Paano mo ginastos ang iyong unang suweldo?
Ang nakagawian ng marami ay ilibre ang kanilang mga magulang.
At ganito ang ginawa ng isang Redditor, at sa simple niyang gesture ay natupad ang pangarap na kanyang ama.

Ayon sa post ng Reddit user na may handle na @thedailyclangour last August 18, 2025, ang una niyang suweldo ay ginamit para makalikha ng hindi malilimutang alaala.
Saad niya sa caption, published as is:
“Not on a car or a gadget, I spent my entire first month's salary on giving my Papa his dream stay at the Taj.”
Read: Wife uncovers husband’s affair via failed contraceptive e-payment
DAUGHTER COMES FROM A FRUGAL HOUSEHOLD
Sa unang bahagi ng post, sinabi niyang mula pagkabata, nakasanayan niya ang buhay na salat sa pera.
Ang Redditor ay isang Indian mom na happily married.
Solo siyang pinalaki ng ama matapos pumanaw ang kanyang ina noong teenager pa lang siya.
Lumaki siya sa isang middle-class household kung saan namulat siya sa importansiya ng pagiging matipid.
Sa kanyang formative years, nagpalipat-lipat silang mag-ama sa iba’t ibang lungsod.
Kung saan makakita ang ama ng trabaho, doon din siya mag-aaral.
Masinop sila sa pera at maingat sa pagba-budget.
Ayaw nilang manatili sa buhay na ‘ika nga’y isang kahig, isang tuka.
Read: CHECK THIS OUT: Kaffeost, coffee that uses cheese as creamer
A LIFE-CHANGING EVENT FOR DAUGHTER
Nakatapos si @thedailyclangour ng pag-aaral, at nakakita ng maayos na hanapbuhay.
Sa kabila nito, ipinagpatuloy niya ang nakagawiang pagiging matipid sa pera at mas inuna ang pag-iipon kumpara sa paggasta.
Hanggang isang pangyayari ang naganap: nawalan si @thedailyclangour ng trabaho.
Mahigit isang taon siyang naghanap pero parating bigo.
Dahil naging tambay, bahagyang natinag ang kanyang self-confidence.
Nagsimula rin siyang mag-reevaluate ng kanyang mga prayoridad sa buhay.
Read: Customer sets cafe-bar on fire after being denied of mayonnaise
DAUGHTER LEARNS ABOUT HER FATHER’S FASCINATION IN LUXURY HOTEL
Isang gabi, habang sakay ng kotse ang mag-ama, napadaan sila sa tapat ng isang kilalang luxury hotel sa Mumbai.
Nakita ni @thedailyclangour kung paano tinitigan ng kanyang ama nang buong pagkamangha ang naturang hotel.

Nang makarating sa kanilang bahay at nagkakape na silang mag-ama, nabanggit ng matanda na hindi pa ito nakapapasok man lang sa loob ng hotel na nadaanan nila kanina.
Pero noong early 1980s, nakapagpakuha umano siya ng picture kasama ang misis sa harapan ng hotel na iyon bilang local tourists.
Ang lumang larawang ng parents ni @thedailyclangour ay nananatiling iniingatan ng kanyang ama, at sumisimbolo sa isang pangarap na hindi pa natutupad.
Naghatid na kirot iyon sa puso ng Redditor.
Read: Is food cooked in air fryer healthy?
Daughter Spends Her First Month’s Salary to Fulfill Her Father’s Dream
Makalipas ang isang taon at kalahati, nakakitang muli ng trabaho si @thedailyclangour.
Nang matanggap niya ang unang suweldo sa bagong trabaho, nagdesisyon siyang gamitin iyon para tuparin ang pangarap ng ama.
Nagplano siya ng staycation at nag-book ng isang weekend sa hotel.
Nang sumapit ang takdang araw na sosorpresahin niya ang ama, kitang-kita ni @thedailyclangour kung gaano ito kasaya pagpasok pa lamang sa lobby ng hotel.
Hindi niya naiwasang maging teary-eyed.
Read: NETIZENS REACT: Dad scolds Redditor for ordering too much food
Pagbabahagi pa ni @thedailyclangour, higit na naging emotional ang experience ng kanyang ama dahil sa ipinakitang gesture dito ng hotel staff.
Naghanda ang mga ito ng mga bulaklak, cake, at nagpa-frame ng picture nilang mag-anak.
May lumang larawan din ng kanyang ina na kasama sa welcome amenities kaya naging emotional din ang kanyang ama.
Anang Redditor: "The hotel staff went above and beyond for us. They surprised Papa with a letter, flowers, cake, even framed photos of our family that they asked me beforehand, especially Maa’s picture as a tourist in front of the Taj Mahal Palace made us all tear up instantly, staff included.
"It didn’t feel like just another luxury hotel stay experience; it felt like they truly understood the emotions behind our story. I won’t lie, I got super weepy right there in the middle of all the grandeur."

Ani @thedailyclangour sa kanyang post: " I won’t lie, I got super weepy right there in the middle of all the grandeur.
“This was hands down the best money I’ve ever spent.
“Fulfilling my parents’ dream at the age that I am and giving Papa a memory he’ll cherish at the age he is in, is forever going to be the biggest flex of my life for now.”
Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later
Netizens Inspired by Daughter Who Made Her Father’s Dream Come True
Maraming netizens ang pumuri kay @thedailyclangour.
Karamihan sa mga ito ay napaiyak sa tuwa dahil sa kanyang ginawa.
May nagkomento ng, "This is so beautiful. You really made a grown man cry. Super happy for you.”
May mga nagsabi ring tama ang naging pagpapalaki ng ama kay @thedailyclangour.
Sinusugan ito ng isa pa: “You are right, it's all thanks to her upbringing.
“And even though it wasn't her [father’s] birthday or any other occasion, I will call it a special event for sure.”
Marami rin ang na-inspire sa ginawa ni @thedailyclangour, at nagsabing tutularan nila ito para mai-treat din ang kanilang parents sa paraang kaya nila.
