Kung balak mong mag-alaga ng pets, ang pinaka-importanteng tanong: Handa ka na ba?
Dapat alam mo na hindi ito simpleng kagustuhan lamang dahil sa kaakibat nitong responsibilidad.
Alam mo ba ang kanilang basic needs?
These tips will come in handy.

Read: Cows painted with zebra stripes to keep flies away win award
FEED YOUR PETS WITH NUTRITIOUS FOOD
Ang pets ay gaya rin ng tao na nangangailangan ng pagkain na nakadisenyo sa kanilang individual nutritional requirements.
Ang mga tuta ay nangangailangan ng ibang uri ng food and nutrition kumpara sa adult dogs.
Kailangan din ang special diet para sa pets na may medical conditions.

May pet owners na nakakatuwaang pakainin ang pets ng kanilang food lalo na kung katabi o nasa ilalim ng mesa.
Hindi ito inirerekomenda. Ang mga tirang pagkain ay kalimitang hindi angkop para sa aso o pusa.
Ang ating pagkain kasi na may taglay na asin, bawang, at sibuyas—lahat ito ay delikado para sa pets.
Pinagmumulan sila ng allergies at kung minsan ay nagiging sanhi ng kanilang kamatayan.
Pakainin ang inyong pets kung ano lang ang required na dami ng food para sa kanila upang hindi tumaba.
Kapag sobra sa food o laging binibigyan ng treats, nagiging obese ang pets.
Ang matabang pets ay prone sa heart failure, kidney problems, at iba pang health issues.
Para maiwasang maging obese ang pets, timbangin o sukatin ang kanilang pagkain.
Alamin din sa vet kung ano ang tamang dietary requirements ng inyong alaga.
Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog
PETS MUST ALSO BE PROVIDED WITH CLEAN WATER
Kailangan din ng pets ng malinis na tubig para mabuhay.
I-refill ang tubig sa water bowl nang at least dalawang beses sa isang araw.
Ang pets ay mananatiling malusog, hydrated, at maliksi kapag laging may available na malinis na drinking water.
Kung ang inyong pet ay fish, turtle, o bird, siguraduhing laging nililinis ang kanilang tangke o hawla para maiwasan ang malansang amoy mula sa lumang tubig o ipot.
Ang maruming tubig ay nakaaapekto sa well-being ng pet fish or turtle, gayundin ang hindi malinis na cage sa birds.
Read: Aunt blames niece after accidentally eating dog food during visit
PETS SHOULD HAVE A SAFE HOME
Ang mga pusa ay laging nasa panganib na masagasaan ng sasakyan.
Inaaway rin sila ng mga salbaheng aso ng kapitbahay.
May mga taong ayaw ng pusa o aso kaya hinahampas o binabato nila ang mga ito kapag naliligaw ng bakuran.
Ang mga pusa ay dapat na laging nasa loob ng bahay para sa kanilang pansariling kaligtasan.
Mas maigi kung mayroon silang sariling covered bed o kaya ay cave-like room sa loob ng bahay kung saan maaari silang magpahinga.
Hindi naman choosy ang mga pusa. Minsan, ordinaryong kahon lang ay happy na sila.
Ang mga aso ay hindi rin dapat pinalalabas ng bakuran kung hindi kasama ang amo. Tiyakin na laging sarado ang gate.
Gustung-gusto rin ng dogs na may sariling bed. Maraming nabibili online para sa kanilang kumpotableng pagtulog.
Ang pets ay dapat ding proteksiyunan laban sa matinding init at sobrang lamig ng panahon.
Kapag masama ang panahon, hindi sila dapat hayaan sa labas ng bahay.
Isa pang dapat tandaan ay ang maingatan sila sa mga mandurugas na nandadampot ng alaga ng iba—lalo na kung friendly dog or cat.
Iwasan ding mahuli ng city pound ang inyong pets dahil problema at malaking abala ang pagbawi sa kanila.
Read: NETIZENS REACT: Owner brings tattooed dog to pet fair
ATTEND TO YOUR PETS’ CALL OF NATURE
Hangga’t maaari ay turuan ang inyong pets kung paano at saan dudumi at iihi.
Mag-provide ng litter box para sa cats.
Ang mga tuta ay dapat sanaying magkaroon ng potty break kada isa o dalawang oras.
Ang kakayahan ng aso na mapigilan ang pagdumi at pag-ihi ay nag-i-improve habang nagkakaedad.
Halimbawa, ang three-month-old puppy ay kailangan ng at least one toilet break kada apat na oras.
Hindi na kailangan ng trainer dahil kayo mismo ay puwedeng sanayin ang pets sa kanilang pagdumi at pag-ihi.
Isa sa options ang paglalagay ng doggy doors at potty pads.
Tiyakin namang malinis ang ihian at dumihan ng pets para maiwasang magkaroon ng bacteria. Ang proper hygiene ay vital para sa health and well-being ng inyong alaga.
Read: Zoo seeks animal donations as prey for predators
PETS MUST STAY FIT AND HEALTHY
Importante para sa pets ang paglalaro—aso man ito, pusa, turtle, kuneho, ibon, at iba pa—lahat sila ay gustong maglaro.
Ang playtime para sa pets ay essential part ng tamang pag-aalaga para maging balanse ang kanilang physical and mental well-being.
Mapapansin ninyong kung saan-saan sumusuot o umaakyat ang pusa, o kung anu-ano ang nginangatngat ng aso.
Indikasyon daw itong naiinip ang inyong pets.

