PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What to expect in the Year of the Fire Horse

What are the five lucky Chinese zodiac signs?
by Bernie V. Franco
Published Dec 30, 2025
Year of the Horse
2026 is the Year of the Fire Horse. Which signs will be the luckiest? What can we expect when it comes to love, relationships, and health?
PHOTO/S: Canva

Ano ang aasahan sa 2026 na Year of the Fire Horse?

Anu-anong Chinese zodiac signs ang susuwertehin?

Sinu-sino ang mga dapat mag-ingat?

Ano ang magiging kalagayan ng bansa? Matitigil na ba ang mga gulong nangyayari?

Isang kilalang feng shui consultant ang nagbigay ng kanyang general forecast sa darating na taon.

Read: Kim Chiu's 2024 feng shui video on robbery, betrayal resurfaces

2026: YEAR OF THE FIRE HORSE

In retrospect, ang 2025 ay Year of the Wood Snake.

Katulad ng ahas na nagbabalat, ang taong 2025 ay may kinalaman sa creation at transformation, paliwanag ng feng shui consultant na si Johnson Chua sa Unang Hirit interview niya nitong Lunes, December 29, 2025.

Maraming negatibong nangyari sa bansa ngayong Year of the Snake.

Pero ani Johnson, marami ring magagandang hatid ang taon.

Kung mga may natapos, mayroong mga nagsimula. Kung may mga nagsara, mayroon ding mga nagbukas.

At ang Year of the Fire Horse ay taon daw ng “passion and determination.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang tamang panahon para ipagpatuloy ang mga nasimulang goals.

“Kung last year, creation tayo, 2026 is more on determination na ipu-push mo na siya. Igo-go mo na siya,” sabi ni Johnson.

Mangingibabaw raw ang “passion energy” sa darating na taon.

“Ako, ang gusto lang nating ituro sa mga manonood ngayon is always stick to your target goal.”

Katulad daw ng race horse na may blinders, ipinaalala ni Johnson na maging goal-oriented sa 2026.

“Medyo fast-paced nga lang ang horse, so medyo mabilis lahat ng pangyayari.”

Diin niya, kailangan magkaroon ng goal at finish line, at hindi lang sugod nang sugod.

Sa madaling sabi, dapat daw ay maging result-oriented.

Horse
This 2026 is the Year of the Fire Horse, which is characterized by passion and determination.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Two drivers in Marikina road rage summoned by LTO on January 7

LUCKY ZODIAC SIGNS

Limang Zodiac signs ang tinukoy ni Johnson na masuwerte: ang Rabbit, Sheep o Goat, Ox, Dragon, at Dog.

Dahil kulang daw sa water ang Fire Horse, “So, medyo kulang sa kalma ang taon. So baka chances lang maraming conflict energy.”

Punto ni Johnson marami nang nagsimula dahil sa conflict energy sa pagtatapos ng 2025 at magtutuloy raw ito sa 2026.

Kaya’t muli niyang ipinaalala na ituon ang pansin sa mga goals upang hindi madiskaril sakali mang may conflict na sumulpot.

Aniya, “[B]ecause our target goal is not to do the conflict side… our goal is makuha natin kung ano yung gusto natin.”

Hindi raw dapat magpa-derail at magpadala sa emosyon.

Maging kalmado at positibo lagi.

In the end, ang sukatan daw kung naging productive ang taon ay kapag nakamit mo ang iyong na-set na goals.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON HEALTH, LOVE AND RELATIONSHIP

Pagdating sa kalagayan ng bansa sa 2026, kailangan daw maging maingat sa sakuna at kalamidad, tulad ng drought o matinding init.

Pagdating naman sa relasyon at pag-ibig, suwerte raw ang mga kaibigan ng Horse na Sheep, Dog, Tiger, at kasama na rin daw ang Rooster at Rabbit.

Sa kalusugan naman, pinag-iingat ang Pig, Dog, Rat, Horse, Snake, at Rooster.

Tulad ng laging pinapaalala sa mga hula at forecast, ito ay ituring na gabay lamang at huwag iasa rito ang kapalaran.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
2026 is the Year of the Fire Horse. Which signs will be the luckiest? What can we expect when it comes to love, relationships, and health?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results