Hindi tulad sa ating mga tahanan, ang mga toilet doors sa public places tulad ng malls, public restrooms, at maging mga office buildings ay may gap sa ilalim.
Napansin niyo?
But the truth is, mayroon palang hygienic, health, at safety reasons.
Read: Beehive house in Angono, Rizal, is truly buzz-worthy
Explained: The Gaps in Public Toilet Doors
For easy cleaning
Sa ganitong disenyo, mas madali para sa maintenance workers, tulad ng janitors, na malinis ang public restrooms.
Madali para sa kanilang imaniobra ang floor mops at buhusan ang sahig ng tubig, ayon sa blog ng Greenlam Industries Ltd., isang surfacing and substrate products manufacturer sa India.
Kung sagad kasi hanggang sahig ang pinto ay kailangang linisin ang bawat cubicle.
Hindi rin naiipon ang anumang dumi sa mga sulok ng toilet dahil sa huge gap na ito.
Read: Pinoy scientist returns home after studying at Harvard University
For better airflow
Mas marami ang gumagamit sa mga restrooms sa public places at office buildings, hindi gaya sa mga private restrooms.
Dahil dito, mas madaling mag-accumulate ng hindi kanais-nais na amoy sa public restrooms kaya mas advisable ang proper ventilation.

For health and safety reasons
Kung sakali mang magkaroon ng health emergencies ang isang tao while using the toilet, mas madali itong malalaman.
At kung hinihingi ng pagkakataon, mas madali ring makakapasok sa loob ang cubicle kung sakaling may nawalan ng malay.
For prevention of any untoward behavior
May mga taong ginagamit ang public toilets para sa di kanais-nais na gawain, tulad ng bandalismo, paninigarilyo, at pangho-holdap.
Dahil sa mga gaps na ito, maririnig ng maintenance workers ang anumang call for help.