Bilhan sila ng laruan na kanilang mapaglilibangan lalo na kung walang ibang tao o pets sa bahay.
Ang aso ay mahilig sa bola at iba pang toys na kayang sagpangin, samantalang ang pusa ay enjoy sa mga laruang nakabitin at gumagalaw.
May benepisyo rin sa pets ang pakikisalamuha sa iba, kaya hayaan lang kung lumalapit sila sa ibang hayop lalo na kung dala niyo sila sa pamamasyal.
Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food
TAKE YOUR PETS TO a VET REGULARLY
Responsibilidad ng owner ang regular na pagdadala sa pets sa veterinary clinic.
Ang pusa o aso ay dapat na ma-check up at least once or twice. Mas maikli kasi ang kanilang life span kumpara sa tao.
Kapag bata pa ang pets, tiyaking hindi tsyo sasablay sa kanilang vaccination schedule.

Mas mahirap dalhin sa vet ang cats dahil ayaw ng mga itong umaalis ng bahay.
Dapat, habang kuting pa lang, sinasanay na itong ilagay sa transporting box.
Ang dogs naman ay gustung-gustong nasa sasakyan.
May mga pets na hindi problema ang pagdadala sa clinic lalo na kapag naging pamilyar na sila sa vet.
Huwag ding kalilimutang ipa-groom ang pets. Ipa-clip ang mahahabang kuko at ipa-trim ang malalagong balahibo para maging komportable.
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
SPAY OR NEUTER YOUR PETS
Napoprotektahan ang pets kapag neutered o spayed sila.
Sa pamamagitan ng sterilization, naiiwasan ang kumplikadong pagbubuntis.
Nababawasan din ang dami ng stray animals sa mga kalye.
Kapag ang isang female cat ay spayed, hindi ito naghe-heat at nababawasan ang risk na magkaroon ng ovarian cancer.
Kapag neutered naman ang mga tuta, nababawasan ang kanilang pagiging aggressive.
Hindi rin sila tumatakas para maghanap ng female dog na in heat sa neighborhood.
Nababawasan din ang posibilidad na tamaan sila ng testicular cancer habang nagkakaedad.
Read: Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words
Kapag nag-adopt ka, bumili, o may nagbigay sa iyo ng pet, isipin mong gumagawa ka ng lifelong dedication sa isang maituturing na karagdagang miyembro ng pamilya.
Tandaan na ikaw ang inaasahan ng iyong pet para sa kanyang kalusugan at pang-araw-araw na existence.
At hindi ka naman malulugi sa kabila ng magiging responsibilidad.
Ang ipakikita niyang unconditional love at hatid na saya sa iyong buhay ay walang katumbas.
Sabay kayong gagawa ng lasting memories.
Ang pet ay para ring kabiyak ng puso na kasama sa hirap at ginhawa.
Higit sa lahat, siya ang maituturing na talagang best friend for life.
