Mainit pa rin sa mata ng madlang Pilipino ang marangyang pamumuhay ng mga indibidwal na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Isa na rito ang dating congressman na si Zaldy Co, na dawit umano sa corruption at mga ghost projects.
Patuloy pa ring sinisilip ng netizens ang digital footprint ni Zaldy at ng kanyang pamilya.
Patuloy na sinusuyod ang mga posts nila sa social media na nagpapakita ng kanilang luho sa mga out-of-town at out-of-country trips, shopping ng mga luxury goods, pati na rin ang kanilang real-estate investments.
Kamakailan ay nag-viral sa Instagram ang ilang photos na kuha mula sa mga magarbong okasyon ng pamilya.

Ayon sa post ni @santa_marites, sa Vatican City sa Rome, Italy, ginanap ang 25th wedding renewal of vows ni Zaldy at ng asawa nitong si Mylene noong July 2, 2024.
Sa Rome din umano ginawa ang wedding reception, kung saan ang Kapamilya celebrity na si Robi Domingo ang host.

Matapos ang selebrasyon ay sa Bvlgari Hotel Roma nag-stay sina Mylene at ang kanilang mga guests.
Kalakip ng Instagram post ang maikling statement: “There were rumors within the Filipino community that Zaldy Co may have celebrated his 25th wedding anniversary in Rome last year.
"Some accounts suggest he might have hired around 25 drivers for five days, reportedly offering up to €1,000 per day, with confidentiality agreements allegedly involved.
“One anecdote circulating claims that only one of the drivers was Italian, and he supposedly made a comment about suitcases of cash, asking if Zaldy Co was connected to organized groups—though this appears to have been said in jest.
“It’s also been mentioned that guests may have stayed at the Bvlgari Hotel, with speculation that the expenses were generously covered by Mr. Co.”
Read: Pinky Amador, bibili ng "fake news" sa bakehouse ni Ka Tunying
BVLGARI HOTEL
Ano nga ba ang Bvlgari Hotel? Gaano ka-big deal ang mag-stay rito?
Ang 151,000-square-foot property ay konektado sa Bvlgari, isang Italian brand na sikat sa mga mamahaling alahas, pabango, at fashion accessories.
Ayon sa website nito, nais ng Bvlgari Hotel na ipakita ang “excitement” at “timeless glamour” ng tanyag na luxury brand.
May six floors ito at maraming outdoor terraces na may spectacular view ng Rome.
Sa Milan itinatag ang unang branch ng hotel noong 2004.
Sa ngayon, mayroon na itong siyam na total hotels sa buong mundo.
Makikita ang mga Bvlgari Hotel sa mga mayayamang travel destinations tulad ng Beijing, London, Paris, Shanghai, Dubai, Bali, at Tokyo.
Ang Bvlgari Hotel Roma naman sa Rome, kung saan nag-stay ang wedding guests nina Zaldy at Mylene, ay itinatag noong 2023.
Ayon pa sa website, may 106 rooms ang Bvlgari Hotel Roma—14 sa mga ito ang Premium Rooms na may laking 49 square meters, at dalawa ang Premium Suites na may laking 133 square meters.
Ngunit ang pinakamarangyang suite sa hotel ay ang Bvlgari Suite, na may laking 300 square meters. “Located on the third floor, the Bvlgari Suite is a true oasis of peace in the centre of Rome, with a breathtaking view over the Mausoleum of Augustus that can be enjoyed through ten imposing windows,” saad ng website.
Bukod sa mga yayamaning mga kuwarto ay mayroon ding high-class na amenities ang Bvlgari Hotel Roma, tulad ng ilang mga restaurants, bars at coffee shops, spa, swimming pool, at fitness gym.
Read: How much do Mika Salamanca, Charlie Fleming spend on skin care?
HOTEL RATES
Magkano kaya ang gagastusin para maka-check in sa Bvlgari Hotel Roma?
Ayon sa website, pinakamababa na ang €2,100 per night, o higit sa PhP142,000, para sa isang guest room na may isang king-sized bed.
Para naman sa isang premium suite na may isang bedroom na may king-sized bed, terrace, at city view, gagastos ka ng €9,000 per night, o higit sa PHP611,000.
Kung nais mo namang matulog sa marangyang Bvlgari Suite, kailangang mong maglabas ng €35,000 per night, o higit sa PHP2.37 million.

Hindi naman binanggit sa post kung anong mga room or suite ang umano’y na-book para sa wedding party nina Zaldy at Mylene, at kung ilang araw nag-stay sa mamahaling hotel, kung totoo ngang doon nagtungo ang mga guests pagkatapos ng reception.