

"Tatlo lang naman iyan. E, nag-align lahat yung tatlong iyan.

"The values, the chance to empower the Filipino people in being able to reach their dreams, at magkaroon sila ng tapang na lumaban nang patas sa buhay.

"And, at the same time, andun yung binibigyan mo sila ng hope na may chance, may chance pa na maging successful ka sa negosyo.

"Kailangan mo lang talagang subukan, lakasan ang loob mo, at maging responsable."

Read: Judy Ann Santos has a funny anecdote about her Fantasporto trophy

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tala Philippines endorser Judy Ann Santos recalls how her mother Carol’s jewelry once helped their family through tough times: "Nung panahon na nakatira kami sa Antipolo and ang ulam na lang namin ay talagang, wala na. Dumating kami sa point na kamatis at kanin lang. Nakita ko siya nagsasanla ng mga alahas niya. So yun yung naging saving grace namin..."
PHOTO/S: Courtesy: @talaphilippines on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results