PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Ronerick Ballesteros: Up-and-coming Filipino pro boxer

Pride of Malasiqui, Pangasinan.
by KC Cordero
Published Nov 14, 2025
Photo of Ronerick Ballesteros after winning a bout
Pangarap ni Ronerick Ballesteros na mailagay ang Pangasinan sa mapa ng international boxing. Sa kasalukuyan ay may record siyang 7 wins and zero loss. Ang 6 dito ay pawang knockout. (Photo: Venice Jireh Ballesteros Appal FB)

Pangarap ng Filipino boxer na si Ronerick Ballesteros na maging world champion at makapag-uwi ng karangalan sa Pilipinas.

Ang 21-year-old slugger ay tubong Malasiqui, Pangasinan.

May moniker siyang “Jackhammer.”

Para kasing maso ang bagsik ng kanyang mga kamao.

Photo of Ronerick Ballesteros
Malaki ang potensiyal ni Ronerick Ballesteros na maging world boxing champion. Photo: Venice Jireh Ballesteros Appal FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last October 29, 2025, nakuha niya ang Philippine Youth lightweight belt sa idinaos na "Thrilla in Manila 2" sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Tinalo niya via technical knockout ang Cebuanong si Speedy Boy Acope sa ikalimang round.

Aniya sa panayam ng Philippine News Agency last November 4, 2025: "It was an international event.

“I was so happy because I never thought that I would be able to join Thrilla in Manila. It was such a big event.

“A lot of fighters wanted to be able to join. I never thought that I would be able to join the event."

Read: Jonalyn Dalanon: Top 1, Fisheries Professional Licensure Exam

WHO IS RONERICK BALLESTEROS?

Twelve years old si Ronerick nang magsimulang mag-training sa boxing.

Ang amang si Ronerick Sr. ang kanyang coach.

Sinubukan niya ang ibang sports gaya ng running, basketball, at track and field, pero kakaiba umano ang dating sa kanya ng boxing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sports na ito siya mas masaya.

Noong 2018 sa Batang Pinoy National Championships na ginanap sa Baguio City at Benguet province, nanalo siya ng dalawang gintong medalya.

Napasama siya sa training pool ng boxing team ng Pilipinas.

Nang lumaganap ang pandemya at tumigil ang boxing competitions, tuluy-tuloy lang ang pagsasanay ni Ronerick.

Noong 2020, nagdesisyon siyang umakyat na sa pagiging professional boxer.

Ani Ronerick, "There were no competitions during that time.

“And when the pandemic ended, I opted to become a professional boxer because that is what I really like to do."

Nakuha niya ang unang panalo bilang pro-boxer noong 2023 sa Bayambang, Pangasinan.

Sumalang na siya sa pitong laban—na lahat ay kanyang pinagwagihan.

Ang anim dito ay knockout.

Read: Filipina architect Christine Espinosa wins award in Dubai

RONERICK BALLESTEROS HAS THE MAKINGS OF BOXING CHAMPION

Kabilang sa pangarap ni Ronerick ang mailagay ang Malasiqui, Pangasinan sa mapa ng boksing sa buong mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakikita naman ng kanyang ama na masigasig siya sa pangarap.

Taglay umano ng anak ang passion at disiplina para sa boxing.

Bukod sa maagang matulog at gumising, disiplinado si Ronerick sa pagkain at masipag mag-practice.

Read: Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pangarap ni Ronerick Ballesteros na mailagay ang Pangasinan sa mapa ng international boxing. Sa kasalukuyan ay may record siyang 7 wins and zero loss. Ang 6 dito ay pawang knockout. (Photo: Venice Jireh Ballesteros Appal FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results