Si Zara Dar, 24, ay isang American content creator.
Ang computer science graduate ay unang nakilala at nabigyan ng media attention matapos mag-quit sa kanyang doctoral program.
Sa halip, naging full-time OnlyFans creator siya.
Bago ang kanyang career shift sa paglikha ng adult content, si Zara ay may master's degree in Computer Science mula sa University of Texas.
Isa rin siyang advocate for women in STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics).

Noong una, nakalikha siya ng social-media following sa pamamagitan ng pagpo-post ng machine learning and neural network tutorials sa YouTube.
Pero itinigil niya ito.
Naging financially successful naman siya sa OnlyFans bilang model and content creator.
Read: NETIZENS REACT: Dad scolds Redditor for ordering too much food
WHY THE INFLUENCER CHANGES HER CAREER PATH
Sa panayam sa kanya ng international media, sinabi ni Zara na inayawan niya ang restrictive structures and potential career paths sa academia at maging sa corporate world.
Mas gusto umano niyang magkaroon ng kalayaan at personal growth on her own terms.

Nagsimula siya sa paggawa ng adult content bilang side hustle habang tinatapos ang kanyang PhD.
Naging lucrative venture ito para sa kanya nang kumita ng mahigit US$1 million.
Ginamit niya ang earnings para mabayaran ang utang ng kanyang pamilya.
Nakabili rin siya ng sasakyan.
Mula noon, ang dating side hustle ni Zara ay naging full-time job niya.
Read: Judge Frank Caprio, world’s "kindest judge," dies at 88
INFLUENCER’S "TANK-TOP EFFECT" EXPERIMENT
Sa kabila ng pagiging adult content creator, hindi nakakalimutan ni Zara ang kaalaman sa science and technology.
Kamakailan ay nagsagawa siya ng bagong social-media experiment.
Tinawag niya itong "tank-top effect."
Ang resulta ay attempt niya para maintindihan ang unpredictable world of online algorithms.
Sa kanyang social-media experiment, gumawa si Zara ng dalawang identical short videos.
Ang tanging pagkakaiba: sa isang video ay nakasuot siya ng standard top, at sa isa, tank top.
Bagama’t ina-acknowledge ni Zara na ang kanyang social-media experiment ay nangangailangan pa ng mas maraming testing para makabuo ng mas solidong conclusions, isinalarawan niya ang initial results bilang “striking.”

Sa video na tampok ang tank top, nagkaroon ng significant increase sa engagement sa dalawang major platforms.
Sa Instagram, 28 percent ang increase sa views; sa X, higit sa doble ang itinaas.
Mababa naman ang naging performance nito sa YouTube, at halos walang nanood.
Read: Mom ends up at ER after popping pimple in “Triangle of Death”
INFLUENCER CONCLUDES THERE’S NO “ONE-SIZE-FITS-ALL STRATEGY” TO ATTRACT VIEWERS
Paliwanag ni Zara sa outcome ng kanyang experiment, ang differing results across platforms ay nagpapakita na bawat algorithm ay may unique set of rules for content promotion.
Binibigyang-diin aniya ng "tank-top effect" ang ongoing challenge na kinakaharap ng content creators para higit na maunawaan kung paano mag-navigate sa complex landscape ng social-media algorithms.
Pagtatasa ni Zara, habang may ilang platforms na pumapabor sa certain types of visual content, ang ibang platforms naman ay pini-penalize ito.
In short, wala raw “one-size-fits-all strategy” para makahatak ng napakaraming online views.
