PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras ventures into meat shop business

“Financially, hindi na ako kinakabahan..."
by Bernie V. Franco
Published Oct 4, 2025
Mark Herras
"Dumating ako sa point na talagang kung provider ka, masakit sa loob mong manghiram ng pera kahit kaibigan mo o hindi mo kaibigan," explains Mark Herras when asked about the lowest point of his life.
PHOTO/S: DTI Philippines via YouTube

Pinasok ni Mark Herras ang pagbebenta ng karne, tulad ng pork, beef at chicken, pati na rin siomai.

Sabi ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor, ito ngayon ang bumubuhay sa kanyang pamilya ngayong wala siyang masyadong showbiz projects.

“Ang inaasahan na pagkakakitaan ko lang is showbiz lang talaga. Wala akong… hindi ako nagtapos ng college,” kuwento ni Mark sa October 3, 2025 episode ng DTI Asenso Pilipino sa YouTube channel ng DTI Philippines.

Si Mark ay nag-franchise ng isang branch ng Farmer’s Premium Meat Shop, na may sariling poultry at two branches sa Pangasinan.

“Ako po’y nag-invest ng amount na ganito, and then naging partner po ako ng Farmer’s Meat Shop.

“Ah, eto pala ang pupuntahan ng buhay ko," sabi ni Mark.

Ang kanyang branch ay located sa Malate, U.N. Avenue, Manila.

Ang Farmer’s Premium Meat Shop ay may sariling poultry sa Pangasinan, at mayroong two branches doon.

Read: Magarbong renewal of vows nina Zaldy at Mylene Co sa Vatican City, muling lumitaw

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW THE BUSINESS HAS BEEN HELPING MARK HERRAS

Malaking tulong daw ang meat shop kay Mark dahil hindi na raw niya kailangang mangutang sa mga kaibigan kapag kinakapos.

"Lowest point" daw sa buhay niya yung mga panahong kinailangang mangutang para may magastos para sa kanyang pamilya.

Aniya: "Dumating ako sa point na talagang kung provider ka, masakit sa loob mong manghiram ng pera kahit kaibigan mo o hindi mo kaibigan.

"Dumating ako sa point na ganoon, na nangutang ako. Siyempre, nung una, masama sa loob ko, ‘Ayoko ito. Ayoko ng ganitong pakiramdam.’ Hanggang sa gagawin mo lahat para sa pamilya mo.”

Natawa si Mark nang sagutin ang tanong ng host na si Karen Davila tungkol sa nagawa niya para sa pamilya.

"Nagsayaw ako sa Apollo," na patungkol sa nag-viral niyang video kung saan nag-perform siya as isang male entertainment bar.

Read: Mark Herras, nag-show sa isang male entertainment bar

Pero ipinaliwanag ng Kapuso star na noong nangyari iyon, muli siyang kinuha para mag-perform sa iba-ibang shows, kasama na rito ang pageant sa Pangasinan, kunsaan niya nakilala ang kanyang business partners ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi na rin daw siya kinakabahan kung saan bubunot ng perang pantustos sa pamilya.

“From the old Mark na pag walang taping, walang raket, e, kinakabahan kung paano ko papakainin yung mga anak ko or yung family ko.

"Eto, hindi ko na kailangan manghiram ng pera sa mga kaibigan. Kumbaga, medyo nababawi ko naman yung pride ko.”

Nagagampanan din daw niya ang hangaring maging good provider sa asawa't dalawang anak.

“Natutuwa ako sa sarili ko kasi sa showbiz, easy life. Aarte ka lang, punta sa set, susuweldo ka.

“Ito kasi, kaya siya mahalaga sa akin, siya yung bumubuhay sa pamilya ko.

“Ang target ko kasi sa buhay is to provide, to be the provider of my family.

“Medyo hindi gano’n sinusuwerte sa showbiz, so hindi ako puwedeng magpahinga o mag-relax. So, iba yung meron kang business na kayang bumuhay ng pamilya mo.

