Na-launch na ng Apple ang iPhone 17 line sa ginanap na "Awe Dropping" event last September 9, 2025, sa Steve Jobs Theater, Apple Park, Cupertino, California, USA.
Sa halip na iPhone Plus model ang kasama sa product line, napalitan ito ng iPhone Air, na ayon sa Apple, ay ang “thinnest iPhone ever.”
Ang lahat ng units na kabilang sa iPhone 17 line ay ginagamitan ng Wireless MagSafe charging.
Pinahaba rin ang battery life ng mga ito.
Available ang pre-order simula September 12.
Opisyal naman itong ibebenta sa physical stores sa September 19.
Sa Pilipinas, abangan na lang ang launch date sa official website ng Apple Philippines.
Read: Man accidentally drops iPhone in donor box; temple not returning
WHAT SETS IPHONE 17 APART
Sa ProMotion display ng iPhone 17, makikita ang always-on display capability na idinagdag mula sa previous generation ng Pro and Pro Max models.
Mas malaki rin ngayon nang kaunti ang screen na may sukat na 6.3 inches
Ang main camera system ay may 48-megapixel ultra-wide camera at 12-megapixel macro camera.

Ang front-facing camera ay may square sensor na nakadisenyo para sa multiple photo orientations kapag ginamit sa selfies.
Ayon sa Apple, dahil sa Ceramic Shield 2 material nito, mas matibay ang iPhone 17 at scratch-resistant.
Sinabi rin ng company na ang units ay may "all-day battery," pero hindi nagbigay ng specific battery life.
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
Ang iPhone 17 Air ang pinakabagong napadagdag sa iPhone line-up.
Ayon sa Apple, ang ultra-slim model ay hindi talaga ginawa bilang replacement sa tinanggal nang Plus line.
Bahagi umano ito ng pag-e-explore ng kumpanya ng bagong design trend.
Ang iPhone 17 Air ay may nipis na 5.6 millimeters, at timbang na 165 grams.

Naka-enclose ang 6.6-inch ProMotion display nito sa magaan na titanium-aluminum frame, na nababalutan ng Ceramic Sheld 2.
Ibinunyag din ng Apple na may bagong "plateau" para sa Air na magkakasama ang front camera, rear camera, at Apple Silicon.
Taglay naman nito ang A19 Pro chip, na siyang bahala sa mga wireless duties gaya ng wifi at bluetooth. Mas efficient din daw ang functions nito sa AirDrop and Personal Hotspot.
With its Apple C1X modem, may 12 GB of RAM at 2x boost sa performance.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
IPHONE 17 PRO AND PRO MAX FEATURES
Binago ang disenyo ng camera bar ng iPhone 17 Pro and Pro Max.
Ang 48 megapixel camera ay may telephoto lens na may 1x, 2x, 4x and 8× optical zoom and 8K recording capabilities.

Ang dalawang premium models ay parehong may Apple-designed Wi-Fi 7 chip para sa faster connectivity.
Inianunsiyo ng Apple na ang Pro and Pro Max ay may mas malinaw na displays at kayang mag-play ng video sa loob ng 39 hours.
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
IPHONE 17 PRICES IN THE U.S.
Magkano naman starting price ng bagong iPhone line sa U.S.?
- iPhone 17 - US$799
- iPhone Air - US$999
- iPhone Pro - US$1,099
- iPhone Pro Max - US$1,199
Makikita naman sa website ng Apple Philippines ang starting price na PHP57,990 para sa basic unit; PHP72,990 para sa Air; PHP79,990 para sa Pro.

Available din ang 1Phone 17 sa iba’t ibang kulay.
- iPhone 17: black, white, steel gray, light blue, green, and purple colorways
- iPhone 17 Air: black, white, light gold, and sky blue
- Pro and Pro Max: blue, orange, and silver
Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"
