PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis earns up to PHP3M in a single day of online selling

Her sideline is now her bread and butter.
by Bernie V. Franco
Published Sep 3, 2025
Kiray Celis
From starting in showbiz at age 3, Kiray--now 30--has ventured into business, selling weight-loss supplements.
PHOTO/S: DTI Philippines via YouTube / @kiraycelis on YouTube

Sa tinatayang 25 years ni Kiray Celis sa showbiz, masasabi niyang mas mabilis kumita ng pera sa pagiging online seller/influencer.

Ayon sa kanya, kaya niyang magkaroon ng total sale of PHP1 million mula sa online selling kada araw.

Nagawa na rin daw niyang makabenta ng PHP3 million in a day.

Ang 30-anyos na comedienne ay nag-venture sa drink supplements for weight loss at iba pang beverage.

Ang negosyong ito ang mas pinagkakaabalahan na ngayon ni Kiray, subalit tumatanggap pa rin siya ng panaka-nakang guest appearances at tapings.

Read: Kiray Celis' new business hits PHP8.3M sales in just 6 months

FROM comedienne TO live seller to BUSINESSWOMAN

Gaya ng maraming artista at personalidad, naging turning point ang pandemic sa career ni Kiray.

Mabuti na lang, naisip niya agad na subukin ang maging social media influencer.

Nakipag-collab siya sa iba’t ibang negosyo, especially mga food brands.

Ipinu-promote niya sila kapalit ang pagkaing ipinapadala sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang malaking bagay na iyon sa family ko, na parang makakakain kami nang libre,” pagbabahagi ni Kiray sa DTI: Asenso Pilipino episode ng DTI Philippines YouTube channel, August 29, 2025.

Sa pagpapatuloy niya: “Lahat tayo noon halos, walang trabaho. Lahat nasa bahay, so parang super thankful ako noon.”

Kalaunan, pinasok na rin niya ang online selling.

Magandang senyales ang unang sabak niya dahil umabot sa isang milyong piso ang kanyang benta.

Sa loob ng tatlong oras, tuluy-tuloy lang siya sa pagsasalita.

Mahirap pero ang kapalit naman ay komisyong PHP50,000.

Noong una ay inakala niyang nakatsamba lamang siya.

Nawala ang duda ni Kiray nung mga sumunod pang online live-selling sa social media, partikular sa TikTok.

Isang araw, nag-suggest daw ang boyfriend niyang si Stephan Estopia. Bakit hindi na lang magtayo ng sariling negosyo si Kiray at siya mismo ang mag-online selling?

Sa pamamagitan nito, sa kanya ang lahat ng kita.

Nagkaroon ng grand launch ang products ni Kiray noong January 27, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga produkto niya ang coffee, juice, at capsule supplements for weight loss.

Ibinida rin ni Kiray sa launch na sa unang anim na buwan ng kanyang negosyo ay nagkaroon siya ng PHP8.3 million worth na benta.

Sabi niya noon, "Hindi pa po tayo nag-ga-grand launch, pero ito na po yung total sales natin from online."

Inusisa si Kiray kung mas malaki ba ang kinikita niya bilang online seller/influencer kumpara sa pagiging artista.

Sagot niya: “Actually, siguro ang right word po, mas mabilis.

“Hindi ko ma-compare kasi nakikita ko naman sa family ko kung ano naman na sila ngayon, kaya parehas naman pong may naipundar na.

“Mas mabilis lang po yung online, kasi po si online po, ilang beses lang magla-live, e. Unlike sa taping, whole day ako doon, puyat pa. So, mas mabilis po talaga.”

Kiray, Karen Davila
Kiray Celis talks about how she evolved from showbiz personality to entrepreneur.
Photo/s: DTI Philippines via YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Who is Gela Alonte?

TESTING HER OWN PRODUCTS

Approved na ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanyang products, na mismong siya raw ang nag-test para patunayang effective ang mga ito.

“Hinintay ko rin po na may mabago sa akin bago ko binenta sa mga tao…

“Actually, maraming nagsasabi kapag artista, influencer, vlogger, madaling mangbudol…

“Kasi nga parang puwede mong sabihin na, ‘Ginagamit ko ito,’ kahit hindi mo naman ginagamit,” paliwanag ng aktres.

Sa napili niyang propesyon, importante ang resulta.

“Ang ginagawa ko po dito, ginamit ko po muna bago ko binenta para nakita po talaga nila ang result.”

ADVICE TO ASPIRING BUSINESS OWNERS

Hiningan ng payo si Kiray para sa mga nagnanais na magnegosyo.

Sa kaso raw niya, naghanap siya ng papatok na products at ng magaling na supplier.

“Ang pinakamahirap kasi, maghanap ng maayos na manufacturing, kasi po maraming puwedeng ibenta.

“Kailangan quality po yung products na mabebenta niyo. Madali pong makabenta sa una, pero ang problema po kung babalik po sila. So, yun po ang una kong hinanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagbasa ako ng reviews, inalam ko po talaga ang manufacturing, kaya po talagang yun ng pinakamahirap sa lahat.”

Malaking factor ding nakakuha agad siya ng FDA approval at iba pang certifications, tulad ng Halal o “lawful” sa turo ng Muslim religion.

Ano so far ang biggest lesson niya?

“Ang pagkakamali ko noon is nagsasabi ako noon na hindi naman talaga.

“Kunyari, ‘Eto, ginagamit ko,’ pero hindi ko naman talaga ginagamit po noon."

May ilang netizens daw na hindi iyon nakalimutan at ibinabalik parati kay Kiray.

“Kaya be careful sa mga words mo, and kailangan, maging totoo ka kasi yun naman talaga ang gusto ng mga bumibili, at gustong bumili sa iyo. Maging totoo… yung totoong nasa products mo talaga.”

Pagtatapos niya sa mga nais magtagumpay sa pagnenegosyo: “Kapag may pangarap tuparin, sipagan, lakasan ang loob, tiwala sa sarili, bigyan ng oras ang gustong mangyari.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From starting in showbiz at age 3, Kiray--now 30--has ventured into business, selling weight-loss supplements.
PHOTO/S: DTI Philippines via YouTube / @kiraycelis on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results