“Financially, hindi na ako kinakabahan. Yung mga monthly bills, yung mga bayarin, panganay ko, nag-aaral na yung mga bata ngayon, ang mahal ng tuition. So, ngayon, nagkaroon ako ng sandalan, sa totoo lang po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mark Herras business
From celebrity to businessman—Mark Herras embarks on a new venture as a franchise owner of a meat shop. He admits he’s still learning the ropes in his new role.
Photo/s: DTI Philippines via YouTube

NOT LEAVING SHOWBIZ BEHIND

Paglilinaw ng actor-dancer, hindi niya iniiwan ang showbiz. Sa katunayan, may panaka-naka pa raw siyang showbiz commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi man ako active sa TV, I’m doing a lot of indie films, actually. Mga raket sa labas, mga fiesta… andiyan pa rin naman po ako.

“Wala lang sa TV, pero I’m still here,” paniniyak ni Mark.

Huling napanood si Mark sa GMA-7 afternoon teleseryeng Abot-Kamay na Pangarap noong 2024.

Read: FAMAS issues apology over false announcement of Rosa Rosal’s death

MARK RECALLS HOW HE DECIDED TO VENTURE INTO BUSINESS

Paano nga ba napasok si Mark sa kanyang business venture?

Ang mga owners ng meat-shop business ang nag-alok sa kanyang maging brand ambassador. Pumayag si Mark.

“Then habang tumatagal po, every time na meron silang meetings, brainstorming nandoon ako, nakikinig ako. Hindi ko naiintindihan. Sabi ko, ‘Parang exam, ah… parang math exam.’”

Habang tumatagal daw, nabubuksan ang isip ni Mark tungkol sa itatayong negosyo.

Napagtanto raw niyang lucrative ito lalo pa’t constant ang demand ng tao sa karne.

“Bago po lahat sa akin. Ang dami ko pang inaalam na mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Twenty years ang binigay ko sa showbiz. This is my first major business talaga.

“I’m very excited at natutuwa ako kasi it’s very different from showbiz.”

Dahil baguhan sa pagnenegosyo, inamin ni Mark na may nararamdama siyang takot.

“Siyempre po, natakot. Kumbaga may kaibigan ako na nag-business before, kumita lang sa simula, tapos wala na, nagsara.”

Kaya inaaral daw niyang maigi ang pasikut-sikot ng kanyang business dahil hindi naman panghabambuhay ang pag-aartista.

“Hindi ka umaarte dito. Totoong tao ang mga makakaharap mo; totoong tao ang kinakausap mo.

“Nagbebenta ka ng mga produkto na kailangan mapaniwala mo na maayos yung binebenta mo.

“Kumbaga sa showbiz, umaarte ako, character. Hindi ako iyon, di ba?

“Pero ito talagang amin ito. Kumbaga, ito na yung parang takbuhan ko after showbiz. Mas dito ako nagfo-focus ngayon kesa sa pagiging isang artista po," pagbabahagi ni Mark.

Para nga raw siyang bumalik sa pag-aaral.

“As in inaalam ko pa kung paano ba lalapit sa mga tao. Iba-iba ang presyo niyan, talagang inaalam ko every detail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para akong nag-aaral ulit, which is maganda po, para kung talagang seryoso ako sa ginagawa ko kailangan aralin ko talaga lahat.

“Pati po sa Pangasinan bumibiyahe po ako para do’n sa poultry para makita ko po.

“Kumbaga bago sa akin lahat. Gusto kong malaman. Hindi naman ako nagmamarunong talaga, pero gusto ko lang malaman, ma-experience yung mga dapat kong malaman.”

Inusisa si Mark kung ano na far ang naituro sa kanya ng pagnenegosyo.

“To be more patient when deciding a lot of things. Hindi mo puwedeng madaliin,” sagot niya.

Pangarap daw niyang mag-expand ang kanilang negosyo abroad, "pero kami, one step at a time."

Sabi pa ni Mark: “Hindi puwedeng madaliin iyan. Negosyo iyan, e. Kumbaga, ako, learning pa rin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dumating ako sa point na talagang kung provider ka, masakit sa loob mong manghiram ng pera kahit kaibigan mo o hindi mo kaibigan," explains Mark Herras when asked about the lowest point of his life.
PHOTO/S: DTI Philippines via YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results