Isang kababayang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho bilang yaya sa Barcelona, Spain, ang mayroong 235,000 followers sa kanyang Facebook page na Arlene Vlogs.
Siya ay si Arlene Bautista, taga-Palawan.
Batay sa videos na kanyang ina-upload, mahihinuhang hindi siya bihasa bilang isang content creator.
Mahiyain si Arlene sa kanyang pananalita, at simple rin ang format at execution ng kanyang videos.
Pero paano niya naparami ang kanyang followers?
Read: Barbie Forteza meets Jameson Blake's mother; visits his house
Labing-isang taon na si Arlene sa pamilya na kanyang pinaglilingkuran sa Spain.
Ang mga amo niya ay mag-asawang Spanish at ang dalawang nilang anak na babae—sina Mariona at Carlota.
Nasundan ni Arlene ang paglaki ng mga alaga at ngayon ay mga dalaga na.
ARLENE BAUTISTA's videos with ALAGAS
Lumalabas na nagva-vlog si Arlene para libangin ang sarili.
At very supportive sina Mariona at Carlota, na malaki ang naitutulong para dumami ang followers ni Arlene.
May mga dance video challenges sila.
May mga pagkakataong tinuturuan niyang magsalita ang mga ito ng Tagalog.
Kita ang maganda nilang relasyon.

Sa kanyang mga captions, parating binabanggit ng OFW na napamahal na sa kanya ang dalawang dalaga.
Sa isa niyang video, aniya: “Trabaho na may konting bakasyon na madaming byahe, is equal to pagod na katawang lupa.
“Pero masaya naman ulit, dumating na mga alaga ko. May kukulitin na ulit ako at aawayin araw-araw.”
May pasilip din siya sa lambingan nila.
Nang umabot sa 230,000 ang kanyang followers noong August 21, 2025, nag-post ng photo si Arlene kasama ang dalawang alaga.
“Maraming salamat po sa 230k followers. We love u all at maraming maraming salamat po ulit sana po, wag kayo manawa sa amin," caption niya rito.
May isa pang post si Arlene at humirit siya na masaya siya kahit walang love life.
Kalakip nito ang exchange of messages nila ng isa sa mga alaga.
“Okay na ako walang jowa, may alaga naman akong naaalala akong kamustahin ng 2:06 AM,” caption ni Arlene sa FB post niya noong August 28, 2025.

Read: Ellen Adarna's IG Stories intrigue netizens
ARLENE’S INTERVIEW WITH SENyORA
Mismong ang senyora o among babae ni Arlene ay suportado ang vlogging ng OFW.
Noong 2023, nagkaroon sila ng Q and A, at game na game ang senyora, na hirap man sa English ay sinubukang sagutin ang mga tanong ni Arlene.
Usisa ni Arlene, ano ang “best thing” tungkol sa serbisyo niya?
Sabi ng kanyang amo: “You have achieved no discussions with my husband and the kids’ house tasks.
“And, also, to have someone at home with another culture, I think also is good for us. You bring another mentality, another point of view.”
Pinuri rin nito ang pagiging relihiyosa ni Arlene.
“I never met someone that was so involved in religion,” sabi ng amo.
Ano naman daw ang ugali ni Arlene na nais baguhin ng kanyang amo.
“People [don’t] change and I don’t wanna change anyone. People has their own character,” hayag ng senyora.
“If I have to say something, maybe to understand more Spanish adolescence.”
Inamin ng amo na nahihirapan siyang basahin minsan ang emosyon ni Arlene.
“We don’t know, sometimes [we] see the face if you are angry… if we did something wrong…”
Bilib din daw siya kay Arlene dahil kaya nitong magtrabahong mag-isa kahit pa nagdadala sila ng mga bisita sa bahay.
Sabi ng senyora ni Arlene, “You can manage a group of people while we have dinner, lunch... you are very quick, very organized…”

Nagdalawang-isip ang amo nang tanungin ito ni Arlene kung irerekomenda raw ba niya ang pagkakaroon ng Pilipinang kasambahay.
Sabi ng amo, iba-iba kasi ang ating pagkatao. Nagkaroon daw siya dati ng Pilipinang yaya na may distansiya sa kanyang mga anak.
Mayroon ding mga Spanish employers na nais ng boundaries sa relasyon ng amo at kasambahay.
Pero mas gusto raw nito na malapit siya sa kasambahay.
Paliwanag ng senyora: “If I have a good relationship, you will work better, and you will not leave. So we find happy. With you, I will try to have good relation.
"But it’s very difficult to advise someone because they don’t understand the good relation I have with you, because they separate the chica [kasambahay] with the family.”
May open communication si Arlene sa kanyang senyora. Kaya raw niyang sabihin dito ang lahat, maging ang mga bagay na hindi niya kayang ibahagi sa sariling pamilya.
Naging emosyonal si Arlene nang alalahanin ang pagpanaw ng kanyang ama sa Pilipinas. Ang pamilya raw ng kanyang senyora ang laging nangungumusta sa kanya.
Sa isang punto rin ng interview, nabanggit ni Arlene na hindi siya perpekto at mayroon din siyang mga kakulangan.
At sumang-ayon dito ang senyora.
SHARING her LIFE AND STRUGGLES OF AN OFW
Kasama rin sa content ni Arlene ang buhay at struggles ng isang OFW.
Sa isang vlog, nagbakasyon siya kasama ang ilan pang kaibigang Pinoy.
Tumuloy sila sa isang cabin at nagbaon ng mga lulutuin na tatagal ng ilang araw.
Siyempre, may baon silang bigas at mga sangkap para magluto ng pagkaing Pinoy.
Nagvi-video rin si Arlene at ipino-post ang magagandang tanawin, tulad ng mga bundok, luntiang mga puno, at magagandang pasyalan sa ilang lugar sa Spain.
Paminsan-minsan, binabanggit din ni Arlene ang kanyang personal struggles.
Kasama na rito ang kanyang pagwo-work out para manatiling healthy.
Caption niya sa second-day workout niya: “Walked 7 kms alone sa hapong mainit. Takot akong maligo sa dagat pero hindi ako takot mglakad mag-isa at sumuot sa kagubatan…
“Second day ng aking balik-lakad program. Pagod pero masarap sa feeling na kahit paano may accomplishment ako today kahit daming pagod sa work. Bukas ulit.”
Post naman niya sa kanyang seventh-day workout: “Not bad para sa ika-pitong araw! Hirap makipaglaban sa sariling katamaran, pero yung totoo Sunday kasi today.
“Medyo madami ganap sa buhay at need din matulog ng medyo mahaba-haba. Bawi na lang ako bukas.
“Makikipaglaban ulit ako sa sarili at kakausapin ko siya na sipagan niya para mawala ang triple na baba [patukoy sa double chin].”
Very real at raw ang mga videos niya. Very aspirational din para sa mga nagnanais magtrabaho abroad.

Nagagawang kumain ni Arlene sa mamahaling restaurants dahil isinasama siya ng kanyang mga amo.
Marami siyang paraan para mabawasan at makalimutan ang pangungulila sa pamilya.
Napapasilip niya ang sarap at hirap ng buhay ng isang OFW sa Spain nang walang masyadong drama.

Si Arlene ay salamin ng marami sa atin—hirap sa trabaho pero humahanap ng paraan para hindi ito damdamin.
At kahit saan mapadpad at saang trabaho ilagay, magsusumikap, at lalaban anumang pagsubok ang kaharap.
